Trochaic53~ Recognition Day

77 1 0
                                    

Andy's POV

Sa dami ng nangyari, halos hindi na namin namalayan na recognition na pala.

Hindi naman kami OA, syempre alam namin na recognition na pero we're still dazed about the fact na sinampal ko si Cheska.

Hindi ko naman kasi sinadya na gawin yun sa kanya. Eh kaso hinamon na niya ako eh. Magpapatalo ba naman ako? Tsaka, kaibigan ko na yung nadadamay.

Kaya ayun, wala kaming kibuan simula nung pagstart ng program.

Katabi ko si Nikko. Top 7 kasi siya eh, ako Top 8. Saklap lang dre. Pero okay na din yun. At least nakapasok sa Top 10.

Sa kalagitnaan ng speech ni Kuya Paolo (alumni ng school), eh kumuha siya ng papel sa bulsa niya.

"If I crumple this 1000 peso bill, may halaga pa ba to?" -Kuya Paolo

"Oo" -Kaming lahat

"Eh paano kung aapakan ko? May halaga pa ba to?" -Kuya Paolo

Okay aaminin ko, medjo kumurot yung noo at puso ko nung inapakan niya yung 1000. Litse 1000 yun, pambili na ng gamit.

"Oo." -Kaming lahat

"Kaya nga, kahit anong gagawin ng ibang tao sa inyo, apakan man kayo o hilain man kayo pababa may halaga pa rin kayo kahit anong mangyari." -Kuya Paolo

Tumango kaming lahat, pero sa mga sumunod na pangyayari eh halos hindi na kapani-paniwala.

"Sinong may gusto ng 1000? Ibibigay ko to, seryoso."

LITSENG TUTA NAMAN 1000 PINAMIMIGAY NA PALA NGAYON.

Binago na?

Hindi ako tumayo, kasi sinabi ko sa sarili ko na play money lang yan.

Nakita kong tumayo agad si Nate nung itanong yun ni Kuya Paolo.

"Seryoso ako. In 3 seconds na wala pang pumunta rito hindi ko to ibibigay." Sabi ni Kuya.

Eh wala pa ngang 3 seconds may umakyat na eh.

Si Nate.

"Nice! Anong pangalan mo?" -Kuya Paolo

"Nathaniel." Simpleng sagot ni Nate.

Nag smirk ako. Eh pwedeng Nate lang naman eh.

"Congrats Nathaniel! Pwede ka nang bumaba."

Anlapad ng ngitu ng polar bear. Ha! Palibre ako mamaya. ;)

Ay ang bad ko. Haha.

***

"Ma, magde-date kami mamaya." Sabi ko kay mama. Haaaaaay sa wakas tapos na rin!

Magbunyi tayo!

Kaso 4th year na kami. Eh syempre hindi maiiwasan na maging malungkot kami kasi nga isang taon na lang.

"San kayo kakain? O eto, umuwi ka ng maaga ha?" Binigyan ba naman akong 300, wewsk. Bwaaahahahahaahahah!

"Thank you ma." Hinalikan ko siya sa pisngi. "Ingat kayo pauwi."

Lumakad siya palayo.

"Andy!"

Lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Si Ryan.

"Samahan mo muna ako."

Kumunot yung noo ko. "Ha? Saan?"

"Sa room natin. May kukunin lang ako."

Hindi pa nga ako nakasagot eh hinila na ako.

"Uy! Teka lang." Sabi ko sa kanya.

Nung pumasok ako sa kwarto, walang tao syempre. Lahat sila nasa baba.

"O anong kukunin mo?" Tanong ko habang hinahalungkat niya yung locker niya.

Tiningnan niya ako, sabay ngiti. Anong plano neto sa buhay niya, bakit parang nababaliw na ata to?

"Gusto mong mag CR?" Tinulak niya ako papunta sa CR, dahilan para magwala ako ng bahagya.

"Teka! Hindi ako mag-c CR!"

"Alam kong naiihi ka na kaya mag CR ka!" Pinasok niya ako sa CR tsaka pinag-sarhan ako ng pinto. "Masama ang hindi umiihi!" Sigaw niya galing sa labas.

Gentleman ba siya o nananadya na talaga?

Okay medjo naiihi nga ako, pero naririnig ko si Ryan sa labas na may kausap.

"Oo, papuntahin mo na rito. Dalllliiiiiiii bilisan mo!"

Ano kaya yun?

TrochaicWhere stories live. Discover now