Chapter 21

4.9K 71 3
                                    

*Kinabukasan*

*Last day of shooting*

Rachel: (Pumasok sa tent) Oh? Kumpulan ang cast dito ah? (Nakangiting sabi nya)

Charms: (Lumingon) Hi Rachel! (Bumeso) Aba, malamang ito na ang huling shooting natin!

Sheena: Oo nga! Mamimiss ko kayo! (Kunyari maiiyak)

Rachel: (Tumawa) Reserve your tears, Sheena. Mamaya na yan!

DirekOo nga! Excited lang?

Laurence: Well, Baka matalo mo si Rachel sa pagiging best actress nyan, Sheena.

All: (Laugh)

Sheena: Heh! Nagsasabi lang naman ako nang totoo eh!

Rachel: (Inakbayan si Sheena) Hayaan nyo na sya... Malalagpasan nya rin ito.. (Tumawa)

Sheena: Isa ka pa eh! (Inalis ang pagkaka-akbay ni Rachel. Nang biglang may mapansin sa braso nito) Ano yan, Rachel?

Rachel: (Nagulat, tinago ang braso) H-ha? Wala! Kagat lang nang ano.... ng... Langgam.

Sheena: Ows? Patingin nga!

Rachel: Wag na! (Tinago pa lalo)

Charms: Naku, Rachel! Ano nga yun?

Rachel: Wala—

Frankrich(Pumasok bigla) Hi Guys! (Nakangiti)

All: (Bumati sa kanya)

Charms: (Bumeso kay Frankrich) Kuya, Tignan mo yung braso ni Rachel

Frankrich(Kumunot ang noo nya at tumingin kay Rachel) Bakit? Anong meron? 

Rachel: M-May nakita lang silang pantal. Sabi ko kinagat lang ako ng Langgam.

Laurence: Sweet kasi masyado.(Ngumiti)

Charms: (Tumaas ang kilay kay Laurence) At ako? Hindi ako sweet ganun?

Laurence: (Lumapit kay Charms) Wala akong sinasabi ah! Halika nga! Dun tayo sa labas. Para ma-enjoy ang view ng Tagaytay. (Hinila si Charms)

DirekLalabas na rin kami. Aayusin na namin ang set. (Lumabas na kasama pa ang iba)

*Si Frankrich at Rachel na lang ang natitra*

FrankrichAno kasi yan? Bakit ayaw mong pakita?

Rachel: (Nilabas ang braso) Oh, ayan! 

Frankrich(Medyo nagulat) Langgam? Ang laki namang pantal nyan, Namumla pa!

Rachel: Langgam nga lang yan. Sa upuan ko kanina sa Kotse... Pinalinis ko na sa driver ko.

Frankrich(Hinawakan ang braso ni Rachel) I can't believe na langgam lang ito. 

Rachel: (Hinaltak ang braso nya) Anong gusto mo? Aso? Tigre? O Leon?

Frankrich(Kinuha ulit ang braso ni Rachel) Ikaw talaga! Nag-aalala lang ako, namimilosopo ka pa. Ang akin lang, masyadong malaki ito sa kagat ng langgam.

Rachel: Nag-aalala?? Ikaw?? Di nga? (Tanong nya sa isip) Eh kinamot ko kasi... Kaya ganun.

FrankrichPahiran natin nang cream yan mamaya. Wag mo nang kamutin.

Rachel: (Tinatago ang kilig) Caring ang mokong na ito ha? (Sabi nya ulit sa isip) Opo, doc.

MAYBE THIS TIME (chardawn) *EDITING!* ✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang