Chapter 12

170 9 0
                                    

Sa linggong ito ay matagal ang labas ko sa club dahil isa na ako sa natuka na maglinis sa club bago umuwi. Mag aalas kuatro na ng umaga ang labas namin.

Noong una araw ng linggo ay hinintay pa ako ni Rod pero sinabi ko sa kanya na huwag na niya akong hintayin dahil mapapagod lang siya at mapupuyat.

Kahit na gusto ko rin siyang makita ay inisip ko na muna ang kalagayan at kalusugan niya.

Kaya ngayon ay nag aabang ako ng jeep pauwi. Hindi pa gaanong sakayan ngayon dahil maaga pa naman. Kapag alas singko ay doon na magsisimula ang pagdagsa ng pasahero.

Saktong alas singko ng umaga nang makarating ako sa bahay. Gising na si nanay. Nakapagluto na rin ng agahan. Pinakain muna niya ako bago pinatulog.

Sa mga oras na ito ay hindi ko na inabala pa na tignan ang telepono ko. Antok na antok na ako kaya pagkatapos maglinis ng katawan ay agad akong nahiga at natulog.

Nakapagpakabit na pala ako ng aircon sa kwarto ko. Dahil para hindi na mainit rito. Minsan kasi nagigising nalang ako dahil ang basa na ng damit ko dahil sa pawis. Kaya noong ikalawang sahod ko ay nagpakabit na ako. Kaya baka hanggang hapon na ang gising ko.

Ala sais nga ang gising ko. Hindi na ako matutulog ulit. Mamayang alas 10 pa naman ang in ko sa trabaho. Bumaba nalang ako at tumulong kay nanay na magluto ng hapunan. Nakaligo na rin ako.

Pagkababa ko ay nagulat pa ako sa nadatnan ko. Ang mahahabang beyas ang una kong nakita. At nang nasa huling hagdan na ako kahit likod lang ang nakikita ko ay kilalang kilala ko kung sino ang nasa loob ng bahay namin. Magka usap sila ni JR ngayon at nanonood ng TV.

"R-Rod?"

Silang apat ang napalingon sa akin.

"Hey," aniya at tumayo.

"Anong ginagawa mo rito?"

Siya ang kausap ko pero na kila nanay ang mga mata ko. Ang bilis kasi ng tibok ng puso ko. Parang lalabas na sa diddib ko.

"I am here to visit you. Ilang araw na kasi na hindi tayo nagkikita. I've missed you," aniya.

Mas lalong bumilis ang kaba ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na matignan si nanay ngayon na paniguradong nagtataka sa mga pinagsasasabi ni Rod.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palabas ng bahay. Sa may gilid ko siya dinala. Sa ilalim ng puno ng bayabas na nasa bakuran namin.

"Bakit hindi ka man lang nagpasabi sa 'kin na pupunta ka rito. Sana ay nakapaghanda ako."

"Reina, it's ok. Na miss lang kita kaya dumalaw ako. Atsaka may dala naman akong pagkain para sa inyo. You don't need to prepare anything for me. I'm fine. Makita ka ay sapat na sa akin."

Hindi ako palamura pero parang gusto kong magmura ngayon dahil kilig. Para binudburan ang loob loob ko dahil sa mga sinasabi nitong lalaking kaharap ko.

Pero hindi naman iyon ang gustong sabihin sa kanya.

Umiling ako at naghanap ng lakas ng loob.

"H-Hindi naman 'yun ang gusto kong sabihin e."

Nagsalubong ang kanyang kilay.

"What do you mean?"

"Si nanay. Ang mga kapatid ko. Sigurado ako na nagtataka sila kung sino ka. Sana naman binigyan mo ako ng panahon para sabihin sa kanila ang tungkol sa'yo. At alam kong galit si nanay ngayon."

Hindi maiwasan ng tinig ko ang pagkadismaya sa kanya. Alam kong mabuti ang hangarin niya sa pagpunta niya rito sa amin pero kasi iba pa rin kung sa akin nanggaling ang tungkol sa amin.

Alam kong magtatampo si nanay sa akin nito. Bago palang kami nag usap na huwag ako magsinungaling sa kanya pero heto ako.

"Is that it? Well, let me explain to her."

Umiling ako. Mas lalong magtatampo si nanay kapag siya ang nagsalita.

"Ako na bahala dun."

"I'm sorry," aniya at hinalikan ako sa noo.

Pinaalis ko na siya pagkatapos naming mag usap na dalawa. Gusto ko na kapag nag usap kaming mag anak ay iyong kami lang. Tsaka na siya sumulpot kapag nasabi ko na sa kanila ang totoo.

Pagpasok ko ay busy ang dalawa kong kapatid. Pero nakita ng marites kong kapatid ang pagpasok ko.

"Sino 'yun, 'te?" Tanong ni Riza.

Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako kay nanay na nasa kwarto niya. Kumatok muna ako bago ako pumasok.

"'Nay."

Nakaupo siya sa kama at nagtutupi ng mga damit. Umupo ako sa tabi niya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin. Ang bigat sa feeling kapag ganito.

Bumuntong hininga muna ako.

"Pasensiya na po kayo, 'nay. Bago palang po kami ni Rod kaya hindi ko po nasabi sa inyo agad ang tungkol sa amin."

Hindi pa rin nagsasalita si nanay. Tahimik lang siyang nagtutupi.

Kinuha ko ang mga kamay niya dahil hindi pa rin siya nagsasalita.

"Galit po ba kayo?"

Tumingin siya sa akin at hinawi ang mga kamay ko. Biglang kumirot ang puso ko dahil sa ginawa ni nanay.

"Anak, maiintindihan ko pero sana sinabi mo sa akin na nagkakamabutihan na kayong dalawa. Hindi iyong biglang susulpot iyon at magpapakilalang nobyo."

Nobyo? Bakit biglang nangingiti ang loob ko dahil sa pagpapakilala niya sa nanay ko.

"Pasensiya na po kayo, 'nay. Alam kong nangako po ako sa inyo na hindi na po ako magsisinungaling kaya pasensiya na po talaga kayo."

"Masaya ka ba?"

Masaya ba 'ko? Oo, ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Iyong kahit pagod na pagod ka na ay bigla ka pa ring ngingiti sa t'wing na iisip siya. Na kahit imposibleng magung kayo ay nandyan pa rin siya at laging gustong makasama ka.

"Hindi mo na kailangang sumagot. Nakikita ko sa mga mata mo ang sagot."

Hinaplos ni nanay ang aking mukha.

"Ang panalangin ko lang anak ay ang huwag kang masaktan. Sana ay ingatan ka niya," aniya at may mabilis na tumulo na luha sa mata ni nanay.

Naiyak na rin ako. Mahirap ang pinagdaanan namin dahil kay tatay. Alam kong nasasaktan pa rin siya sa pangyayari. Niyakap ko si nanay.

"Huwag po kayong mag alala, nay."








****

It's friday again. Enjoy your reading and always keep safe.

𝚂𝙷𝙴 𝚆𝙷𝙾 𝙻𝙾𝚅𝙴𝙳 𝙷𝙸𝙼 ✔️Where stories live. Discover now