Tumango si TJ at bumagsak ang mga mata ko sa hinihiwang sibuyas.

"Oh wow, that's so cool. Ang saya niyo siguro dati..."

Saya.

I grinned sarcastically.

Umiling ako. "Hindi ko masasabing masaya dahil puro na ako pagdududa noon. Pero hindi ko ini-entertain. Ayaw tanggapin ng utak ko na posibleng lokohin nila akong dalawa...at iyon nga ang nangyari..."

"I'm sorry, Lana. Hindi ko alam..."

I smiled. "Okay lang, matagal na iyon. Wala na iyon sa akin..."

Sana nga wala na iyon sa akin.

I sprinkled the parmesan cheese sa ibabaw ng plate ni TJ. It's passed 9pm at gutom na ako. Siguradong gano'n din si TJ.

He acted like he smell something delicious on the air. Inirapan ko siya.

"That's it! Iyan nga ang naaamoy ko!" masaya niyang sabi nang nilapag ko ang pagkain.

"Pakakainin kita kahit hindi mo na 'ko bolahin..."

"Kamukha sa luto ni mom. Mahihirapan yata ako nito..." pailing-iling niyang sabi habang papasubo na.

Hinihintay ko naman ang magiging judgement niya sa lasa nito. Papikit-pikit at napatigil si TJ sa pagnguya. Kumunot ang noo niya at mukha siyang dismayado o ano.

I knew it! Hindi masarap.

Kukunin ko na sana ang plato niya nang tampalin niya ang kamay ko.

"What are you doing, Lana?" aniya.

"Hindi masarap. Let's order na lang... " malungkot kong sabi. Humalakhak si TJ at nagpatuloy na sa pagnguya.

"I'm just kidding, alright? Masarap siya, Lana. I swear, mom would love this, too."

"Ayoko nga ipatikim 'yan sa mommy mo. This is an exclusive food for my family only..." I joked.

"So I'm a family now?" he asked, and his eyes twinkled.

"Hindi 'no! Pang-asar ka talaga e, no?" at itinuro ko siya gamit ang tinidor.

TJ was like that. Bubbly to be with, no dull moments kahit na kung titingnan mo siya ay mukha siyang istrikto. He's not that intimidating to me. Sa iisang tao pa lang ako naiintimidate.

Almost 8 na nang makarating ako sa opisina. For the first time, ngayon lang ako muntik ma late!

"Good morning Miss..." bati ni Iza.
"Nasa opisina niyo po ang Tito Marky niyo..." I nodded.

Nang makapasok ako sa loob ng opisina ko ay naabutan ko nga roon si Tito.

I took off my coat at nilagay sa likod ng swivel chair, saka pa naupo. I looked at Tito Marky.

"Why...why are they here Tito?" may diin kong tanong.

"Because it's been years? At nakapag move on na sila? At ikaw hindi pa?"

I don't know if that was a joke or what.

"Oh please! I moved on. Pero hindi ibig sabihin no'n na titigilan ko na sila, Tito. Of all, you knew what they did to me!"

"I do know, yes. At alam mo ring sapat na iyong ginawa mo sa kanila. You stripped everything to them. Mike's work, Shelly's family businesses at pati pa lupang tinitirikan ng mga bahay nila hindi mo pinalampas."

"It'll never be enough..."

He sighed at umiling.

"Hanggang kailan ka ganyan kung gano'n? Habang buhay? Hangga't nasasaktan ka? Kailan ka ba aayos? Dahil sa ginagawa mong 'yan, hindi na mukhang paghihiganti iyan. Gawain na iyan ng isang masamang tao...Lana."

The Mistress जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें