Chapter 3

22.2K 764 103
                                    

HUMIGPIT ANG hawak ni Dessert sa doorknob ng makita si Pyr. Bumilis ang tibok ng puso niya hindi lang dahil sa nandito na naman sa harapan niya ang lalaki na alam niyang laman parin ng puso niya pero dahil sa takot na baka magising si Vegas at magkita ang dalawa.

Kung maari ay ayaw niyang magkita at magkakilala ang dalawa ng ganito kaaga. Kung pwede lang ay pag may trabaho na siya. Para naman pagnaisipan ng manlolokong ito na manggulo ay may pera siya.

Sinuyod niya ang anyo nito. He's not wearing his suit this time but just a simple but visibly expensive casual wear. Polo shirt, knee-length shorts and a pair of sneakers.

Gara nito samantalang si Vegas ko...

Dessert huffed slyly. Whatever. Pagnagkatrabaho siya dito mabibilhan niya rin si Vegas ng magandang damit.

Mabilis siyang lumabas ng silid at maingat na isinara ang pinto at may bahid na inis at galit na sinipat ang lalaki na hindi niya alam kung bakit nasa harapan ng silid nila ng anak niya.

How did he know anyway that she's here? Is he following her?

"Anong kailangan mo at bakit nandito ka?" tanong niya dito. "Pwede ba umalis ka. Distorbo at panira ka ng gabi," dagdag niya.

Pinigilan ni Dessert ang sarili na ipihit ito at itulak papunta sa elevator para lang mawala na ito sa paningin niya. O 'di kaya ay itapon niya na lang ito sa bintana.

Dessert left brows lifted when the man looks like he's not listening at all and his eyes went from her face down to her legs.

Wala tuloy sa sarili na nahila niya pababa ang umaabot lang sa gitnang binti niyang roba na suot.

Tang'gago talaga ng isang 'to mangsisiyasat pa ata sa itsura ko!

"You shouldn't open your door wearing only a piece of clothing," anito na nagpapantig ng tenga niya.

"Excuse me, but I'm wearing good covers and it's not your damn business whatever I wear," she spat.

Marahan siyang sumagap ng hininga para pakalmahin ang kumumulo niyang dugo para lang din mapairap ng nanuot sa ilong niya ang pabango nito na tandang-tanda niya pa. Pero may halo itong amoy ng alak.

Tch! Pati pabango hindi nagbago pati ugali siguro nito hindi. At anong ginagawa nito dito gayong mukhang nakainom ito. Hindi ito lasing tignan pero sa pamumungay ng mata nitong malamig kung makatingin at namumula nitong leeg ay hindi maikakailang uminom ito.

"Anong bang kailangan mo at nandito ka? 'Wag mong sabihin nandito ka lang para tignan ano suot ko?" sarkastiko niyang tanong dito.

Gumalaw ang labi nito at mas lalong naglapat. Ang kilay nito ay lalong nagsalubong. If look could freeze, Dessert is certain she's already ice-cold by now.

Ang sarap talagang ihambalos ng ama ni V. Ito pa may ganang tignan siya ng malamig siya na nga naagrabyado. Pag si Vegas talaga nagloko at lumaking katulad nito na manloloko ng babae talagang isasako niya ang anak niya kasama na 'to at ibibitin niya ang dalawa.

"I'm here to give you this," malamig nitong saad at inilahad ang isang sobre.

Dessert frown and didn't take the envelope.

"What is that?" she asked, worries creeping her heart.

Baka cheke na iyon kapalit si V. Tulad ng mga nababasa niya minsan noong lubog pa siya sa pocketbook; pera kapalit ng anak.

But no. Pyr doesn't know Vegas. So it's very unlikely.

Besides, Vegas is hers. Dugo, pawis, luha at kalahati ng puso niya ang ibinigay niya sa anak niyang iyon. Magkamatayan na sila ni Pyr pero hindi nito makukuha ang tanging pinagkukunan niya ng lakas ng loob at pilit na bumubuo sa puso niyang wasak. Pagnawala si Vegas sa kanya baka mabaliw na talaga siya.

Pyrmont CrownWhere stories live. Discover now