Chapter 19

182 8 0
                                    

Naibsan ang hapdi na nararamdaman nang mababad ako sa maligamgam na tubig. At nang hindi na gaanong kahapdi at makakaya ko ng tumayo ay umahon ako. Nagbanlaw sa shower pagkatapos ay lumabas na nakatapis ang katawan sa tuwalya. Wala si Rod nang lumabas ako galing sa banyo pero may nakatuping damit sa gitna ng kama. Hindi ko damit pero mukhang para sa akin. At bago pa dahil hindi pa natatanggalan ng tag. Kinuha ko ang damit at muling pumasok sa loob ng banyo para makapagbihis.

Isang mamahalin at branded na Tshirt at jeans ang binili ni Rod. Pagkatapos kong magbihis ay pinatuyo ko muna ang buhok bago muling lumabas sa banyo at kwarto ni Rod.

Sa labas ay nakita ko siya na nasa kusina at mukhang busy sa pagluluto. Naramdaman niya ang pagdating ko kaya lumingon siya sa akin na nakangiti. Sinuklian ko iyon at umupo sa upuan na nasa harap niya.

"Are you feeling better?" Tanong niya.

Dahan dahan akong tumango. Nahihiya dahil sa ginawa. Hindi ako sanay sa ganoon kaya hindi ko alam kung paano kumilos o umasta. Pero hindi hinayaan ni Rod na mailang o hindi maging panatag ang loob ko dahil may ibinulong siya kagabi bago ako lamunin ng antok at pagod.

"Ihahatid kita pagkatapos natin kumain. At may mahalaga rin akong sasabihin sa inyo."

Buong durasyon ng aming pagkain ay iba ang nasa isip ko. Hindi ko na tinangka pa ang magtanong kung ano ang mahalaga niyang sasabihin. May pakiramdam ako kung ano at naghihintay ng konpermasyon mula sa kanya. At malalaman ko iyon mamaya pagkauwi sa bahay.

Sa byahe ay bigla kong naramdaman ang tensyon. Kinakabahan ako na hindi maipaliwanag. Siguro naramdaman iyon ni Rod kaya panay ang pisil niya sa hawak hawak kong kamay. Pilit ko lang kinakalma ang sarili.

Nang dumating sa bahay ay nagtaka ako dahil may nakaparadang traysikel sa harap ng bahay namin. Bumaling ako kay Rod na nakatingin sa bahay at seryoso na ngayon.

"Anong nangyayari, Rod?" Hindi ko mapigilang tanong.

"Let's go inside," aniya at nauna ng bumaba sa kanyang sasakyan.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Tulala pa rin at naguguluhan. Magkahawak kaming pumasok sa loob. Bumungad sa akin si nanay, JR, ang mama ni Camille at ang papa nito. Wala si Riza at si Camille. Nang makita nila kami ay biglang nagliwanag ang mukha ng mama ni Camille. Gusto pa sana nitong lumapit sa amin pero pinigilan siya ng kanyang asawa. Lumapit ako kay nanay.

"Ano pong nangyayari?" Tanong ko.

"Hayaan mong si Rod na ang magsabi sa iyo."

Lumingon ako kay Rod. Nagtatanong ang mga tingin sa kanya.

"Basi sa pag-iimbistiga ko sa nangyari. I found out that Camille's not pregnant. Nang malaman niya na alam ko na ang totoo ay gumawa siya ng paraan para puntahan ka. She blamed you for what happened," litanya nito.

Lumingon ako kay JR na nakayuko.

"JR?"

Naguguluhan ako. Hindi buntis si Camille pero kung magsabi si JR sa amin ay parang totoo. Pinaninindigan niya na siya ang nakabuntis rito. Na siya ang ama.

"I'm sorry, ate. Naaawa lang kasi ako kay Camille. She suffered so much. May sakit siya. She believed that we are together and that she's pregnant with my child. Hindi ko gustong lokohin ka o kahit sino pero naaawa lang ako sa kalagayan niya."

"JR, kung may sakit siya edi sana pinagamot niyo!" Tumingin ako sa mga magulang ni Camille. Pareho silang nakayuko at walang imik. Ang nanay ni Camille ay umiiyak ngayon. "Hindi iyong nanloloko kayo ng tao at kinukunsinti niyo pa siya. Mas lalala ang kondisyon niya dahil hinahayaan niyong gawin ang mga gusto niya!"

"Sorry, ate..."

"Kay nanay ka humingi ng tawad, JR huwag sa akin. Akala ko pa naman pinalaki ka na namin na responsable. Pero binigo mo 'ko. Binigo mo kami ni nanay."

Nagdadamdam ako ngayon dahil sa pagsisinungaling ng kapatid ko. Walang perpekto sa mundo kahit ako ay nakagawa o nakapagsabi rin ng mga kasingungalingan pero ginagawa ko ang lahat para masabi agad ang pagkakamali para makahingi agad ng tawad. Kung sinabi lang sana ni JR ang totoo at pinaliwanag sa amin ang kalagayan ni Camille siguro ay maiintindihan namin. Tutulong pa kami para mapagamot ito. Pero pinili nila ang hindi tamang paraan.

Iniwan ko sila at umakyat sa aking kwarto. Nagbihis ako at napatulala sa harapan ng salamin.

Hindi ako galit kay JR. Nagulat o nainis pero hindi ako galit. At kailangan ko ng panahon para maproseso ang mga nalaman at nangyari. Humiga ako sa kama.

Bumalik ang alaala ko sa nangyari kagabi. Paano kung sa akin mangyari iyon handa ba si Rodrigo na panagutan ako? Handa ba siyang magsakripisyo para sa akin? Kung magbunga ang nangyari dahil hindi ko matandaan na gumamit kami ng proteksyon magiging handa ba ako sa responsibilidad?

Buo ba kami bilang isang pamilya? Masaya ba kami? Magiging mabuting magulang ba kami? Ang daming tanong sa utak na hindi ko namalayan na nakatulugan ko pala. At walang ni isa ang nagbalak na gisingin ako dahil nang magising napakatahimik ng buong bahay. Madilim na rin sa labas at sa kwarto ko. Kinapa ko pa ang switch para umilaw.

Bumaba ako at naabutan ko si JR na nasa lamesa. Mag isa at malalim ang iniisip. Tumingala ko sa orasan at alas nuwebe na pala ng gabi. Hindi man lang kami nakapagusap ni Rod.

Dahan dahan akong bumaba. Lumapit ako kay JR. Tinapik ko kanyang balikat na kinagulag niya.

"Ate..."

"Ba't 'di ka pa tulog?"

Pinasadahan niya ang buhok ng kanyang kamay.

"Hindi po ako makatulog."

"Magpahinga ka. Huwag mong pagurin ang isip at puso mo sa pag iisip."

Yumuko ang kapatid ko. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa lamesa. Muli siyang tumingin sa akin.

"Nagdesisyon ka lang. Namili. At ang pinili mo ay ang sa tingin mong tama. Pasensiya ka na kanina. Nabigla lang ako sa mga nalaman at pasensiya na rin sa mga nasabi ko. Sa una palang alam mong mali na ang napili mong desisyon pero pinagpatuloy mo pa rin. Sumugal ka sa laro na walang kasiguraduhan. Dahil ang puso mo ang mas pinakinggan mo. Mahal mo si Camille kaya ginawa mo ang gusto niya. Pero palagi mong tatandaan na hindi sa lahat ng pagkakataon puso o pag ibig ang laging nasusunod. Lagi mong iisipin ang mas nakakabuti sa'yo at sa taong mahal mo. Kaya huwag kang mag alala at tutulungan ka namin na ipagamot si Camille."

𝚂𝙷𝙴 𝚆𝙷𝙾 𝙻𝙾𝚅𝙴𝙳 𝙷𝙸𝙼 ✔️Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt