Chapter 5

214 8 0
                                    

HINDI ako makatulog. Simula nang dumating ako ay hindi ako makatulog. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa pagpilit ko na makatulog.

Bumabalik pa rin sa alaala ko ang lalaki. Hindi ko alam kung bakit binabagabag ako nito e hindi ko naman iyon kilala. Atsaka nandoon na rin naman ang guard sabi naman niya na dadalhin na iyon sa ospital pero hindi pa rin ako mapakali.

Malapit na ang pagsikat ng araw. Nanghihina ako dahil sa sakit ng ulo.

Bumangon na lamang ako at bumaba. Ako na ang paghahanda ng agahan namin.

Nagsaing ako at pagkatapos ay nagluto ng ulam. Itlog at hotdog lang ang niluto ko para madali.

"Ba't nandyan ka? Hindi ka ba natulog?"

"Hindi ako makatulog, 'nay."

Inagaw ni nanay ang spatula ko at siya na ang tumapos ng niluto ko.

"Ako na rito. Magpahinga ka. Naku naman, Reina. Huwag mong sagarin ang sarili mo," aniya.

"Maupo ka muna diyan at ipagtitimpla kita ng gatas. Naku!"

Umupo ako gaya ng sabi ni nanay. Napabuntong hininga ako. Bakit ba kasi sa dinami dami naming empleyado sa club ako pa talaga nakakita sa kanya.

At bakit ba kasi hindi iyon mawala wala sa isip ko e hindi ko naman iyon ka anu-ano. Ni hindi ko nga kilala ang lalaking 'yun.

"Kung ano man 'yang iniisip mo kalimutan mo muna. 'Tsaka mo nalang isipin 'yan kapag nakapagpahinga ka na. O ito't inumin mo nang makatulog ka na."

"Salamat, 'nay."

Ininom ko ang tinimplang gatas ni nanay. Hindi pa agad ako nakatulog. Sa sofa nalang ako humiga at nanood ng balita sa TV. At hindi ko na namalayan na nakatulog ako. Nagising lang nang nangalay ang leeg ko.

Pagkatingin ko sa relo ay ala singko na ng hapon. Tagal rin pala ako nakahiga dito sa sofa.

Medyo magaan gaan na ang pakiramdam ko. Umakyat ako sa kwarto at naligo.

Nagbihis na ako ng uniform at bumaba ulit.

Nasa kusina na si nanay at nagluluto na nang hapunan.

"Aga mo atang papasok ngayon."

"Oo po. Hindi rin naman ako makakatulog ulit kaya sa club nalang po ako. Malilinis nalang po ako dun."

"O siya't kumain ka na."

******

"Boss guard, okay lang po ba iyong lalaki kagabi?"

"Aga mo ngayon ah."

"Inigahan ko talaga. So ano na po. Okay lang po ba siya? Wala bang sugat o ano?"

Nagtataka na tinignan ako ni boss guard.

"Oo. Maayos na siya. Nakalabas na nga e."

Tumango ako. Nakahinga na ng maayos.

"Sige po, salamat."

Pumasok na ako sa loob. Inayos ang mga upuan at lamesa. Nang matapos ay nagpunta ako sa locker room.

Ala siyete y medya pa kaya umupo muna ako.

"Pinapatawag ka ni Madame G." Napalingon ako kay Tina. Kakapasok niya lang.

"Bakit daw?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang siya.

Hindi na nga ako pinansin e.

Lumabas nalang ako. May nakasalubong ulit akong waiter. Sabi niya nasa taas daw si Madame G. Nasa opisina niya.

Umakyat ako. At hindi rin naman mahirap makita ang opisina ni Madame dahil nag iisa lang opisina niya sa taas. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Magandang gabi po. Pinapatawag niyo raw po ako?"

"Yes. Maupo ka," ani madame.

"May gustong kumausap sa'yo. Here." May binigay sa akin si madame na isang maliit na papel.

Parang business card pero plain lang itong hawak ko. May maliit na initial sa gilid at may silyo. Iyon lang.

"I'll text you the address at ibigay mo lang 'yan sa reception pagdating mo. 'Wag ka na rin pumasok bukas."

Iyon lang at pinababalik na ako ni madame sa ibaba. Ni hindi ko man lang magawang magtanong dahil di-nismiss na niya agad ako.

Buong gabi iyon ang laman ng isip ko. Kung sino ang gustong makipagkita sa akin. At bakit hindi na ako papasukin ni madame.

Maayos namang natapos ang trabaho ko. Maaga rin akong nakauwi sa bahay.

Paglapat palang ng likod ko sa kama ay tumunog ang phone ko. May itinext si madame na lugar na pupuntahan ko mamaya. Anong oras ako pupunta doon.

Matapos kong mabasa ay binalik ko sa side table ang cp at pumikit. Pina alarm ko nalang ang alarm clock nang nuwebe.

******

"Sa'n ka pupunta? Bihis na bihis ka ata."

"May pinapapuntahan po si madame sa akin."

"Sino naman? Baka ano na 'yan, Reina ha."

"Huwag po kayong mag alala, 'nay. Matino pong amo si madame. Hindi niya po hahayaang mapahamak mga empleyado niya," saad ko atsaka nagpaalam na.

Malayo layo rin ang byahe papunta sa binigay na address ni madame. Saktong alas onse na ako nakarating. Nasa harap ng isang matayog na building.

Halos hindi ko na matanaw ang tuktok nito dahil sa sikat ng araw.

Ano bang gagawin ko rito? At sino ang kakausapin ko.

Bumutong hininga muna ako bago ako pumasok.

Sabi ni madame na ibigay ko raw sa reception ang card.

"Hi," bati ko.

"Good morning, maam, how we may help you?"

Ngumiti ako sa babae dahil ang ganda ganda parang manika ang mukha. Inabot ko sa kanya ang maliit na papel.

Tinignan niya pa ito ng maigi. Hinaplos haplos. At nang makasiguro ay may tinawagan sa telepono.

"Yes, sir."

"Okay, sir"

Binaba ng babae ang telepono. Ngumiti siya sa akin.

"Naghihintay na po si sir sa top floor, ma'am," aniya at iginiya ako sa elevator.

Pagkasakay ko ay may pinundot ang babae at muling lumabas. Hinintay niya pang masarado ang pinto ng elevator bago tuluyang umalis at bumalik sa pwesto niya.

Kinakabahan naman ako habang nasa loob. Mag-isa lang kasi ako rito. Paano kung biglang huminto ito.

Pumikit na lamang ako at kinalma ang sarili.

Ang tagal dumating sa top floor nitong lift. Parang mauubusan na ako ng hininga rito sa loob.

Minasahe ko ang dibdib. Ayokong mag panic rito.

Kaloka!

Bakit ba kasi ako pinapapunta ni madame rito.

Tumangala ako kung nasaang floor  na ako nang huminto ang elevator at bumukas.

Nakahinga ako ng maluwang. Parang may natanggal sa dibdib ko.

Sinalubong ako ng isang malawak na hallway pagkalabas ng elevator.

Nagsimula akong maglakad nang may isang babae ang sumalubong sa akin.

Nakangiti rin siya.

"This way, ma'am."

****

Update every friday. Enjoy Reading.

Keep safe.

𝚂𝙷𝙴 𝚆𝙷𝙾 𝙻𝙾𝚅𝙴𝙳 𝙷𝙸𝙼 ✔️Where stories live. Discover now