Trochaic19~ Almost...

57 2 0
                                    

Andy's POV

AAYYYYYYYYYYY HARUJUSKO.

Salamat at natapos din kami sa pagpractice.

Napatawa ako ng mahina nung nakita kong nakahinga ng maluwag si Nate.

Awwww. Makakauwi na si polar bear.

Polishing nalang bukas. Syempre pag gusto mong manalo eh, kailangang ayos lahat.

"Oi guys. 9:30 bukas dapat andito na ha. Walang late. Ang late may punishment." Sabi ko habang nag-aayos ng sarili ko.

Ah. Bahala sila. Kung gusto nilang manalo tiisin nila yung hirap para manalo.

"Grabe. Walang allowance? Tsaka ano yung punishment?" Tanong ni Mark.

Napa-shrug ako. "Di ko alam. Pag-iisipan ko pa. Hala. Magsi-layas na tayo."

"Oi Chum." Tawag ni Kate.

Pinuntahan ko siya. Siguro hindi naman maganda yung gabi niya. Halata naman eh.

"Oh ano naman?" Hay. Love ba naman to? Buset ayoko na.

Nagkita yung noo tsaka yung palad niya. "Naiinis ako sa kanilang dalawa."

"Ha?" Kanino ba naman to?

Tiningnan niya ako. "Kay Neik tsaka kay Mark." Taoos bigla siyang tumayo.

Di ko alam yung gagawin neto, pero ge. Sakyan nalang.

"Kung gusto niyong manalo, tiisin nyo. Tapos ilagay niyo sa tama yung gagawin niyo."

Woah. *clap* *clap*

Tapos nagsalita siya ulet.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon napag-bibigyan kayo."

***

''Okay ka lang ba? Parang pagod na pagod ka na ah.'' Tanong ni Nate. Awwwwww. Ang caring polar bear.

Napa shrug nalang ako.

Medjo. Pagod ako sa pagsasayaw.

Pagod ako sa mga nakikita ko.

Pagod na ako sa mga nararamdaman ko.

Naiinis na talaga ako. Sobra. Ni hindi nga niya kinamusta si Autumn eh.

Siya dito, siya doon. Siya nalang lahat.

''Andy tinatanong kita.'' Napatingin ako sa kanya.

''Oo ayos lang ako. Pagod lang ako siguro.''

''Mmmm. Weh? Dahil sa o dahil kay?'' Tanong niya habang tinutulungan akong linisin yung kwarto.

Teka. Mind reader ba tong polar bear na to? Bakit alam niya yung nararamdaman ko?

Napabuntong-hininga ako. ''Dahil kay.''

He made a 'tsk tsk' sound. ''Ate Faye?'' Buset. Manghuhula to eh!

Tumango ako ng mahina. ''Pero ayokong pag-usapan. Nakakainit ng ulo. Baka kung ano pa yung masabi ko.''

Pag nagagalit ako, napaka-straightforward kong tao.

Wala akong pakialam kung masasaktan ka.

Wala akong pakialam kung magagalit ka saken o magtatanim ka ng galit saken dyan sa puso mo.

Wala akong pakialam kung mas matanda ka pa saken.

Pag galit ako sa yo, galit ako.

Wala kang magagawa dun.

''Hey, stop thinking about it.'' Pa burger ka Nate. English yun ah. ''Ang lalim na ng iniisip mo eh.''

Panong hindi lalalim yung iniisip ko eh ikaw yung nag-open ng topic na to? Tae lang.

''Tse. Ikaw yung nagsimula ng usapan eh. Tae lang.''

He groaned. ''Ayan ka na naman sa 'tae tae' mo. Lahat nalang sabihin mo sana wag lang yung tae.'' Tsaka sya tumawa ng mahina.

I rolled my eyes.

''Uy.'' He chuckled softly. Shet matutunaw ako neto.

And what he did next ALMOST MADE ME LOSE MYSELF.

He back-hugged me.

''Kalma lang.'' Bulong niya.

''Ikaw parin naman yung gusto ko kahit ano pa yung sabihin mo eh.''

TrochaicWhere stories live. Discover now