Chapter 2

235 8 0
                                    



"ITO ang uniporme mo. Goodluck sa unang gabi mo rito."

Binigay ni Tina ang uniporme sa akin. Tinuro niya rin kung anong number ang locker ko.

"Matagal ka na ba dito?"

"Oo. Matagal tagal na rin." Tipid na sagot ni Tina.

Hindi ko naman nakikita sa kanya ang pagka suplada. O kahit ang pagka strikta. Sadyang matipid lang siyang magsalita.

Kung hindi ikaw ang unang magsasalita ay hindi rin siya kikibo.

"Magbihis ka na. Hihintayin kita rito. Ako ang mag-a-assist sa'yo ngayong gabi," aniya.

Pumasok na ako sa banyo at nagbihis. Pormal naman ang uniporme nila. Hindi kabastos bastos.

Pagkatapos ko ay agad akong lumabas. Nang makita ako ni Tina ay nauna siyang umalis at sumunod agad ako.

Habang nag aayos kami ng mga lamesa ay tinuro niya sa akin ang mga dapat gawin.

Kumuha lang daw ako ng kumuha ng order as long as hindi ako magkakamali. One order at a time lang daw dapat para hindi ako malito.

'Tsaka na raw ako kumuha ng maraming order kapag kabisado ko na lahat.

Huwag daw rin ako mag alala kapag may mga customers na nambabastos dahil puno raw ng CCTV camera ang buong club. Agad may rerespundi na mga bouncer kapag may tangkang bastusin ako o kahit na sino sa aming mga waitresses.

Iyon daw ang patakaran ni Madam G rito sa club. Bawal bastusin ang mga waiters at waitresses.

Napanatag naman ang loob ko sa mga sinabi ni Tina.

At nang buksan na nga ang club ay kinabahan ako. Hindi naman bago sa akin ang makihalubilo sa mga customers dahil buong ko ay nagtitinda ako.

Pero iba kasi rito sa club. May amo na ako. May tumitingin na sa bawat galaw ko.

Ang sabi din kasi ni Tina sa akin kapag maganda daw ang performance ko ay madali lang na tumaas ang sweldo. At gusto ko na sa unang gabi ko ay maging maganda ang takbo ng trabaho.

Ayokong mapahiya.

*****


Nagsidatingan na ang mga customers. Busy na rin ako sa pagkuha ng mga orders. So far wala pa naman akong mali.

Atsaka kapag may tumatawag sa akin na ibang customers agad naman na may rescue. Lalo na si Tina.

Binabantayin niya rin ang buo kong galaw. Ngumingiti ako sa kanya kapag ni rescue niya ako pero tango lang ang ginaganti niya.

Dahil sa sobrang busy hindi ko na namalayan na puno na pala ang buong club.

Nang mag break kami ay pumunta ako sa locker. Naisipan kong magpunas dahil pinapawisan talaga ako. Pero naalala ko na wala pala akong dala na kahit na ano bukod sa bio data.

"Ito. Gamitin mo muna." Inilahad ni Tina ang towel.

"Thank you."

Tumango ulit siya.

"Kapag break time sa kusina agad punta natin. May snacks na inihahanda roon. Fifteen minutes lang break kaya dapat mabilis kilos natin. Halika ka na."

Sumunod agad ako sa kanya sa kitchen.

Habang nasa likod niya ay napapatanong ako kung pumunta lang ba siga locker room para sabihin iyon.

Napangiti ako ulit. Mabait naman pala talaga itong si Tina.

Pagdating namin sa kitchen ay naabutan namin ang iba na kumakain na.

Hindi kasi nasabi ni Tina kanina na may librong pakain pala rito.

"Lahat ng pagkain dito sa kitchen ay libre. Kumain ka hanggat gusto kung wala ka ng trabaho. O break time," pagbibigay alam ni Tina.

Tumango ako at kumuha pa ng pagkain. Ang sarap ng luto nila.

Nang matapos ang break namin ay agad kaming bumalik.

At nagpapasalamat ako na hanggang natapos ang shift ko ay okay pa naman ako at nakaraos.

Bago ako umalis ng club ay sinabi ni Tina na 8 pm ang pasok. Naging maaga lang ako kanina dahil kasisimula ko palang.

Saktong alas tres ng madaling araw na ako nakauwi sa bahay.

Nagbihis at naghilamos lang ako ng mukha at agad sumampa sa kama dahil sa pagod.

Alam kong nakakapagod ang trabahong pinasok ko pero alam ko naman na kaya ko. Kakayanin ko.

At mamayang alas nuwebe ang maglalako ako ng banana cue.

*****

Plano kong magising ng maaga. Pero alas otso na nang magising ako. Tunog ng makina ng pananahi ni nanay ang nagpagising sa akin.

"Morning, 'nay," bati ko bago kumuha ng tubig at uminom.

"Anong oras ka na nakauwi?"

"Alas tres na po, 'nay. Bakit hindi niyo naman po ako ginising. Sino po nagluto ng agahan?"

"Anak, magpahinga ka pa sa taas. Matulog ka ulit at huwag mo na kaming alalahanin. Hindi kami mga bata. Anong oras ba pasok mo mamaya?"

"Alas otso pa po ng gabi."

"Alas otso pa pala e ba't ang aga mong nagising?"

Tumayo ako at nag stretch. Pinusod ko ang buhok.

"Maglalako po ako ng banana cue. Dagdag ipon na rin po iyon."

Napahinto si nanay sa pananahi. Tumingin ng seryoso sa akin.

"Reina, bumalik ka sa kwarto mo at matulog ka ulit. Magpahinga ka."

"Pero, 'nay, sayang-"

"Ano bang gusto mong mangyari? Inaabuso mo na iyang katawan mo ah. Imbes na iyang ipon mo ay para sa mga kapatid mo ay mauwi sa pagpapagamot sa 'yo dahil diyan sa katigasan ng ulo mo."

Galit na si Aleng Rebecca. Umuusok na ang ilong at tenga.

"Hindi naman po sa ganun, 'nay."

"Manahimik ka. Bumalik ka na dun. At ang saging na sinasabi mo ay si Riza at JR na ang nagtinda. Kaya ang gagawin mo nalang ay bumalik sa kwarto at matulog ulit. Sige na."

Wala akong nagawa kundi ang sundin si nanay. Bumalik nga ako sa kwarto at humiga ulit.

Hindi agad ako nakatulog. Nakatitig lang ako sa kisame.

Inaalala lahat ng mga nangyari noon. Kung kami nahantong sa ganito.

Kung bakit kailangan kong kumayod ng triple para sa pamilya ko. Para sa nanay ko. Para sa mga kapatid ko.

Bumabalik sa alaala ko ang pag iwan ni tatay sa'min.

Ang dahilan kung bakit siya umalis.

Na nagsasawa na siyang buhayin kami. Na kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya umaasinso.

Kami ang sinisisi niya kung bakit mahirap pa rin siya.

Kung hindi niya lang daw sana nakilala si nanay. Kung hindi niya lang daw sila nagkaanak. Sana maginhawa ang buhay niya.

Ang sakit marinig ng mga salitang 'yun. Ang sakit isipin na sarili kong ama sinisisi kami sa buhay na meron siya.



*****


Update every Friday

Enjoy reading. Keep safe.

𝚂𝙷𝙴 𝚆𝙷𝙾 𝙻𝙾𝚅𝙴𝙳 𝙷𝙸𝙼 ✔️Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ