Chapter 24

24.5K 805 89
                                    

"GOOD NIGHT, Dess."

Nakipagbeso si Dessert kay Kalisz at Auri nang makalabas sila ng Ravage bar. Sina Kronack, Rage at Pyr naman ay nagtapikan sa dibdib.

Nang bumaling sa kanya si Kronack ay niyakap siya nito. "Good night, Dess. Take care of my brother."

Mahina siyang natawa at tinapik ito sa balikat. "I will. Ingatan mo si Kalisz."

"Always," sagot nito bago lumapit kay Kalisz at iginiya na ito paalis.

"Be patient with my brother here, Dess. Say my good night to Vegas if he happen to be up and running," wika naman ni Rage matapos siyang yakapin.

"Sige. Good night sa inyo."

Kumaway si Auri at Rage at nang makalayo ang dalawa ay binalingan niya si Pyr na halatang nakainom dahil sa pamumungay ng mata nito.

Siya naman ay uminom din pero hindi iyon sapat para makaramdam siya ng hilo. Pero ramdam niya na ang antok.

"Ako na magmamaneho Pyr," wika niya saka inabot ang kamay nito.

"Are you not cold?" he asked, draping his arm around her shoulder.

"Medyo." Niyakap niya ang bewang nito habang naglalakad sila palapit sa kotse nito. "Wala ka bang trabaho bukas at medyo naparami ka ata ng inom Pyr?"

"I have," he acknowledged. "But I'll be fine."

Dessert hummed in response and didn't ask any questions again. Hanggang sa makasakay sila ng kotse nito ay tahimik sila. Siya ang nasa likod ng manibela dahil ayaw niyang magmaneho ito gayong nakainom ito. Hindi naman ito nagmatigas at binigay lang ang susi ng sasakyan.

"No holding hands, Pyr," wika niya nang ipinatong nito ang nakabukas na kamay sa hita niya nang makalabas na sila ng parking lot ng Ravage bar.

Hindi niya kayang magmaneho ng sasakyan ng hindi nakahawak ang dalawang kamay sa manibela. She is far from being a good driver.

"Can I hold your legs?" tanong nito pero nakalapat na ang kamay nito sa isang hita niya, malapit sa tuhod.

Umirap siya pero may ngiti sa labi niya. "Hawak mo na Pyr."

"Can I move it..."

Binigyan niya ito ng mabilis na tingin. "Hindi Pyr at huwag ka makulit baka mabangga tayo."

Sa sinabi niya ay tumigil ito at tumahimik. Ilang minuto ang lumipas ay muli itong nagsalita.

"Hon, I'm sorry for getting drunk," paumanhin nito.

Bumitaw ang isa niyang kamay sa manibela at pinisil ang kamay nitong nasa hita niya saka mabilis din iyong ibinalik sa manibela

"Ayos lang Pyr. Hindi ka naman lasing eh, nakainom lang."

"Sorry also for failing to change my old habits and attitude—"

"Ano ka ba Pyr," putol niya dito. "Minahal kita noon sa kung anong ugali meron ka. Hindi mo naman kailangan magbago eh." Lumunok siya bago sinabi ang nag-iisang bagay na ayaw niya na ulit pa gawin nito. "Huwag mo lang ulit ako iwan Pyr, kahit iyon na lang ang huwag mong gawin ulit."

Ilang sandali itong natahimik bago niya narining ang pagbuga nito ng hangin.

"I'm really sorry hon for failing you. Promise hindi na kita ulit iiwan."

Tipid siyang ngumiti. Ayaw niyang panghawakan ang pangako nito muli. Tititignan niya na lang kung magagawa ba nito ang sinabi.

Pagkarating ng manor ay tahimik ang buong lugar. Maliwanag naman dahil sa mga ilaw at may ilang nakaitim na mga lalaki siyang nakita.

Pyrmont CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon