Ano nga bang mali? Bakit pinuntahan namin?

"Alis na kami." Pagpapasya ni Link at tinanguhan ako. Sinabihang sumang-ayon ako sa kaniya.

Hindi na ako nagsalita, tumayo na rin ako. Papunta na sana kaming main door nang bigla ulit magsalita si Phryx.

"I heard you two earlier, pinag-uusapan kung sino ang naglagay ng sex drugs sa inumin ni Thrizel." Tumayo siya at nagpamulsa sa amin. Tamad itong nakatingin, halatang sinusubukan kami.

"Labas ka na ro’n." Sabi ko sa kaniya at muling tumalikod pero napahinto na naman ako.

"Paano kung ako?" Sabay kaming napatingin dito ni Link. Nakangisi siya ng nakakaloko, halatang nang-aasar. "Ako na mismo ang lumalapit, hindi ba kayo naniniwala? Yes, I put sex drugs in Thrizel's drink, I enjoyed it."

Lalapitan ko sana ito para sapakin ngunit bigla akong pinigilan ni Link. Naiinis ako sa kaniya. "Enjoy?!" Gusto ko siyang sigawan at pagsapak-sapakin dahil naiirita ako sa pagmumukha niya. "Nakakatuwa bang halos mawala na si Thrizel sa kaniyang sarili! Because of that fucking sex drugs she confessed her feelings to her brother! Matalino kang tao, Phryx, sana naisip mo kung anong kakahinatnat no’n pero bakit sa parteng ‘yon? Sobrang bobo mo! You messed up Thrizel’s life!"

"Masyado kang naiinis sa akin, Dominic. You should thank me dahil hindi na nahihirapan si Thrizel for her feelings, right?" Bumuntong hininga ito at napailing-iling.

Binitawan ako ni Link, kalmado itong nagsalita. "That’s not the point, wala kang alam sa magkapatid, Phryx. Simula nang mangyari ang gabing ‘yon, nag-iba ang pakikitungo ni Thrale kay Thrizel, alam mo naman yata kung bakit lumayas si Thrizel, ‘di ba? Thrale hurt her, very much. She wanted to be alone kaya walang enjoy doon. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Thrizel, malalaman mo kung anong pinupunto ko. Para kang si Thrale, makasarili."

Thrizel’s POV

Gabi na, mag-isa ako rito sa sala, nagcecellphone. Maya-maya na ako aakyat sa taas dahil wala pa naman si Thrale. Nagkukulong ako sa kwarto kapag nandidito siya, wala pa si Link, kanina ko pa rin siya hinihintay.

"Thrizel, are you hungry? Let’s eat. Mukhang mamaya pa sina Thrale at Lake uuw—"

"I’m here."

Napatingin kami sa pinto. Nakita ko si Thrale, ang mga tingin niya ay dumiretso kay ate Anissa. Tatayo na sana ako ngunit umupo si Thrale sa aking tabi. Agad siyang nilapitan ni ate Anissa para bigyan ng tubig.

"Are you tired, hon? Kain na tayo." Rinig ko pang sabi ni ate. Ang tingin ko ay nasa selpon lang. Nakikinig lang ako sa kanilang usapan.

"I saw you, malamang ay hind—" Para hindi na iyon marinig. Tumayo na ako ng walang pasintabi.

"Thrizel."

Rinig ko pang tawag sa akin ni ate Anissa ngunit hindi ko na nilingon pa. Dire-diretso lang akong papuntang kwarto, hinawakan ko ang aking doorknob. Bigla akong nagulat dahil may isang kamay na pumatong sa kamay ko. Agad akong humarap kung sino ‘yon, ngayon ko lang nalaman na nakasunod pala si Thrale sa akin. Mukhang tumakbo siya dahil hinihingal ito.

"Anissa called you many times, kumain ka na." Naiilang ako dahil ang lapit ng katawan niya sa akin. Kinakabahan din ako baka kung anong mangyari.

Hindi ko siya pinansin, tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Hindi ako nahirapan kaya nakapasok na ako sa kwarto. Akala ko titigilan niya na ako pero hindi, sumunod siya at sinarado pa ang pinto. Hindi ko alam kung anong gusto niya pero kinakabahan ako, baka kung ano-ano na naman ang sabihin niya.

"I’m sorry." Iyon ang unang lumabas sa kaniyang bibig. Hindi ako nagsalita. "Thrizel, I’m really sorry for what I did." Hindi muli ako umimik. "Babawi ako."

"Hindi ko kailangan niyan." Diretso kong sagot na halatang ikinatigil niya. Seryoso lang ang mukha ko. Gusto kong iparating sa kaniya na desidido ako sa aking sagot.

"Thrizel."

"Hindi ako nanunumbat, nagrereklamo. Mas gusto ko nalang manahimik, Thrale. Sana gano’n ka rin. Kung anoman iyong mga nangyari no’ng nakaraan, p’wede bang hayaan na? Wala kang maririnig na kahit ano sa akin, na kesyo bakit ganiyan ka? Please, Thrale, dumistansya ka naman kahit pansamantala. Gusto ko lang maramdaman kung akong pakiramdam nang hindi naguguluhan."

Magsasalita na sana siya ngunit biglang tumunog ang aking selpon. Sabay kaming napatingin doon, si mom. Tumingin muna si Thrale sa akin bago lumabas. Nakahinga naman ako nang maluwag.

"Hello, mom."

Agad akong ngumiti nang sagutin ko ang video call. Ilang araw ding hindi nakatawag sa akin ang aking nanay, halata namang abala ito kaya hindi na ako magtataka. Gusto ko ay dito nalang sila ulit pati sila dad, namiss ko na kumpleto kaming pamilya.

"Kumusta ang anak ko?" Naglalambing ang boses ni mommy.

Muli akong ngumiti. "I’m okay po."

Ang natutuwa niyang mata ay biglang nagseryoso. Hindi ko alam kung anong nahalata ng aking nanay. "Thrizel, what’s your problem? Ngayon ko lang ulit nakita ang mga mata mong ganiyan. May problema ba, baby?"

Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Napayuko ako at iniisip kung sasabihin ko ba. May tumulong luha na rin sa aking mga mata. Ngayon nalang ulit ako natanong ni mom kung anong problema ko. Ngayon ko nalang din nakita ang nag-aalala niyang mukha.

Pinunasan ko ang aking luha at ngumiti sa kaniya. "I’m always okay here, mom. Medyo pagod lang po ako. Namimiss ko na rin po kasi kayo."

Mukha namang nakumbinsi ko siya. "If you have a problem, just call me, okay? Hindi ako magdadalawang isip na umuwi riyan. By the way, kumusta kayo ng kuya mo?"

"Ayos din po, hindi naman po niya ako pinapabayaan. Kung anong protective niya sa akin dati, gano’n pa rin po ngayon."

"Mabuti naman, ayaw na ayaw ka no’ng nasasaktan."

Mukha nga po.

Itutuloy...

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now