Confused

201 10 0
                                    




Tahimik lang kaming naglalakad ni Annie sa hallway ng school. Wala na masyadong estudyante kasi kanina pa nagstart ang next class. Late na nga ako eh. Di ko alam pero ang comfortable lang nang pagiging silent namin sa isa't isa. Di siya awkward silent, for me. Ewan ko lang diyan sa katabi ko.



Papunta kaming dalawa sa room ni Miss Tori para kunin ang pass namin for being late.



"Miss Tori?"




Napaangat naman si Miss Tori ng kanyang paningin mula sa laptop niya "Girls, pasok kayo."




Nauna ng pumasok si Annie.



"O, Villarama...kamusta ang ilong mo?" Napahawak ako sa ilong ko.




"Medyo masakit pa siya pag nahahawakan but I can manage naman po."



"That's good." Nakangiti niyang sagot.



"Anyway, here's your pass. Actually, binilin ko na kay Ryanne at Celestine na sabihin sa mga teachers niyo ang nangyari." Saad niya.



"Thank you, Miss." nakangiti kong sabi sa kanya.




"You're welcome, Villarama." Nakangiti din na sabi ni Miss Tori. Bigla naman napatikhim si Annie dahilan para tignan namin siya.



"Uhmm..." she smiled awkwardly towards Miss Tori "Thank you, Miss."



"O, siya pumasok na kayo sa klase niyo. Ayokong malate pa kayo lalo." Sabi pa niya at umalis na nga kami sa room niya.



Second floor ang klase ko while nasa Ground floor naman ang room nina Annie kaya nagulat ako nang sumama siya sakin paakyat.



"Saan punta mo?"


"Ikaw saan punta mo?" Balik niyang tanong sakin.



"Malamang sa room namin."




"O edi tara." Nag-umpisa na siyang humakbang paakyat ng hagdan pero di pa siya nakakalayo ay pinigilan ko siya gamit ang kamay niya. Agad siyang napatingin sa akin at sa kamay ko. Agad din niya itong binawi mula sa pagkakahawak ko "Alam mo ikaw ang hilig mong manghawak ng kamay."


"O? Ano na naman problema at parang galit ka sakin?" Kasi naman tinaasan niya ako ng boses.




She gulped "Wala. Tara na."



"Anong tara na? Andun yung klase niyo ho." Turo ko sa kanya sa pinakadulong room sa hallway.




"Alam ko kaya tara na nga kung ayaw mo akong malate lalo." Napakamot ako ng aking ulo. Nakakafrustrate siya seryoso.




"Kung ayaw mo malate lalo..." kinuha ko ulit ang kamay niya at hinila siya pababa ng hagdan. Binitawan ko na ang kamay niya saka siya bahagyang itinulak papunta sa direksyon ng kanyang klase. "Dito kasi yung way mo."



Naiinis na lumingon siya sakin "Alam mo ikaw nagmamagandang loob na nga ako para ihatid ka ayaw mo naman!"



Napakunot ako ng aking noo "Ihahatid mo ko?" Bakit naman niya ako ihahatid?




"Malamang! Aakyat ba ako sa hagdan kasama mo kung di kita ihahatid?"



"Bakit?"



Suddenly, You're not InloveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu