“Huwag kang magpahinga, tumingin ka sa aking mga mata.”
“Huwag kang magpahinga, tumingin ka sa aking mga mata.”
Nagising ako dahil sa isang panaginip, nag-iisang panaginip na hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit napapanaginipan ko ang mga matang ’yon, maging ang mga boses na hindi ko alam kung kanino.
“Sir Denver, ayos lang po ba kayo?” napabaling ang tingin ako kay Camilla. Hindi ko na napigilang mapalunok nang magtama ang paningin naming dalawa.
Her eyes...
A black mole inside her right eye looks so strange, I mean... it's fucking familiar.
Marahan kong ipinilig ang ulo ko at pilit na binubura sa isipan ang mga mata sa panaginip ko. No, that blurry face of a kid in my dream is not Camilla, literally not.
“Masama po ba ang pakiramdam n'yo? Pinagpapawisan po kasi kayo.” maririnig sa boses nito ang pag-aalala na s'ya namang ikinangiti ng puso.
Alam kong isang araw, kailangan kong panindigan ang pana ni kupido. Ngunit hindi ko alam—hindi ako sigurado kung maging si Camilla ay tinamaan ng pana na 'yon.
Umiling na lang ako at umayos ng upo, nakatulog pala ako dito sa tabi ni Camilla habang nakapatong ang ulo ko sa kama nito.
Dalawang araw na akong nagbabantay sa kan'ya rito sa hospital, ayaw naman n'yang ipaalam sa mga magulang n'ya ang nangyari kaya wala akong magagawa kundi ang manatili dito sa hospital at alagaan s'ya.
Nagmukha pa akong kamag-anak o mas maganda kung tatawagin ko ang sarili ko na, asawa n'ya. Napangiti ako sa mga pumapasok sa isipan ko.
Hindi p’wedeng hanggang imagination lang ako, hindi ako papayag na hanggang dito lang tayo Camilla.
“Kumusta na ang pakiramdam mo?”
Nagkibit-balikat ito sa akin, “maayos na po.”
“Mabuti naman kung gano'n, basta't magpagaling ka lang.”
Tumango na lang ito bilang tugon. Napatayo ako at inisang hakbang ang pagitan namin ng lamesa, kaagad kong nilagyan ng mainit na tubig ang isang baso at nagtimpla ng gatas rito.
“S-sir?”
I stared at her as she clear her throat, I can see how her face turned red and how fast she swallowed her saliva.
“Yes?”
“Magba-banyo po sana ako.” namula ang pinsgi nito dahil sa hiya na ikinatigil ko naman.
Banyo? Damn...
Mukhang mas namula ang pisngi ko ng ma-proseso sa utak ko ang mga sinabi nito.
Napalunok ako kasabay ng pagbaba ko ng tingin sa relong pambisig ko. Hating-gabi na at ang tahimik na rin ng buong hospital, paniguradong nagpapahinga na ang mga staffs rito.
Hindi naman pwede na pigilan na lang ni Camilla ang puson n'ya at mas lalong hindi p'wede na ako ang sasama sa kan'ya sa banyo.
YOU ARE READING
Something In Between
RomanceHe wins over everything but lose for the first time just because of someone, someone who's nothing to compare with, someone who made him swoon over. Hate tears but he'll realize that he can't stop those warm liquids from streaming down his face. Nev...
