Trochaic16~ Badtrip Overload

54 2 0
                                    

Andy's POV

Nakita siguro ni Tom kung ano kadilim yung expression ko nung makita kong parating si Faye.

Naramdaman niya rin siguro kung gaano na ako naiinis dahil dinala niya pa yung buong grupo.

Ano to? Pati yung grupo namin idadamay niya? Wew. Galing mo kas ah.

Nang umupo sila sa bench, pinat ni Faye yung ulo ko. Lumigon ako kay Tom para makiusap sa kanya.

'Alisin mo ako dito. Kausapin mo muna ako.' I mouthed those words to her.

Tumango naman siya at nagsalita. "Sandali lang ha. Babalik lang kami. Pupunta lang ako sa CR." Tsssss. Galing neto magpalusot.

Nauna akong maglakad kay Tom. Naiinis ako.

Nang makarating kami sa CR, tinanong niya kaagad ako.

"Ano ba kasi yung problema mo? Teka magsi-cr lang ako."

Okay. OA na kung OA.

Pero ilang beses ko nang sinubukan na huwag akong pag-unahan ng galit ko dahil lang sa ganitong bagay. Pagod na rin ako.

Minsan nga naka-engkwentro ko na si Neik dahil sa pagiging OA niya tuwing kasama niya si Mark. Hindi na ako nakatiis eh. Nakakainis na.

"Anong problema ko? Tanong mo kay Faye." Okay. Aaminin kong napipikon na ako.

"Talaga?" Sagot niya habang nasa loob siya ng CR. Maririnig naman yung boses niya pag kinakausap namin yung isa't isa eh. So no worries.

"Talagang talaga. Huwag na kaya tayo bumaba? Nakakainis dun eh. Baka magwala ako dun ng di oras." Buset lang. Nakakainis. Gusto kong makapatay! Buset lang.

Lumabas na siya sa CR. Tsaka niya ako hinila pabalik dun sa canteen.

Hay. Pagkita ko palang sa kanya kumukulo na yung dugo ko.

Hindi ako magagalit kung wala akong rason.

Nagagalit ako dahil hindi ko gustong masira tong grupo na to.

Sana naman i-balance mo yung oras mo sa kaibigan mo tsaka sa lalaki mo. Hindi na lahat nalang ng atensyon dun sa kanya.

Ni lunch nga hindi ka na sumasabay samin eh. Maganda ba yon?

"Kalma lang. Kaya natin to." She gave me an encouraging nod. Tsaka kami tumabi sa kanila sa bench.

Eto yung ayaw ko eh. Yung pinipilit ko yung sarili ko na magiging maayos to, pero inuunahan ako ng galit ko.

"Kas. Kausapin mo ako." Pakikiusap niya saken.

"Wala tayong dapat pag-usapan. Pupunta na ako sa classroom." Anla eh. Badtrip ako. Ganyan ako makipag-usap pag badtrip ako.

"Kas." Hinawakan niya yung kamay ko. "Galit ka?"

Sa susunod na magtatanong ka? Siguraduhin mong hindi mo alam yung sagot.

I jerked her hand off. Tsaka ako sumagot.

"Ano sa tingin mo?"

***

"Baket ba kase galit ka sa kanya ha?" Hay. Letse lang paulit-ulit ka ah.

Wala. Pag galit ako galit ako. Walang aangal dun.

Simple lang yung sagot ko. "Ayokong masira yung grupo na to."

Napa shrug nalang si Neik. "Eh hindi niya naman sinisira ah."

Talaga? "Eh? Paki explain nga kung baket sya nalang palagi yung kulang pag kasama tayong lima." Buset lang.

"Madami lang syang ginagawa." Depensa niya.

"Madami din akong ginagawa ah. Marami tayong ginagawa. Ganun na ba talaga kahirap lapitan yung kaibigan mo para kumustahin man lang yung araw mo?" Pigilan niyo ako. Magwawala ako rito ng wala sa oras sa ginagawa ni Neik eh!

Napayuko siya. "Hinde."

"Eh yun naman pala eh." Bumuntong-hininga ako. "I'm not blaming anyone, nagtatampo lang ako sa mga taong wala nang oras para sa mga taong nandyan lagi para sa kanila kahit anong mangyari. Sila nalang yung bahala na mag-isip kung mahalaga pa yung mga taong yun para sa kanila."

"Chill lang Andy. Kaya pa naman natin to diba?" Tanong niya saken.

Teka, asan si Tom? Siya dapat yung kausap ko ngayon eh. Isa pa si Neik. Buset.

Hinanap ko siya sa kwarto. My eyes accidentally landed on those two. Sino pa ba? Si Faye tsaka si Van.

Sino yung katabi nila?

Si Tom lang naman.

'Wag niyong idamay yung Kapid ko. Humanda kayong dalawa saken.

"Tom." Tinawag ko siya. Ayokong madamay siya sa ginagawa ng iba na di maganda. "Lika nga rito. Tulungan mo ako."

Aangal pa siya sana. Pinutol ko na.

"Huwag nang umarte." Tsaka siya tumabi sakin sa upuan.

"Sa susunod, tingnan mo yung katabi mo. Kung feeling mo na O.P ka, umalis ka. Hindi nakabubuti sa sarili ang nao-O.P." Pagsermon ko sa kanya.

TrochaicWhere stories live. Discover now