Chapter 3

145 32 14
                                        

"Nay, sayang naman kung uuwi ako d'yan, sayang po ang pera na kikitain ko dito, at saka wala naman po akong ibang magagawa d'yan sa Batangas, hindi po ako nakapagtapos siguradong wala akong mahahanap na maayos na trabaho."

Napatigil ako ng marinig ang boses ni Camilla, nakita ko siya na abala sa pagluluto habang may kausap sa telepono.

"Huwag po kayong magalala, maayos naman po ang lagay ko dito, at ayoko naman pong iwan na lang si sir Denver, malaki po ang utang na loob ko sa kan'ya, dahil sa kan'ya kung bakit natin naipaggamot si Miguel, dahil po sa kanya kung bakit maayos na po ang buhay natin ngayon."

"Po? Opo, huwag niyo na po akong alalahanin. Ngayong pasko? Sige po, titingnan ko po kung makakauwi ako d'yan."

Iginihit ko ang isang upuan at umupo dito dahilan para mapatingin si Camilla sa akin.

"Nay, tatawag na lang po ako ulit mamaya, kailangan ko na pong magtrabaho. Mag-iingat po kayo d'yan nay, ikamusta niyo na lang po ako kay tatay."

Ba't ang ganda ng relasyon niya sa pamilya niya kahit malayo sila sa isat isa?

"Magandang umaga po, sir." Agad na bati nito at binigyan ako ng isang baso ng tsaa.

Tumango lang ako bilang tugon. "Sandali lang po, malapit na po itong maluto." saad nito.

Napatingin naman ako sa kan'ya, "balak mong magbakasyon ngayong pasko?" kapagkuwan ay tanong ko.

"Po?" napatigil ito dahil sa tanong ko.

"Sana, kung papayagan niyo po ako." Magkahalong hiya at kaba ang nakikita ko sa ekspresyon ng mukha n'ya. Ang mga mata nito ay halatang naiilang pa.

"You can," tipid na sagot ko at ininom ang tsaa na ibinigay nito kanina. Halos mabilaukan pa ako ng bigla niya akong niyakap.

What the.. balak ata akong patayin ng babaeng to?

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ako makahinga ng maayos.

Damn, like her natural smell.

Ano bang pinagiisip ko?

"Salamat po, maraming salamat po, sir Denver," aniya habang nakayakap pa rin sa'kin.

Tumikhim ako, tama na, hindi ko na yata kaya.

"Sorry po, pasensya na." Nahihiyang saad nito at mabilis na inihain ang mga pagkain na niluto niya.

Hindi nalang ako umimik. Pakiramdam ko may bumabara sa lalamunan ko. I never experience all of this before, never.

"Ah sir, pinapasabi po pala ni Don Julio na maguusap kayo mamaya at may darating pong bisita kaya po maghanda daw po kayo." ani nito habang nilalagyan ng kanin ang plato ko.

Ano namn ang paguusapan namin ng matandang 'yon? Hanggang ngayon hindi parin niya binabawi ang mga pinakalat niyang kasal kuno namin ng isang Alisha Montefalco, talagang hinahamon ako ng magkaibigang 'yon. Dahil sa ginawa nila mas dumami ang kumilala sa kompanya at produkto ko, pero hindi ko kailangan 'yon. At bisita? Sinong bisita?

"Ikakasal na po pala kayo?" napatingin ako kay Camilla dahil sa sinabi nito.

"Narinig ko lang po sa ibang kasambahay."

Kinagat ko ang pangibabang labi ko para kontrolin ang emosyon ko. Nitong nakaraang mga araw, ako ang laman ng lahat ng balita, pero wala akong kinumpirma, ibig sabihin hindi totoo ang lahat ng kumakalat patungkol sa akin.

"May problema po ba kayo sir? Okay lng po ba kayo?" Biglang tanong ni Camilla dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

Ba't kailangan niyang magalala? Mas lalo akong nahuhulog sa kan'ya.

Something In Between Where stories live. Discover now