Kabanata 106

53 3 4
                                    

KABANATA 106..

MARIIN na pinikit niya ang mata niya . Ano ba ang problema ni Luxe ?! Ayaw niya sa ginagawa nito at ayaw niyang malapit lang ito . She hurt her once, she won't let hurt him this time .
Hindi siya makahinga at ang lakas ng tibok ng puso niya habang palapit na palapit sila sa lugar kung saan nakita niya si Kuya Nikullas .

“L-luxe ! Ano ba ?!” Binaba siya ng binata ng nasa dagat na sila ng selirio.  Tahimik lang itong tumingin sa kaniya . Hindi niya gusto ang bawat tingin nito sa kaniya, sapalagay niya sinasakop siya nito .

“Ibalik mona ako, Luxe ! Ilang ulit ko bang sabihin sayo na wag na wag mona akong kausapi—”

“Luxe ka nang Luxe !”

Napatigil siya sa pag-taas ng boses ng binata .

“Gagu ka ba ? Pangalan mo iyon !Tangi—”

Napasabunot ito ng buhok niya at napahilamos ng mukha . “Semasu ! Semasu ang tinatawag mo sa akin .. ”

Mariin na pumikit siya sa inis at galit . Why he can't stay away from her ?! Ayaw na niyang masaktan, ayaw niyang maulit ang nakaraan . Kapag nakikita niya ito, bumabalik noon ang ginawa niya. Bumabalik ang sakit . Siguro ang tigas ng puso niya para patawarin ito pero Tangina .. ayaw niya nang maramdaman ulit ang sakit na binigay nito .

“Wag mo akong sisigawan ! Paulit-ulit kung sasabihin sayo, Luxe . Layuan mo ako at tigila—”

“Paano ko pipigilan, Yubie ?! Wala ka hang naintindihan sa sinasabi ko, gusto kita ! Gusto kita ! ”

“Hindi mo ako gusto, Luxe ! Hindi. Si Jyna ang gusto mo hindi ako ! Princepe ka at taga-lupa ako . Naintin—”

Her eyes widens as Luxe pulled her and without any hesitation he hugged her tightly. What the— .. Sapalagay niya huminto ang mundo niya at ang tanging naririnig lang niya ang tibok ng puso niya . Anong nangyayari sa kaniya ? Ano ba itong nararamdaman niya ?!

Umiiling siya sa ano mang namumuo sa dibdib niya, mahina niyang tinulak ang binata pero ang lakas nito .

“B-bitawan mo ako, Luxe ! Ano ba, nakakatangina kana ah .. B-bakit ba ginagawa mo ito ?!” Ubod ng galit na sigaw niya sa binata ng binitawan siya nito .

Hindi niya ito maintindihan. Bakit naging ganito ito ? Akala ko ba gusto na nitong kalimutan siya ?

Tumingin sa kaniya si Luxe at may emosyon na bumalot dito na hindi niya mapangalanan . Bagsak na bagsak ang balikat nito, ang tingin nito ay malambot na hindi niya maintindihan at sa sobrang lapit nila sa isat-isa hindi niya naramdaman ang pag-hawak ni Luxe sa kamay niya. 

Gusto niya itulak ito, hindi niya nagugustuhan ang mainit na pag-kislop ng dibdib niya . Nahihirapan siya at nasasaktan .

“H-hindi mo parin ba ako pinapatawad ? Ang kasalanan ko lang naman ay ang pag-tulak ko sayo palayo, hindi ko ginawa iyon dahil gusto kita umalis . Ginawa ko iyon dahil natatakot akong umalis ka ! Yubie, bakit ha ? Sa paraan ng tingin mo sa akin, sa galit mo at ginagawa mo parang ang laki-laki ng kasalanan ko s-sayo . Ano ba iyon ? Hindi paba sapat ang ginawa ko ? Sabihin mo sa akin” Nahihirapan na tanong nito sa kaniya .

Umiwas siya ng tingin sa binata at hindi ito sinagot . Maalala lang niya ang nangyari sa pagitan nila ni Jyna, naninikip at hindi na siya maka-hinga . His eyes twinkle in happiness while staring at Jyna . Masaya na masaya ito habang sinasayaw sa ilalim ng pag-lubog ng araw . Ang tawa niya at ang kasiyahan sa mata nito kay Jyna yalang iyon nakikita ! Ngayon, bakit ganito ito.?

“Y-yubie” Walang boses na tawag nito sa kaniya . Naramdaman ni Yubie ang pag-siklop nito ng mga kamay nila, naninigurado na hindi na siya papakawalan .

Mag-Kabilang Mundo (Book2)Where stories live. Discover now