Chapter 4

216 8 0
                                    


 

"WALA ka bang pasok ngayon?" Tanong ni nanay nang bumaba ako ng alas otso y medya.

Nanonood silang tatlo ng TV.

"Nag text si Madame G na day off ko ngayon."

Pumunta ako sa kusina. Kumuha ako ng pagkain atsaka kumain. Naisipan ko kaninang magtinda ng balot ngayon pero dahil matagal akong nagising ay hindi ko na nagawa.

Baka bukas nalang ako magtinda ng samalamig sa labas.

I'm sure na namiss na iyon ng mga suki ko.

"May gagawin ba kayo bukas mga kapatid?"

"Wala naman, 'te, bakit?" Riza.

"Magtitinda sana ako ng samalamig bukas. Tulunga niyo ko ah."

"Sige ba. Pero 'te si kuya may lakad bukas e."

Napalingon ako kay JR na tutok na tutok sa TV.

"Saan ka bukas, JR?"

"Wala 'te. Tutulong ako bukas 'wag kang papaniwala rito kay Riza."

Uminom ako sa tubig at nagligpit ng pinakainan. Naghugas na rin ako. Pagkatapos ay tumabi ako sa kanila. Kanina pumasok na sa loob ng kwarto. Mukhang napagod at kakatahi buong araw.

"Hoy! Makinig nga kayong dalawa. May tinatago ba kayo sa'kin?"

"Wala, ate. Ano naman itatago ko sa'yo," saad ni Riza.

Tumingin ako kay JR. Nakataas ang kilay ko sa kanya. Umalon ang adams apple niya. Mukhang kinakabahan.

"May sasabihin ka," saad ko nang mapalingon siya sa akin.

"'Te, kasi... M-May g-girlfriend na kasi ako."

Hindi na naman ako nagulat dun. Napabuntong hininga ako. Kahit ganito buhay namin may ipagmamayabang din naman itong mga kapatid ko pagdating sa itsura. Nagmana sila sa tatay namin. Matangkad, maputi 'tsaka maganda't gwapo.

At alam ko rin naman darating ang araw na 'to. Napaghandaan ko na.

Inakbayan ko si JR. Nahirapan pa ako dahil kahit nakaupo ay matangkad pa rin sa 'kin.

"Reinante Punzalan Jr., Okay lang sa'kin na pumasok kayo sa relasyon basta ba alam ninyong dalawa ang limitasyon," mariin ko ring tinignan si Riza. Agad naman nag iwas ng tingin.

"Wala akong kinalaman diyan ah," aniya. Napaka defensive.

"At naiintindiha ko naman na binata ka na talaga. Pero sana isipin niyo ang kalagayan natin. Si nanay."

"Huwag kang mag alala, ate, pareho kaming may pangarap ni Janine. At sabay naming aabutin iyon. At ipakikila ko siya sa inyo. Magkakasundo kayo nun."

Nakita ko ang malaking ngiti ni JR. Mukhang inlove na talaga. Ginulo ko nalang ang buhok niya at tumayo para bumalik sa kwarto.

"Matulog na kayo. Maaga pa tayo bukas."

 
******

 
 
"Ba't ngayon ka lang ulit nag tinda? Na miss ko samalamig mo," ani Aleng Lupe na isa sa mga suki ko.

"May trabaho na po kasi ako."

"Ay, talaga ba?! Wow, congrats ah. Saan ka na nagtatrabaho ngayon?"

"Sa may poblacion II po. Sa club po doon."

Kita ko ang biglang pag iba ng itsura ni Aleng Lupe.

"Ano ka dun? Dancer?"

Natawa ako kay aleng Lupe. Mabuti nalang talaga at suki ko 'to.

"Aleng Lupe, nakita niyo na po ba akong sumayaw? Atsaka kapag sa club ba nagtatrabaho ay dancer agad pumapasok sa isip ninyo? Iyon lang ba ang trabaho sa club?"

"Eh ano pa nga ba. Si Mariss hindi ba't sa club din iyan nagtatrabaho. Nag uuwi pa nga minsan ng customer sa bahay niya."

Napabuntong hininga ako at napailing.

"Aleng Lupe, waitress po ang trabaho ko. Hindi po ako dancer o ano pa man. Malinis po trabaho ko."

Mabuti nalang at si aleng Lupe pa ang narito at wala ang mga kasamahan niyang mga chismosa. Sila iyong mga suki ko.

At hindi ko na pinakikialaman kung mag tsismisan sila dito sa harap ng tindahan ko dahil nauubos naman nila mga paninda ko. At cash ha walang utang.

Tanghali palang ay ubos na agad ang paninda namin.

Nakatulog pa ako. At nang mag ala sais na ay bumangon na ako at naghanda. Ako na nagluto ng hapunan namin. Pasado ala siyeta na nang matapos ako.

Mabuti nalang at hindi masyadong punuan sa jeep ngayon dahil holiday.

Pagdating ko sa club ay ala siyete y medya pa kaya naman tumulong na ako sa mga lamesa maiayos.

At nang sumapit ang alas otso ay nagbukas na ang club. Ganun pa rin naman ang mga tao. Madami pa rin.

And so far sa takbo ng trabaho ko ay nakukuha ko na ang mabilisan.

At nang matapos ay umuwi agad ako.

At habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep ay may nahagip ang mga mata ko sa parking area.

Isang lalaki na nakahandusay.

Bigla naman akong kinabahan. Nagdadalawang isip pa ako kung lalapitan ko ba o de-dedmahin nalang.

Isang poste lang ang may ilaw kaya hindi gaanong maliwag sa gawi niya. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kinaroroonan niya.

"S-Sir?" Tawag ko.

"Sir, a-ayos lang po ba kayo?" Nanginginig ang boses ko.

"Sir." Pinatid ko ang paa niya. Hindi nagalaw.

Kinuha ko ang cellphone atsaka inilawan siya at gayun na lang gulat ko nang makita ang lalaki na may dugo sa mukha.

Napasigaw ako dahil sa pinag halong gulat at takot.

Lumuhod ako sa harapan ng lalaki at niyugyog siya pero hindi pa rin gumalaw. Itinapat ko ang mukha sa ilong niya at medyo gumaan gaan ang pakiramdam nang humihinga pa siya pero hindi pa rin nawala ang takot.

Tumayo akong muli at bumalik sa club.

"B-Boss," tawag ko. Hiningal ako sa pagtakbo. Agaw ang hininga na tinuro ko ang kinaroroonan noong lalaki.

Nagtataka pa si mamang security guard.

"Anong nangyayari sa'yo?"

"May... May lalaki roon," turo ko.

"May lalaki roon. Duguan. Tulungan natin."

Agad na tumakbo ang guard. Ginamit niya ang flash light atsaka nakita ang lalaki.

Nasa gilid lang ako.

Kinapa ng guard ang pulso ni sir at may tinawagan pagkatapos.

"Kanina mo pa siya nakita?" Tanong niya.

"Pagdaan ko. Okay lang ba 'yan?"

"Mukhang lasing si sir. Nakipag-away siguro. Parating na ang tinawagan kong ambulansiya. Ako na bahala rito. Umuwi ka na." Utos iyon ni boss guard.

"O-Okay po. Sige po."

Nagdadalawang isip naman ako ngayon na umuwi. Gusto kong malaman na okay lang ba talaga ang lalaki.

May nag sasabi sa kabila ng isip ko na kailangan nandoon ako kapag gumising siya. Weird man pakinggan pero gusto kong sumama sa ospital. Gusto kong samahan ang lalaki.


***

Guys, sorry hindi ako nakapag update noong last friday. Sobrang busy lang.

𝚂𝙷𝙴 𝚆𝙷𝙾 𝙻𝙾𝚅𝙴𝙳 𝙷𝙸𝙼 ✔️Where stories live. Discover now