Chapter 15

194 10 0
                                    


Nagpaalam si Rod kay nanay na mamamasyal kami bukas. Sa linggo na daw niya ako iuuwi. Nag aalangan pa si nanay pero siniguro naman ni Rod na makakauwi ako ng maaga sa linggo kaya pumayag si nanay.

Kaya nang gumabi ay naghanda ako ng aking dadalhin. Hindi sinabi ni Rod kung saan kami sa Sabado. Iyan ang isa sa mga katangian ni Rod na gusto ko. Palagi niya akong sinosurprisa.

Ang sabi niya lang sa akin bago siya umalis ay magdala lang ako ng mga komportableng damit. Kaya jeans at Tshirts ang dala ko. Iyon lang din naman ang mga damit ko eh. Kaya hindi na mahirap isipin kung ano ang dadalhin.

Pagkatapos ko ay bumaba na ako para mag-hapunan. Si Riza ang nagluto dahil maraming tinatahi si nanay. Busy siya ngayon dahil may nagpatahi sa kanya na mga damit pangkasal.

Napapansin ko nitong mga nakaraang araw dumami ang mga magpapatahi sa kanya. Mabuti na rin iyon dahil pandagdag sa ipon namin.

"Si JR?" Tanong ko nang si nanay at Riza lang ang naabutan ko sa hapagkainan.

"Andun na naman sa jowa niyang maarte. Akala mo naman kagandahan. Mukha namang talampakan," sagot ni Riza na may irap pang kasama.

"Nay, napapadalas po ata si JR sa girlfriend niya ah."

"Pinagsabihan ko nga rin. Kaso ay hindi nakikinig. Ikaw kaya ang kumausap."

"Sige po."

Sinabi ko na noon sa kanila na okay lang ang mag jowa-jowa basta unahin pa rin nila ang pag aaral nila. Na dapat priority pa rin ang pag aaral. Makakahintay naman iyan. At kung talagang para sila sa isa't-isa ay sila talaga kahit ano man ang mangyari.

Kaya naman ay hindi ako umakyat sa taas hangga't hindi dumarating si JR. Alas dyes na siya nakauwi ng bahay. Nagulat pa siya nang makita ako sa sala.

"Wala kang pasok, 'te?" Tanong niya habang naghuhubad ng sapatos.

"Hindi muna ako pinapasok ni madame sa trabaho ngayon," sagot ko.

Tumango lang siya. Pagkatapos mailagay ang sapatos sa lalagyanan ay nagtungo siya sa kusina at uminom ng tubig. Pinapanood ko lang ang bawat galawa niya.

"Kumain ka na?"

"Oo, 'te."

"Saan ka nga pala galing? Ba't gabing gabi ka na umuwi?"

Napahinto si JR sa ginagawa at malalim na bumuntong hininga. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Mukhang malaki ang pinagdadaanan ng batang 'to.

"May problema ba?"

Umangat ang ulo niya at napatingin sa akin. Pero saglit lang at nagbawi agad ng tingin.

"JR, may problema ka ba? Anong ginawa mo?"

Napansin ko ang pagtaas baba ng balikat niya. Kaya naman hinawakan ko ang baba niya at inangat ang kanyang mukha. Nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ng kapatid ko. At bilang ate ay masakit makita na ganito siya. Hindi ko man alam ang problema niya pero ramdam ko kung gaano siya nahihirapan.

Niyakap ko si JR. Hinayaan ko siyang ilabas ang nararamdaman niya. Hinagod ko ang likod niya. Matangkad na bata si JR pero sa sitwasyon namin ngayon bumalik sa alaala ko noong panahon na maliliit pa kami.

Ganitong ganito kami noon sa t'wing inaaway siya ng mga kalaro niya sa eskwela. Pinupuntahan niya ako sa classroom ko at doon umiiyak.

At hindi ko maiwasan ang pagtulo ng mga luha ko.

"Ate, I'm sorry," ani ni JR nang mahimasmasan.

Nasa sofa na kami ngayon at nakaupo na magkaharap.

"Bakit ka nag so-sorry?"

"Sorry kasi hindi ako nakinig sa inyo ni nanay. Mas inuna ko ang pansamantalang kaligayahan kesa sa kinabukasan ko."

Sumikdo ang kaba sa dibdib ko. Mapapikit ako dahil alam ko na kung saan papunta ang usapang ito. Pero tao lang ang kapatid ko. At lahat tayo may mga pagkakamali. At sa naranasan niya ngayon alam kong magsisilbi itong aral sa kanya.

Napabuntong hininga ako. Hinawakan ko ang kamay ng kapatid ko.

"Sa totoo lang, JR, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi naman kami nagkulang ng pangaral ni nanay sa'yo. Sa inyo ni Riza. Saksi ka sa lahat ng paghihirap at sakripisyo namin ni nanay para makapag aral kayong dalawa. Pero hindi rin kita masisisi kung naging kuryoso ka sa mga bagay bagay. At sa pinasok mong 'to alam mo na kung anong responsibilidad mo bilang isang lalaki. Kung ano man ang naging bunga ng lahat tandaan mo na andito lang kami ni nanay."

Tumango si JR at muli ako niyakap. Sinabi ko sa kanya na pupuntahan namin ang bahay ng girlfriend niya bukas. Kakausapin namin ang mga magulang ng babae para naman wala silang masabi na masama sa amin at sa kapatid ko. Na handa kaming panagutan kung ano man ang ginawa ng kapatid ko sa anak nila.

Pag akyat ko sa kwarto ay kinuha ko ang phone ko na nakacharge. Hinanap ko ang number ni Rod at nag text sa kanya na baka hindi na muna namin ituloy ang plano niyang pamamasyal bukas.

Kakababa ko lang ng cp ko nang tumunog ito. Dinampot ko ulit at sinagot ang kanyang tawag.

"Hello?"

"𝐻𝑒𝑦! 𝑊ℎ𝑎𝑡 ℎ𝑎𝑝𝑝𝑒𝑛𝑒𝑑?"

"May problema si JR. Kailangan ko munang unahin. Pasensiya ka na."

"𝐵𝑎𝑘𝑖𝑡? 𝐴𝑛𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑛𝑔𝑦𝑎𝑟𝑖 𝑘𝑎𝑦 𝐽𝑅?"

"'Tsaka ko na sasabihin sa'yo. Pasensiya ka na talaga ha."

"𝐷𝑜𝑛'𝑡 𝑤𝑜𝑟𝑟𝑦. 𝑆𝑎𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑎𝑦𝑜𝑠 𝑎𝑔𝑎𝑑. 𝑆𝑎𝑏𝑖ℎ𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑘𝑎𝑦 𝐽𝑅 𝑛𝑎 𝑡𝑢𝑚𝑎𝑤𝑎𝑔 𝑠𝑎'𝑘𝑖𝑛."


"Sige. Bukas. Sasabihin ko. Pasensiya ka na talaga. Good night."


"𝑂𝑘. 𝐺𝑜𝑜𝑑 𝑛𝑖𝑔ℎ𝑡."



Kinabukasan maaga akong nagising. Maaga akong naghanda para mamaya sa pagpunta namin sa bahay ng girlfriend ni JR. Nakakahiya naman kung wala kaming dala papunta roon.

Nagluto lang ako ng ilang putahing ulam. Pagkagising ni nanay ay ako na ang nagsabi sa kanya ng problema ni JR. Nakikita ko ang pagkadismaya ni nanay sa sinabi ko. Pinagsabin ko na rin si JR kagabi na kausapin si nanay.

Habang nagluluto ako ay nag usap ang dalawa sa kwarto ni JR. Hindi na ako nakialam sa paguusap ni nnay at ni JR.

Pero alam ko naman na maintindihan ni nanay ang sitwasyon. Alam kong hinanda na niya ang sarili sa araw na 'to.

Nakahinga ako nang maluwang nang makita ko ang paglabas nilang dalawa mula sa kwarto. Umiiyak na naman si JR pero yakap yakap siya ni nanay. Napapangiti ako dahil alam ko na kahit anong pagkakamali namin andyan si nanay na laging umiintindi sa amin.

𝚂𝙷𝙴 𝚆𝙷𝙾 𝙻𝙾𝚅𝙴𝙳 𝙷𝙸𝙼 ✔️Where stories live. Discover now