4yearsago

377 12 4
                                    




4 years ago





"Hoy Villarama!"




Tawag sa akin ni Annie sa di kalayuan.




"Oh? Bakit? Anong kailangan mo?" Mataray kong tanong sa kanya.




"Wala akong kailangan sayo pero pinapasabi ni Gov na puntahan mo daw siya."




Napakunot ang noo ko "Bakit daw?"




"Iniwan daw siya ni Ryanne eh."





"Bakit naman niya iniwan yung isa eh alam naman niyang buntis!" medyo naiinis kong sabi. Minsan talaga si Ryanne eh ang sarap kutusan.





"Kaya nga pinapapunta ka niya doon sa field!"




Napatingin ako kay Annie "Bat ka nagagalit diyan?"




"Nakakainis ka kasi andami mong tanong. Puntahan mo na lang kaya si Gov?"




I sighed "Eto na nga pupuntahan na!"



Pero bago pa man ako makaalis ay napansin ko ang padating na si Von.



"Hey, minds! Saan punta mo?"




"Kay Celestine." Tipid kong sagot.



"Hi Von!" Bati ni Annie na ngayon ay nasa tabi ko na nakatayo. Napatingin ako sa kanya. Aba! Ang landi ng ngiti ah. Well, sino ba naman ang di ngingiti ng ganyan pag si crush mo na ang kaharap mo.





"Oh. Annie. Andito ka din pala. Papunta ka na ba ng practice mo?" Tanong niya kay Annie.




"Hmm." Tanging sagot ni Annie. Tss. Ano sa sobrang kilig di makasalita?




Crush kasi nitong Mendoza na to si Von. Ewan ko ba kung ano nakita niya diyan eh di hamak na mas gwapo naman ako kompara sa kanya. Ha? Anong pinagsasabi ko? Hayyy nakakainis kasi ang babaeng to. Kung sino sino na lang nginingitian ng ganyan.





"Gusto mo sabay na tayo?"




Napasulyap ako kay Annie "U-uhm, sure. Tara?" At nautal pa talaga siya.





"Oh, minds? Wag ka magselos diyan ha? Alam kong gusto mo ko pero sabay kaming pupunta ng field as a friend lang naman." Lokong Von to ah.




"Sino naman nagsabi na gusto kita?"




"Ako." Napairap ako ng mata sa kanya saka nauna ng umalis dun.



Nang makarating na ako sa field ay agad ko din naman nakita si Celestine.





"Hi babe!" Tawag pansin ko sa kanya.




Kasalukuyan siyang kumakain ng chichirya.




"Oh? Hindi ba masama yan sa baby mo? Dapat healthy foods kinakain mo?"



"Eh nagcrave ako eh kaya nagpabili ako kay Ryanne."




"At binigyan ka naman?"



"Eh nagcrave nga kasi ako."




"For sure dinaan mo na naman sa pananakit yun para bilhan ka." Inirapan lang niya ako ng mata sabay kibit ng kanyang balikat "Teka nga asan ba si Ryanne? Sabi ni Annie pinapapunta mo daw ako dito." Sabi ko sa kanya.




Suddenly, You're not InloveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora