Malawak ang kinuha niyang presidential suite. May king-sized bed, heater, centralised AC at magandang drapes na tumatakip sa glass window. All in all, maganda ang buong suite. Kung sabagay, isa itong five-star hotel. May pagka-galante pala itong si Paris.

"O bakit nakatayo ka lang dyan?" tanong niya sa akin habang siya naman ay nakaupo sa maliit na sofa malapit sa kama.

Nakatayo lang kasi ako at hindi gumagalaw. Sa ilang saglit nakarinig ako ng ilang tawa mula sa kanya na parang inaasar ako.

"Masyado kang seryoso dyan, kaibigan. Relax!" saka tumawa ulit.

Nagulat ako nang bigla niya akong tawaging 'kaibigan'. Kasi 'yan ang tawag niya sa akin palagi at ngayon ko lang narinig sa kanya 'yan matapos ang ilang linggo. Haaay, Paris bakit ka ba ganito sa akin?

Isinandal ko ang likuran ko sa malaking closet at nanatiling nakatingin sa kanya. Para akong mahihimatay sa kaba pati na rin sa kabog ng dibdib ko.

"Paris, ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya, ngayon naman ay tinignan niya ako ng seryoso. "Fuck, Sasha! Gusto kitang iwasan kaya pinilit kong magalit sa'yo at tanggalin 'yung nararamdaman ko pero hindi ko magawa. Tangina, mahal na mahal na kita e! Simpleng bagay lang naman ang mga ginagawa mo. You were just an ordinary girl but you're making my life extraordinary. Shit!"

Parang nag-iinit ang mga mata ko at anumang oras tutulo na ang luha mula rito. Lalo niyang pinagugulo ang nararamdaman ko e.

"Tignan mo, iiyak ka na naman! Ugh!" kinusot niya ang buhok niya. "Ito na nga ang masaklap e, hindi pa kita nagiging girlfriend, pinaiiyak agad kita. Bullshit na buhay 'to oh!"

Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at lumapit sa akin tapos bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Doon na ako natuluyang umiyak kasi nahihirapan na ako at sobrang naguguluhan sa dapat kong gawin.

Matapos ang ilang sandali, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at inilapit ang mukha niya sa akin. "I wanted to stop loving you yet I can't. Tanginang puso talaga 'to e, hindi maturuan. Suri Shadows, alam kong mahal mo si Lyle pero umaasa ako na kahit katiting may nararamdaman ka rin sa akin pero hindi mo lang maamin 'yun sa sarili mo. 'Di ba? 'Di ba?"

Nag-aantay siya ng sagot galing sa akin pero hindi ako nakapagsalita dahil mismo ako sa sarili ko, hindi ko rin alam ang dapat kong isagot sa kanya.

"Ugh, ba't 'di ka sumagot? Basted na agad ako. Shet!" sabi niya.

Hindi na lang ako nakagalaw ng bigla niya akong halikan sa lips ko. Parang nag-jelly na ang mga tuhod ko sa gulat pati na rin sa ginawa niya. 'Yung puso ko, sobrang lakas ng tibok nito na parang lalabas na mula sa dibdib ko. Nang gumalaw na ang kanyang dila sa loob ng bibig ko, tuluyan na akong nanghina at nalalasing sa ginawa niya. Nakatigil lang ako habang nakadilat ng husto ang aking mga mata.

"Open your goddamn mouth, Sasha." sabi niya in a husky way na nakapanindig sa aking mga balahibo.

Para akong robot na sumunod sa sinabi niya. Ibinuka ko ang aking bibig at doo'y naglaro na ang kanyang dila sa loob. Wala na ako sa sarili dahil sa ginagawa niya. I admit, gusto ko ang ginagawa niya. 'Yung pakiramdam na gusto pa ng puso mo pero ayaw na ng isip ko. Kasi alam kong mali 'to e.

Sinusubukan kong magpumiglas pero hindi ko magawa, gusto ko siyang itulak pero wala akong lakas na gawin 'yun. Hanggang sa ma-realize ko na lang na nakahiga na kami sa malaking kama at patuloy sa paghalik sa isa't isa. Kasalanang mortal na nga 'tong ginagawa ko dahil tinutugon ko ang bawat halik niya sa akin.

"Shit! Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at baka mabuntis pa kita." umalis siya sa itaas ko at umupo sa kama.

Dahan-dahan din akong bumangon at umupo sa tabi niya. Wait, nag-make out  kaming dalawa! Darn!

Wala na isa mang umiimik sa amin habang parehas kaming nakaupo at nakatingin sa kawalan hanggang sa naramdaman ko na lang na hawak ni Paris ang kamay ko. Bigla akong napatingin sa kanya. Kung kanina, aggressive siya, ngayon naman ay parang siya 'yung dating Paris na nakilala ko.

"You kissed me back, that means you also love me too, am I right?" tanong niya sa akin.

Marahan akong tumango sa sinabi niya. Hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa isipan ko at bigla na lang akong napatango. Mahal ko siya. 'Yun ang naririnig kong sabi ng puso't isip ko. Pero nang bigla kong maisip si Lyle. Shit, mahal ko rin 'yun 'di ba? Ewan, ewan ko na. Hindi ko na alam!

Tinakpan ko nang dalawang kamay ko at mukha ko. Sobrang clueless na ako sa mga nangyayari.

Lumuhod sa tapat ko si Paris at hinawakan ang kamay ko pababa para makita ko siya.

"Hindi kita pipiliting magdesisyon o pumili sa ngayon. Alam ko naguguluhan ka pa Sasha. Just let me know whenever you are ready to pick who's your Superman."

Tumango uli ako sa sinabi niya. It's like I've been drugged. I just don't know what to say, actually.

Hinalikan ako ni Paris sa noo ko at tinitigan ako sa aking mga mata. "But please, Sasha. Pick me if you could."

Madudurog na yata ang puso ko, 'yung mga mata niya ay nangungusap na para bang siya na lang ang piliin ko at ang mamahalin ko ng buo.

Paris, bakit kailangan mo akong pahirapan ng ganito?

Your Boyfriend SucksWhere stories live. Discover now