take care of you

148 13 15
                                    



Mindy's POV

Nandito ako ngayon sa harapan ng bahay nina Annie. I don't know what I'm doing here. I don't have any idea why I agreed to her mom in the first place though.


Annie's mom called me kasi earlier which surprised me. Nag-alinlangan pa ako whether I should accept the call or not. She asked for a favor.


Nagtataka din naman kasi sila ni tito kung bakit di raw ako pumupunta sa kanila para bisitahin si Annie. They assumed na break na kami reason para tawagan ako ni tita kanina.


Wala daw kasama si Annie sa bahay nila since may pupuntahan silang mag-asawa. Si Brent naman may trip na pinuntahan kasama ang mga kaibigan niya. I'm the only person that comes to their mind na mag-alaga sa anak nila.


Kinakabahan man ay umoo nalang ako. Wala naman kasi akong magagawa. Isa pa gusto kong makita si Annie. Matagal ko na siyang di nakita mula nung naospital siya.



Nagdoorbell ako para malaman nila tito at tita na dumating na ako.



Pinagbuksan naman ako ng pinto ni tito. "Oh, iha..."



"Hello po tito. Good morning." Bati ko sa kanya.



"Good morning din sayo iha. Tamang tama ang dating mo. Paalis na din kami ng tita mo eh." Sabi pa ni tito.



Pinapasok ako ni tito sa bahay nila agad ko naman binati ang mama ni Annie at himala binati niya ako pabalik. Di lang yun, nginitian din niya ako like what the fck? Anong nakain ni tita at parang ang bait niya ata sakin? Ah kasi siguro dahil sa favor niya?




May mga binilin pa sa akin sina tito at tita na mga gagawin sa mga sugat ni Annie pati na din ang walking exercise niya. Ilang araw din kasi sila mawawala.



"Iha?" Tawag sakin ng mama ni Annie. Napatingin naman ako sa kanya. Nauna ng pumasok sa kotse nila si tito kaya naman kaming dalawa nalang ni tita ang natira.




"Yes po?"


"Alam 'kong naging hadlang ako sa relasyon niyo ng anak ko pero sana di pa huli ang lahat para mapatawad niyo ako." Nakatingin lang ako sa kanya. Ano nangyayari? Tita, is that you? "Nakita ko kung gaano naging masaya ang anak ko kasama ka. Kung ano man yung nangyayari sa inyo ngayon sana maayos niyo. I want what's best for my daughter and I think you're the one that's best for her."



"Tita..." I'm the best for her daughter? Owemji!!! Si tita ba talaga to? Natatakot na ako huhu.


"I hope na ang favor ko na to ang magsilbing daan para maging okay na ulit kayo. Hindi niyo man nasabi samin pero alam namin na hindi kayo okay. She's been acting strange lately." I gulped. So napansin pala nila. "Make her happy again, Mindy. Ikaw na bahala sa kanya."



Make her happy...kaya ko bang gawin yun especially now that she doesn't remember everything that ever happened to us? She doesn't have feelings for me now because she's not wearing the ring anymore, so how can I do that? How can I make her happy knowing na hindi naman ako ang happiness niya and that's for sure.



Nang makaalis sina tito at tita ay kabadong pumasok ako ng bahay nila. Nasa kwarto niya si Annie. I wonder kung nakakain na yun? Di ko natanong sa kanila ni tita.



Speaking of tita, masaya ako kasi finally tanggap na niya kami ni Annie, ang masaklap lang eh tanggap niya kami kung kelan di kami okay. Kung kelan walang feelings si Annie para sakin. Pambihira.




Wait...should I go to her room? Does she know kaya na andito ako sa pamamahay nila at ako ang babysitter niya for a couple of days? Maka babysitter naman ako parang baby siya. Oh well, baby ko naman talaga siya haha. Anyways, kinakabahan talaga ako. Kasalukuyan na akong nasa harap ng kwarto niya.




Naghehesitate ako na magknock.



Ano naman sasabihin ko sa kanya? Hi Annie. Ako nga pala babysitter mo na mahal na mahal ka? Ay de biro lang. Ano ba yan.



I was about to knock when the door suddenly open. Iniluwa nito si Annie na halatang nagulat pa nung makita ako.




"M-mindy..." tawag niya sa akin.



I awkwardly smile at her "Hi."



"Kanina ka pa ba diyan?" Is she expecting me? Does she know na ako mag-aalaga sa kanya? For sure oo. Malamang mawawala ang parents niya ng ilang araw kaya sigurado na nagpaalam mga yun sa kanya. Di ka talaga nag-iisp Mindy.




"Uhm... hindi naman...masyado hehe" Awkward kong sabi. Napadako naman ang paningin ko sa suot niya. She's not wearing any bra. Ghad! Namiss ko tuloy yung mga araw na hinihimas ko yan. Ay kaloka ano ba 'tong naiisip ko haysss.



I suddenly heard her fake a coughed. Agad naman ako napaangat ng tingin sa kanya. "Eyes here." She said full of authority.

I knitted my eyebrows "Y-yeah...I'm...kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Wala na ibang pumasok sa isip ko na tanong kundi yun lang since kanina pa ako nagtatanong sa self ko if nakakain na ba siya.




"Not yet." Sagot niya.



"Then let's go...to the kitchen..."


She started to walk using the help of her crutch. Gusto ko siyang alalayan kaso di ko alam kung saan ko ilulugar ang kamay ko. So, hinayaan ko na lang siya habang ako nasa gilid lang niya. Nang makarating kami sa kitchen nila ay chineck ko kung merong food silang naiwan para sa kanya and meron nga.



Ininit ko yung food sa microwave after nun ay inihanda ko na ang pinggan at kutsara't tinidor niya. "Do you want something to drink?"



"Orange juice nalang." Isinalin ko yung juice sa baso niya. "Kumain ka na ba?" She asked me which took me by surprise. Napatingin ako sa kanya ng ilang segundo bago siya sinagot.




"Yeah. I ate already." Tinangoan lang niya ako ng kanyang ulo.



Umupo naman ako sa kabilang side ng table. Tahimik lang siyang kumakain while me,..I'm looking everywhere else but her.


Naramdaman ko naman na parang nakatingin siya sakin pero di ko siya tiningnan. Meeting her gaze is the last thing I want to happen right now. I mean I would look in to her eyes if I could but I can't. Hindi ko siya kayang tignan at this moment.



"Mindy?" She called for my name dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Di ko alam kung bakit ikaw ang inatasan nina mama na magbantay sakin pero alam mo naman siguro na di mo na kailangan gawin yun." Diretso niyang sabi. "I mean ayoko makaistorbo sayo. Isa pa kaya ko naman."



"Hindi ka istorbo sakin, maha-Annie. Okay lang. talaga." Sabi ko sa kanya. Muntik pa akong madulas dun ah.



"Sigurado ka? Hindi biro 'tong pinagawa sayo nina mama." She looked away and mumble something "Ginawa pa talaga bantay yung kaaway ko dati sa school."



"May sinasabi ka?"



Nalipat ulit ang paningin niya sakin "Ahmm...wala. Wala."



"So payag ka na ba na alagaan kita?"



Medyo nanlaki naman ang mata niya sa narinig "Hmm? A-uhmm..." di na niya nagawang itapos ang sasabihin. Nawalan siguro siya ng salita haha.






"Let me take care of you, Annie."











🖤

Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now