Chapter 15: Free from chain

Magsimula sa umpisa
                                    

"Y-young Lady, I vowed to myself that I'll protect you until I die. So, please... don't cast me away and let me follow you." napabuntong hininga ako.

"Sige, ikaw ang bahala." as if namang alam niya kung saan ako pupunta. Hindi niya ako mahahanap, noh.

We went downstairs at hindi naging mahirap iyon dahil kaunti ang mga knight na nagbabantay. Every time na may makikita kami ay pinapatulog sila ni Anashin na ang effect lang ay one minute kaya kailangan naming magmadali. Mabilis akong napatago sa malaking vase nang makitang may nagbabantay sa main door.

"Anashin, wala bang ibang daan? Mukhang maraming knight ang nagbabantay sa labas ng main door," bulong ko sa kaniya para hindi marinig ng mga knight.

"Meron po master pero naka-lock po ang back door,"

"Hindi mo ba pwede silang patulugin lahat?"

"I can't because I have already used 70 percent of my stored mana. Kapag pinatulog ko sila ay makakatulog din ako nang dalawang araw para maka-recover." napasimangot ako.

"Akala ko ba ay hindi mo na kailangan ng mana?" Napatingin siya sa akin kasabay nang pagtulo ng itim niyang laway.

"You are my master and at the same time you're my source of mana. Dahil wala kang ganoon ay kailangan kong gamitin ang stored mana ko."

Oh, right... muntik ko nang makalimutan na kapag nag-summon ang isang mage, kailangan nito ang mana creator nito. Sa madaling salita, ang mana na mayroon ang isang creature for example ay kinukuha nito sa naglikha sa kaniya. Since wala akong mana, iyong ibinigay lang ni ina ang ginagamit niya ngayon.

Tsk, wala pala siyang kwentang companion. Paano na lang kung kailangan ko ang tulong niya? Edi nganga ako? Umasa ba naman akong malakas siya kasi Anashin is half of my mother's magic. Oh, well... wala na akong magagawa kasi iyon ang rule na meron sa mundong ito.

"So what's our next plan?"

"Kailangan mong maging invisible, master. I'll use my remaining 20 percent mana so that you could last 10 minutes outside. Okay lang ba iyon, master?" nakahinga naman ako nang maluwag kasi akala ko hindi na kami makakaalis.

Tumango ako kaya itinapat niya ang buto niyang palad sa itaas ng ulo ko. Pagkatapos ay may itim na usok ang lumabas doon kaya napapikit ako at pinigil ang hininga. Aba, baka mabaho 'yun at mahilo pa ako rito.

"Master, hindi ka na nila makikita bast huwag ka lang magsasalita para hindi mawala ang spell. Tara na." Tumayo ako at kinakabahang naglakad papunta sa pinto. What if biglang mawala? How can I escape?

"Keep on searching!" Narinig kong sumisigaw ang first captain habang abala pa rin ang mga knight sa paghahanap sa akin. Siguro iniisip nilang nasa labas ako at natabunan na ng snow.

Matagumpay kaming nakalabas ng pinto na parang hangin lang sa harapan nila. Napakunot ang noo ko nang makita siyang naka-cross arms. What is Mr. Arvil doing here? Nasa labas din siya at nakamasid sa paligid.

Shit! Nakalimutan kong magsuot ng pang-winter clothes. Hala! Kailangan na namin magmadali baka masagap ko ulit 'yung Winter Curse.

Naglakad ako pero pinigilan ako ni Anashin. Napakunot noo naman ako.

"Makikita nila ang mga yapak mo kapag umapak ka sa nyebe." napatingin naman ako sa baba. Mabuti na lang at hindi pa ako nakakaapak sa nyebe. Tiningnan ko siya para ipihiwatig na ano nang gagawin namin ngayong na-trap na kami. Nauubusan na rin kami nang oras.

"We have no choice but to use the blue scroll." huh? Sinabihan niya akong kunin sa bag ko ang scroll na may asul na metal at buksan ito. Anashin instructed me to read it silently na madali ko namang nabasa dahil naiintindihan ko na ang language nila.

Reincarnated as a Shameful NobleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon