Sixteen - Blank Space

Start from the beginning
                                    

She instantly hugged me as soon as she saw me na ikinangiti ko naman. "Hey Jack, I missed you too." I said habang niyayakap din ito.

Kumalas ito ng yakap at tiningnan ako mula ulo hanggang paa hanggang ulo ulit. "You looked really great, doc! I missed you! How are you?"

Nagulat ako na alam nya na I'm a doctor now kaya napatingin ako kay Lovi na nakangiti habang nakatingin sa'min.

"What? Akala mo hindi namin alam? Of course alam namin, bukambibig ka kaya ng matsing na'to." Sabi ni Jack habang palapit kay Lovi at inakbayan ito.

Ha? Paano? Lagi ba silang nagkakasama? How did I not know about this?

"Well, as much as I want to elaborate things, I can't. The bride-to-be is waiting for us. So be ready and we'll be expecting you there in ten minutes. Ichi-check ko lang si Cia."

Wala na akong nagawa nung umalis na ito. Napatingin ulit ako kay Lovi na nagkibit balikat lang.

"Mag-ready ka na sheb. I told you, aalis din tayo. Don't worry, hindi naman tayo magtatagal. We just want to celebrate the last night of Cia's freedom."

Hindi na ako nag react at nag-ready nalang din. Of course, kahit naman na napagod ako ay ayaw kong maging KJ. And kaya naman talaga ako andito ay para kay Cia.

Simula nung grumaduate kami ng highschool, I lost contact with Ciara and Jack. I went to the city para ipagpatuloy ang aking kolehiyo at sumama naman sa'kin si Lovi. Wherever I am, andun yung bestfriend ko. Pero hindi ko alam na patuloy pa din pala yung communication nya sa dalawa. She never mention them to me. Nagulat nalang ako one night na binigay sa'kin ni Lovi ang isang invitation card pero mas nagulat ako nang makita ko yung pangalan ko sa card.

Ciara made me one of her bridesmaid kahit ang tagal na naming di nag-uusap. I felt bad for not reaching out to them for years, but I'm also glad to know that they never forget about me. Ako din naman, but siguro mas naging focus lang ako sa pag-aaral.

Nakaakbay lang ulit sa'kin si Lovi habang umaakyat kami sa fifth floor. They rented a private room for Cia's party at kanina pa ito nagsisimula.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. I was too focused on other things earlier na muntikan ko ng makalimutan na posibleng andito yung nag-iisang tao na nakakapagpabagabag sa puso ko. Hindi imposible, dahil bestfriend sya ni Ciara. Maaaring nandito sya kahit pa hindi ko nakita yung pangalan nya sa invitation card.

"Finally! Ang tagal nyo!" Si Jack ang nagbukas ng kwarto at hinila ako agad papasok. "Cia, look who's here!"

Lahat naman ay napatingin sa direksyon ko— namin ni Lovi na nandito sa tabi ko. Dahil bridal shower to ay lahat na nandito ay babae. Napatingin ako sa may gitna kung saan nakaupo si Ciara. Parehas kaming nakatingin lang sa isa't isa hanggang sa sumilay yung ngiti nya sa labi.

"Hey stranger!" Tumayo ito at lumapit sa'min. "I thought you'd never come." Niyakap nya ako agad kaya napayakap din ako dito.

Para akong maiiyak sa galak. Hindi ko alam na miss na miss ko sila until I saw them again. Hindi pa din sila nagbabago. They still welcome me with open arms.

"C-cia..."

I lost for words.

Kumalas ito ng yakap sa'kin at tiningnan ako. "Kung hindi pa ako ikakasal, hindi ka naman magpapakita eh. Nakakatampo ka." Sabi nito pero hindi naman bakas sa mukha yung pagtatampo. In fact, ang saya nyang tingnan ngayon. Mas lalo din itong gumanda. Malamang dahil sa masaya ito sa buhay nya.

"I-i'm sorry." Yun lang ang kaya kong masagot. Because I really am sorry.

Nagulat kami parehas ng may umakbay sa'min. "Ano ba yan, tama na yung drama. Let the real party begins!"

Moonset (GxG)Where stories live. Discover now