Finale

301 12 1
                                    

"Ah!" Bawat ulos na ginagawa ni Rod ay napapadaing ako. Ang nararamdaman ngayon sa pag iisa ng aming katawan ay hindi katulad noong una naming pagtatalik. Kakaiba ngayon at mas lalo kong naramdaman ang kiliti na hatid ng bawat galaw niya.

Biyernes ng umaga nang dumating siya galing isla. Pinuntahan niya ako sa bahay at isinama rito sa kanyang condo. Alas diyes ng gabi nang muli naming pinagsaluhan ang mainit na sandali. Si Rod ang naging kanlungan ko sa mga mapapait na nangyari sa akin sa araw na ito. Siya ang naging takbuhan ko para sa mabigat na pakiramdam tungkol sa amang iniwan kami at biglang nagpakita na para bang walang nangyari.

"God! I love you so much, Rein," saad ni Rod nang humiga at yumakap sa aking gilid.

Napapikit ako dahil sa kagalakan na nararamdaman. Na sa kabila ng lahat may tao pa rin na handa akong mahalin at pasiyahin. Na andyan si Rod palagi para ipakita at ipadama iyon. Na nagpasalamat ako na ako ang nakakita sa kanya at nagligtas dahil sa madilim na panahon ng aking buhay siya rin ang nagpaliwanag nito at nagligtas sa akin. Mahal ko siya. Noong una palang mahal ko na siya. Hindi ko maamin dahil maaga pa at natatakot na masaktan. Na baka sapitin ko ang dinanas ni nanay. Pero napagtanto ko na hindi ko dapat binabatay ang pagmamahal ni Rod gaya ng kay tatay. Tanggap ni Rod ang estado ko sa buhay. At kahit kailan hindi ako nanghingi sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na kaya kong kumita. At si Rod ay nakasuporta lang sa akin.

"Wow! Ang ganda!" Mangha kong sambit nang matanaw sa itaas ang view sa baba. Magagandang tanawin na malaya kong nakikita sa himpapawid. Papunta kami ngayon sa isla Muerte. Ang isla kong saan pagmamay ari ni Rod at ng mga kaibigan niya na hanggang ngayon hindi ko pa nakikilala. At sana sa pagkakataong ito ay makita ko sila at makilala na ng personal.

"Mas maganda ang isla kaysa riyan," aniya.

Tumingin ako sa kanya na nakita at bigla siyang hinalikan. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya.

"Salamat."

Niyakap lang ako ni Rod at hinalikan sa noo. Maikling byahe lang ang papunta sa isla. Pagkalapag ng chopper ay may sumalubong sa amin. Dumiretso naman kami ni Rod sa kanyang cabin. Manghang mangha rin ako dahil sa ganda nito. Sa ibaba ay malaya ka ring makakaligo.

"Hindi ko akalain na may ganito kagandang lugar pa pala sa pilipinas."

"Yeah. And isla Muerte has a lot to offer. Hindi pa namin na-di-discover ang iba. And this islang is exclusive for the members only. Walang kahit na sino ang nakakapasok rito. We preserve its natural beauty," aniya.

"Mabuti naman at naisipan niyo ang ganun. Dahil marami sa atin ang iresponsable at mapang-abuso. Kaya tayo napaparusan ng kalikasan e dahil din sa kagagawan natin."

"Hmm. That's what we thought too."

Hinila ako ni Rod at hinalikan. A passionate kiss na kung hindi ko pa napigilan ay baka may kung anong mangyari sa amin dito sa cabin niya. Gusto ko munang sulitin ang pagparito ko. Nakarami naman siya sa akin kagabi e.

"Gusto kong mamasyal. Maglibot muna tayo."

"Hmmm.." nasa leeg ko ang mukha niya. Nakikiliti ako dahil sa ginagawa niya pero pinigilan ko ang sarili.

Lumayo ako sa kanya dahilan kung bakit napadaing siya. Hinila ko siya para lumabas kami at mamasyal sa buong isla. Alam kong hindi sapat ang isang araw para sa paglibot ng buong lugar pero sana makita ko man lang ang iilan magagandang tanawin dito.

"Let's eat first before we explore the island," aniya na sinang-ayunan ko kaagad.

Gusto kong kumain ng sea food. Matagal tagal na rin na hindi ako nakakain nun. Kaya sa isang sea food restaurant kami pumunta. Hindi maraming guests ang nandito since limitado lang ito para sa mga member. Pero maraming mga stool rito na may iba't ibang paninda. Gusto ko ngang mag uwi ng souvenir para kila nanay pero mamaya na ako maghahanap.

Isang lobster dish ang inorder ko. Malaki siya kaya naghati nalang kami ni Rod. Ang sarap pa kaya napa-order ulit kami. Matutunaw naman siguro itong mga kinain namin since maglilibot kami.

Pagkagatapos naming kumain ay nagtungo muna kami sa dalampasigan. May lounge doon kaya doon muna kami pumwesto habang busog pa. May nakikita akong isang buong pamilya na guests, may mga magsing irog din. At napapangiti ako ng walang dahilan. Napakatahimik lang ng buong lugar at payapa. Wala kang problema na maiisip dito dahil sa magagandang makikita mo.

Naramdaman ko ang presensiya ni Rod sa likod ko. Umupo siya. At nakapwesto ako sa gitna ng mga hita niya. Nag init ang mukha ko dahil sa posisyon naming dalawa. Hindi pa rin ako sanay sa ganito. Yumakap siya sa akin. Nasa balikat ko ang kanyang baba.

"What are you thinking?"

Bahagya akong umiling. "Wala. Masaya lang ako na dinala mo ako sa lugar na 'to. Tahimik at payapa. Malayo sa syudad. At wala kang maiisip na problema rito dahil sa magagandang tanawing nakikita mo. Kaya nagpapasalamat ako ngayon sa'yo."

Ikiniling niya ang kanyang ulo. Hinagkan ang pisngi ko."I'm glad na nagustuhan mo rito. 'Cause I'm planning to live here... With you."

Marahas akong napalingon sa kanya dahilan kung bakit nahulong ang baba niya sa balikat ko.

"A-Anong i-ibig mong sabihin?"

May dinukot si Rod sa likod ng kanyang pantalon. Isang maliit na kahon. Hindi paman niya nabubuksan ay napasinghap na ako sa gulat at sa ibang emosyon na nararamdaman.

Tumulo ang luha ko nang buksan ni Rod kahon at magsalita siya.

"Reina, we met in a very unexpected way. You saved my life. You saved every bit of my soul. Hindi man madali ang pinagdaanan natin lalo ka na pero pareho natin na napatunay na mahal natin ang isa't isa. Alam kong napakaaga ng proposal kong ito pero alam ko sa sarili ko na ikaw na ang babaeng makakasama ko habang buhay. You proved that many times. And I love you. Will you marry me?"

Napahagulgol na ako dahil sa sakit ng puso ko. Masakait dahil sa kaligayahang nadarama. Hindi ko inakala na hahantong si Rod sa ganito. Pero ko mahal ko siya at walang rason para hindi ko tanggapin ang pagmamahal niya. Nilahad ko ang kamay sa kanya at dahan dahan na tumango.

"Y-Yes!"

Napangiti si Rod at isinuot sa akin ang singsing. Hinalikan niya ako bago mahigpit na niyakap.

"I love you so, Reina."

"I love you more, Rod."




***

And this is the end of Reina and Rod journey. Thank you for reading and your support.

𝚂𝙷𝙴 𝚆𝙷𝙾 𝙻𝙾𝚅𝙴𝙳 𝙷𝙸𝙼 ✔️Où les histoires vivent. Découvrez maintenant