Kabanata 112

39 2 1
                                    

KABANATA 112..

NABIGLA si Argara sa nadatnan niya. Napakurap-kurap na tumingin si Argara sa kapatid at kay Louis. Did she talk with Kuya Argon? Why Louis is here?

“K-kuya”

“Shhh.. Magigising si Louis, Argara. Hindi iyan tumitigil ang iyak kanina at dahil sa pagod sa pag-iyak, nakatulog” Nakangiti ang kapatid niya habang nakatingin sa anak.

Argara can't stop herself from caressing Louis hair as she saw Kuya Argon smile again. Matagal-tagal narin na hindi niya nakita ang totoong ngiti nito. Nawawala na ang sakit at mabigat na naka-baon sa dibdib niya sa nakikita. Makita lang niyang masaya ang dalawa, buo na buo na si Argara at wala na siyang mahihiling kundi ang kasiyahan ng kapatid at pamangkin.

Ngumiti si Argara sa kapatid at niyakap ito. Naiiyak siya dahil nakita niyang lumalambot ang kapatid dahil sa anak. Hindi nito sinasabi ang problema nito, hindi ni Kuya sasabihin kung nasasaktan na siya at hirap-hirap na siya pero ng makita niya ngayon ang pag-patak ng luha ng kapatid, hindi rin maiwasan ni Argara na umiyak.

“K-kinausap na niya ako. H-hindi man niya tinatanong kung bakit ko ginawa iyon, masaya parin ako Argara”

“M-mahal ka ni Louis, Kuya.” Mahinang sabi niya sa kapatid.

Tumango ang kapatid niya at ginulo ang buhok niya.

“Alam ko, Argara. Alam ko” Kasabay ang pag-ngiti nang kapatid ang pag-hulog ng isang butil na luha sa pisnge nito.

Argara happy seeing her brother smiled again.

“Okay ka naba, Kuya?”

Tumango ang kapatid at kinumutan ang anak. Hindi nito tinantanan ng tingin si Louis, para bang galak na galak ang kapatid niya sa anak nito. Ito lang ang hinihiling ni Argara ang makitang masaya ang kapatid.

Niyakap niya ang kapatid at hinilig ang ulo sa balikat nito.

“Salamat, Argara”

Napakunot ang noo niya pero hindi siya tumingala sa kapatid.

“B-bakit naman K-kuya?”

“Kahit alam kung kaya mong kalabanin si Damon at kahit iiwan mo si Nichollo at Nikullas. Pinili mo parin na bumalik sa lupa para sa mag-ina ko. S-salamat”

Mariin na pumikit si Argara.

“K-kuya, may nilabag akong batas. Kailangan kung gawin ang isang bagay para sa kaligtasan mo at kaligtasan ng dalawang lalaking mahal ko. Hindi ko alam bakit hindi pwede ang Nykirania at Dreamaniya, ang Dreaminiya sa Alipin at ang Dreaminiya o Nykirania sa mga taga-lupa? Gulong-gulo ako, Kuya. Bakit?”

Naramdaman niya ang mabigat na buntong hininga ng kapatid.

“Dahil siguro may tatlong kategorya o bahagi ang nangyayari sa buhay ng tao, Argara. Taga-lupa ang mundo ng realidad, Dreamaniya ang mundo ng panaginip at Nykirian ang mundo ng dilim. Pinanganak ako sa eklipsiya, Argara. Alam mo kung bakit gusto nila ako patayin noon”

Umiling si Argara sa kapatid.

“K-kuya, hindi mo kasalanan kung pinanganak kang eklipsiya o eklipsiyo. K-kapatid kita at kakambal-”

“Argara” May pagbabanta sa boses ng kapatid.

“Bakit kailangan pang ikaw lang ang nagdudusa ng ganito?” Mabigat na ani ni Argara sa kapatid.

Madilim ang kapatid niyang tumingin sa paligid.

“Ilang ulit kung sasabihin sayo, wag na wag mong babanggitin 'yan ulit?”

Mag-Kabilang Mundo (Book2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant