Kabanata 89

45 2 0
                                    

KABANATA 89...

             NAPATIGIL SI LUXE sa naapakan niya, hindi niya naiwasan ang sipa ni ate nara na papunta sa kaniya kaya napabagsak siya sa lupa . Hindi niya pinansin ang sakit na iyon at nanunuyo ang lalamunan niya nang makita ang mga iyon. Nag-eensayo sila dalawa ni ate nara nang may naapakan ang paa niya . Ang pulseras ko . Kinuha niya iyon at nagkawatak-watak ang mga disenyo na iyon . Isa-isa na kinuha iyon at tinitigan . sinira ba ni yubie to ? Tumigil rin si Ate nara at matiim na tumingin sa hawak niya .

" Lu--- "

Umiling siya sa nakikita niya . Siya ba ang may dahilan bakit umalis siya ? kapag ba bumalik siya hindi na sila babalik sa dati . Hindi niya alam pero tila may sumuntok sa dibdib niya nang maramdaman ang kirot doon .

Dali-dali na tumayo siya at inayos ang sarili, kinuha nito ang sandata at balabal niya . Tinawag niya si sykun ang kabayo niya . Kailangan kung umalis .

" Luxe ! Luxe ! wag kang umalis, delika—"

Wala sa sarili si luxe, tila wala siyang narinig sa sigaw ng mga kasama niya . Nanginginig ang kamay niyang hinahawakan ang nasirang puleras na iyon .

" Lu--xe ! bumalik k— "

" H--yahh! " agad na tumakbo ang kabayo niya papunta sa lugar na iyon, sa lugar na saan niya natagpuan at nakilala si yubie . Naramdaman niya may humihila sa katawan niya, hindi niya maintindihan kailangan niyang sundin ito . Sa mailalim na pag-gatla nang noo niya agad niyang narinig ang mga yapak at mababangis na huni ng mga hayop . tangina !

" Sykun, bilisan mo . Malapit na sila ! " mahinang bulong niya sa kaniyang kabayo . Malapit na tayo, sykun ! Alisto ang mukha ni luxe habang nakatingin sa kanan at kaliwa nito, apat na mababangis na hayop ang humahabol sa kanila .

Altimo na kinuha niya ang sandata niya at tumalon, hindi dapat mamatay ang kabayo niya . Kailangan niyang ilayo iyon sa mga ito . Hinanda ni luxe ang sarili at sandata niya nang pinalibutan siya ng mga ito, malalaki ang mga ito at may malaking pangil . Kailangan niyang mag-ingat dahil may lason ang mga iyon . kaya mo ito, luxe . Kailangan kong mahanap si yubie ..

Gumulong siya sa ilalim nang hayop at agad na tinaas ang sandata para patayin ito pero tila mabilis rin ang mga mata nito dahil hinagis siya ng mga paa nito .

Ang mahinang daing ang kumawala sa labi niya " Ah! "

Agad-agad na tumayo si luxe nang makita niya ang humahangos na tila gutom na gutom na ito, kinuha ni luxe ang patalim niya at walang pag-alinlangan na tinuhod ang sandata niya para makatalon papunta sa likod nito. Dagli na tinusok niya iyon hanggang sa ilalim nito . Sana hindi na ito madagdagan ! gumulong ulit siya at pwersang binitawan ang sandata niya para patayin ang hayop na muntik na siyang kalmutin .

Hinihingal siya at kinakabahan . Tila nagkamali siyang kinabangga niya ang mga hayop na ito pero bakit kay kuya argon parang sisiw lang ito sa kaniya ? kailangan ko pang masanay nang maigi para ma-protektahan ko siya .

" May dalawa pa, luxe . Wag kang manghina " mahinang bulong niya sa sarili niya at mabilis na tumakbo . Hindi niya alam bakit may nag-uudyot sa kaniya na pumunta dito, naramdaman nalang niya bigla ang pag-kislop ng dibdib niya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan .

Lumaki ang mata ni luxe at doon rin kumislop ng ilang beses ang dibdib niya sa nakikita niya . Namamlikmata lang ba siya ? Paulit-ulit siyang napalunok at tila hindi niya maikawala ang tingin niya dito . Natataranta siya at hindi siya mapakali, namamawis ang kamay niya at nanginginig ang katawan niya na tila nanghihina siya . Tangina !

Mag-Kabilang Mundo (Book2)Where stories live. Discover now