Chapter 6

195 11 1
                                    


"THIS WAY, MA'AM."

Sumunod ako sa babae. Pumasok kami sa isang pinto. Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang isang napakalawak na opisina.

Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Lahat ng nandito ay pangmayaman. Pati ang inaapakan kong basahan.

Nahiya naman ang ilang taon ko ng sneakers na umapak sa lugar na 'to.

"You can wait here, ma'am. Nasa meeting pa po kasi si sir. Padadalhan ko nalang po kayo ng makakain," saad ng babae at umalis.

Pagkaalis ng babae ay hindi ko alam ang gagawin. Naiilang ako. Lahat ng nandito ay puro mamahalin.

Ayokong dumihan.

Nagdadalawang isip ako na maupo sa mahabang couch. Pero dahil nangangalay ang paa ko ay umupo ko.

Pero umupo sa edge lang talaga ng couch.

Nahihiya ako.

Ilang minuto ang lumipas nang may kumatok. Napatayo agad ako. Akala ko si sir na iyon pero iba pala.

Naghatid ng pagkain.

"Enjoy your meal, ma'am," aniya bago umalis.

Ang mamahalin ko naman ata ngayon. Parang inaasikaso talaga nila ako. May pakain pa talaga. At sosyalin din.

Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ng pagkain.

Amoy palang ang sarap sarap na.

Palinga linga pa ako dahil baka may camera. Nakakahiyang sumubo.

Pero kasi natakam ako sa pagkain e.

Kumuha ako ng isang macaroon. Hindi ko pa kasi ito natitikman dahil napaka mahal. E dito pinamimigay lang.

Kulay pink ang kinuha ko dahil favorite color ko ang pink. Pasubo na ako nang bumukas ang pinto ng opisina.

Nabitin sa ere ang macaroon ko.

"Hi." Natauhan lang nang bumati si sir.

Ang gwapo. Mayaman din talaga.

Ibinalik ko nalang sa lalagyanan ang macaroon.

"You can eat," aniya.

Umiling ako. Sinundan siya ng tingin papunta sa lamesa niya.

Nakakahiya.

Pansin ko may band aid si sir sa noo. May kaunting sugat din sa gilid ng kanyang mapupula at perfect lips.

Tumikhim ako bago lumapit.

"Uhm... Pinapunta po ako ni Madame G dito, sir."

"Yeah. Ako ang nag utos kay Glenda na papuntahin ka rito. I would like to personally thank you for saving my life last night," aniya.

Ngumiti siya. Kita ang perfect at white teeth ni sir. Nasilaw pa ata ako.

"Po?"

Naguguluhan ako. Anong sabi niya? Niligtas ko buhay niya?

Aah!

"Ikaw po 'yun?" Naalala ko.

Siya pala iyong dahilan kung bakit hindi ako makatulog noong isang gabi dahil sa pag aalala ko.

"Yeah. That was me. Thank you..." Nabitin siya sa ere.

"Reina po."

"Thank you, Reina."

"Your welcome po. Ano po bang nangyari sa inyo? May kaaway ba kayo?"

Ngumiti lang si sir at hindi makatingin.

𝚂𝙷𝙴 𝚆𝙷𝙾 𝙻𝙾𝚅𝙴𝙳 𝙷𝙸𝙼 ✔️Where stories live. Discover now