Nilingon nito ang katabi nitong si Rasmus.

"Siya nagdala sa akin dito matapos niyang ihatid 'yong grocery para sa akin. Inimbitahan niya akong sumama para dito mag-dinner."

Nagsalubong ang kilay ni Dessert at sinulyapan si Rasmus na hindi niya mabasa ang reaksiyon habang kandong si Vegas.

Walang grocery si Samae ngayong araw, ah?

Nahagip ng mata niya ang patago na tinginan ng mga lalaki at pinipigilang ngisi.

Sumimangot siya saka nagtaas ng tingin kay Pyr at sinamaan ito ng tingin.

Pyr shook his head, silently telling her that he know nothing about it.

Dessert sighed and sneered at Rasmus. Hindi siya matatakot sa sanggano na 'to pag may kagaguhan itong ginawa sa kaibigan niya.

"I'm glad you went with uncle Rasmus, ninang. I've been wondering when I will see you again. You never visit," ani Vegas.

Tumikhim ang kaibigan niya at nakita niya na hindi nito alam kung paano magpapaliwanag kay Vegas.

"Son, your ninang was busy looking for a job, that's why she has no time to drop by to see you," Pyr explained while messing Vegas' hair, saving her friend.

Nginitian niya si Vegas at hinawakan ang kamay ng kaibigan niya.

"Hiramin ko muna ninang mo V. Usap lang kami."

Pinandilatan niya si Rasmus ng sinundan nito ng tingin si Samae ng tumayo ito. Salubong ang kilay nito at parang hindi natutuwa na lalayo si Samae.

Siraulo 'tong sanggano na 'to, sa lahat ba naman ng babae si Samae pa. Tch!

Niyaya niya ang kaibigan sa hardin. Naupo sila sa bangko saka parehong sumandal sa mesa.

"Pasensya ka na at mukhang nalulungkot si Vegas dahil sa akin," wika ni Samae.

Dessert sighed. "Ano ka ba, hindi nalulungkot si V. Nagtataka lang at siguro gusto niyang mapalapit sayo at mapasaya ka. Hindi mo naman kasi matatago ang lungkot mo kay Vegas lalo na at alam niya may parte sa puso niya na galing sa anak mo."

Yumuko ang kaibigan niya saka pinaglaruan ang kuku nito.

"Ang sakit... natatakot akong mapalapit sa kanya, Dess. Baka masyado ko siyang mahalin at ituring na anak dahil lang sa dala niya ang tanging parte ng anak ko na hindi pa naaagnas."

Umawang ang bibig niya sa narinig. Dessert sadly embraces her friend, holding her trembling hands.

"Ayos lang sa akin, Samae..."

Umiling ito. "Ayoko... kailangan kong matanggap na wala na siya at ayoko mapalapit kay Vegas dahil sa gusto kong pagaanin ang sakit sa dibdib ko at isipin na may parte pa sa anak ko ang nasa iba."

Napapikit si Dessert.

"Wala na siya, Dess... I should try to accept it and move on. Sa ngayon, siguro masakit pa makita si Vegas pero darating ang araw na pagnakita ko siya, saya lang ang mararamdaman ko sa kadahilanan na buhay si V dahil sa anak ko."

Malungkot siyang napangiti dahil sa sakit na nasa boses ng kaibigan niya.

"Ipapanalangin ko iyan, Samae..."

Ilang sandali niyang hinyaan itong umiyak. At nang tumahan ang kaibigan ay nagtanong ito.

"Kumusta na ang balak mong pagbawi kay Rouen?"

Malalim na bumunot ng hininga si Dessert at tinanaw ang bulaklak na paborito niya.

"Tutulungan ako ni Auri. Pinahiram niya ako ng pera, ibibigay niya lang sana kaya lang malaki ang dalawang milyon para lang tanggapin ng ganoon kaya babayaran ko siya-"

Pyrmont CrownWhere stories live. Discover now