"I was there on your mom's journey with your dad. Ang hirap no'n, anak. Noong naabutan ko ang mommy mo...almost damn naked. Pakiramdam ko, makakapatay ako para sa kaibigan ko. Dahil feeling ko, huli na ako, na wala akong kwentang kaibigan. Akala ko iyon lang...Walang kwentang Ninong din pala ako..."

Nabasag ang kanyang boses at napayuko na lang ako sa pag-iyak. Hindi ko man nakita ang lahat ng iyon noon, pero nakita ko kung gaano nawasak si mommy.

"Wala akong kwenta...dahil alam kong mali ang ginagawa mo, pero hindi kita mahindian, Lana. Para na kitang anak...at kahit masakit sa akin itong ginagawa mo sa sarili mo...Susuportahan kita.." huli niyang sabi at nang hinarap niya ako basa na ang kanyang mga mata.

"T-Tito..." my voice broked.

It pained me more looking at him. Kung ganito na nga si Tito Marky, paano pa kaya ang mga magulang ko?

Lumapit siya sa akin at naupo sa gilid ng kama. Malungkot siyang ngumiti sa akin at marahang inayos ang buhok ko.

"Ang talino mo, Lana. Pero nakaka bobo ang pag-ibig ano? Kahit alam mong mali, susugal ka. Dahil sa tingin mo, sasaya ka, na makukonteto ka..."
mataman niyang sinabi at sapol na sapol ako doon.

"Pero ito ang tatandaan mo, Lana. Ang pagkakamali ay hindi maayos sa paggawa ng isa pang bagong kamalian...Pero kahit ano pa man, nandito lang ako. Sasamahan kita."

I hugged Tito Marky immediately dahil hindi ko na kinaya ang sakit sa loob ko. All his words might be right. Gagawin ko 'to dahil sa paghihiganti dahil sa tingin ko, kapag hinayaan ko lang silang maging masaya...maiiwan ako. Maiiwan akong talunan at luhaan.

I woke up very late. Alam ko iyon dahil nag-iiba na ang kulay ng araw. Nang tingnan ko ang digital watch sa may side table ay nalamang magtatanghali na.

Masakit ang katawan ko...lahat pati kalooban ko. Nagugutom na rin ako at kailangan ko nang bumangon. Hindi pwedeng umiyak na lang ako nang umiyak. Marami pa akong gagawin..

I took a good bath para ma kalma ang sarili. Or at least I think the water would ease a little bit pain from me.
I'm alive, I know. But I'm dead on the inside.

Nang makapagbihis, nakita ko ang kaibahan sa may gawing tiyan ko. I looked like 2 months old pregnant. I can't decide kung kailan ko gustong ipatanggal ang isang cyst sa loob ng ovaries ko. Aside from blocked tubes, I got cyst.

Hella fun life.

Paglabas ko sa kwarto ay nagulat akong nakita si Mike na nakatayo sa harap ng pinto. Hindi nakatakas sa akin ang pasa sa labi niya. Pero hindi ko na pinansin pa iyon. At nandito siya?

Oh, yes. Nakalimutan mo ba, Lana? Na gusto mong sa'yo siya uuwi? Ito na, o. Welcome to the mistress world.

Nilagpasan ko lang siya at bumaba na. Naramdaman ko namang nakasunod siya sa akin.

"I...I cooked breakfast...and lunch. Hinintay kitang magising..."

Sabi niya pero para akong walang narinig. Bakit? Ano'ng gusto niya, magpasalamat pa ako?

Indeed, I saw the food at the table at naupo na roon. Pumunta siya sa harapan ko at kinuha ang mga takip ng pagkain. Hindi ko siya magawang tingnan. Pero alam kong sa akin nakatuon ang titig niya.

"Iinitin ko lang...M-May gusto ka bang kainin?" aniya at walang gana akong umiling. Hindi pa rin siya tinitingnan.

Ininit niya ang pagkain ko at naglapag rin siya ng broccoli soup. Sinimulan ko na agad ang pag-kain at huli niyang nilagyan ng isang basong tubig sa gilid ko.

"How...are you feeling?" he hesitantly asked.

I gave him a disbelief look. Ano sa tingin niya ang nararamdaman ko ngayon at kailangan niya oang magtanong?

The Mistress Where stories live. Discover now