Chapter 62

4.8K 65 17
                                    

Matapos ang ilang scene nila Rich at Rachel, ay sandaling umiglip si Rachel, Dahil madaling araw na iyon, Ngunit dahil meron pa silang ilang scene ni Rich ay napili nyang sa bangkuan na lang muna umiglip.

Frankrich: (napansing natulog lang si Rachel sa Monobloc na upuan kaya't lkinuha ang isang monobloc para tabihan si Rachel)

Rachel: (Dahil sa kaantukan ay hindi na namalayan ang paglapit ni Rich)

Frankrich: (nilagay ang braso sa likod ng sandalan ng upuan ni Rachel, para alalayan ang ulo nito na pabagsak-bagsak)

Nanatili sa ganun posisyon si Frankrich kahit pa habang nagbabasa sya nang script nya, Nag-aalala syang baka mahulog si Rachel sa upuan nya.

*Maya-maya ay nagising na si Rachel*

Rachel: (napansing may nakaalalay na kamay sa gilid nya at nang tignan kung sino iyon, nakita nyang si Frankrich ito at busy sa pagbabasa ng script)

Frankrich: (napansin ang paggalaw ni Rachel kaya't napalingon) Oh? Nagising ba kita?

Rachel: (Umiling) Hindi naman, malapit na ba scene natin?

Frankrich: (umayos nang upo) Hindi pa, dalawang scenes pa bago tayo.... Gusto mong kape?

Rachel: Oo sana... Pero ako na lang ang magtitimpla.. (tatayo sana)

Frankrich: (pinigilan si Rachel) Ako na, dyan ka na lang.

Rachel: (tumanggi) Hindi na, ano ka ba?

Frankrich: (tumayo) I Insist. Ako na.. Dyan ka na lang (tapos ay umalis na)

Rachel: (Walang nagawa)

*Ilang saglit pa ay dumating na si Rich dala ang kape nila ni Rachel*

Franrkich: (inabot ang kape kay Rachel)

Rachel: Thanks.. (Kinuha)

Frankrich: (Bumalik sa inupuan nya kanina)

Rachel: Nakapag-basa ka ba naman nang ayos ng script?

Frankrich: Oo naman.. Bakit mo naman natanong?

Rachel: Eh, talagang inalalayan mo pa ko pati ba naman sa pagtulog ko? (natawa)

Frankrich: Eh, kasi naman.. ang Hirap naman kasi nang posisyon mo, nakakatakot baka mahulog ka.

Rachel: Ows? Natakot ka na mahulog ako?

Frankrich: (Di nakasagot) Uminom ka nang uminom nang kape dyan, baka lumamig pa yan. (sabay higop nang kape)

Rachel: Ganito ka ba sa lahat nang nagiging leadinglady mo? O meron lang talaga akong special treatment sayo? (pagbibiro nya)

Frankrich: Hindi ah! (Medyo defensive) Ikaw ha, lumalabas nanaman ang pagiging assuming mo, Kilala mo naman ako? Talagang maalaga ako sa mga nakakatrabaho ko.

Rachel: (Ngumiti) Okay,Okay... Binibiro lang kita..

**

Ngunit ang Totoo, Oo nga't talagang maalaga rin naman si Rich sa mga nakakapareha nya, Ngunit aminin man nya sa sarili nya o hindi alam nyang mas higit si Rachel na iniingitan nya sa lahat nang nagiging kapareha nya.

Kaya't sa Pagdaan ng araw na pagta-taping nila ay hindi maikakaila na super caring si Rich, na kahit na nga mga Co-star nila ay nagtataka na, Ngunit ang sinasabi lang ni Rich ay di lang sila sanay, Hindi alam ni Rich kung bakit pero sa tuwing inaalagaan nya sa set si Rachel ay gumagaan ang loob nya. sumasaya sya.

MAYBE THIS TIME (chardawn) *EDITING!* ✔️Where stories live. Discover now