Trochaic17~ I'm Here

48 2 0
                                    

Nathaniel's POV

"Grade 8 may kailangan lang akong i-announce." Panimula ni Ma'am.

Ha?! Project na naman ba to? Maygudnes. Huwag naman sana. Sawang-sawa na ako sa mga projects na yan. Lalo na kapag may kinalaman sa video editing.

"Sa Friday afternoon wala kayong klase." Pagkatapos niyang sabihin yon, naghiyawan yung mga kaklase ko.

"Baket po Ma'am? Anong meron?"

"Oo nga Ma'am!" Hay. Tatapusin ko na nga lang yung ginagawa kong poem.

"Hep! Ang iingay niyo! Isa isa lang." Nako Ma'am. Pagpasensyahan mo na po sila kung parang machine gun yang mga baba nila.

"P.O kase ng Grade 9."

HA?! ANO DAW?!

Agad naman akong napatingala dahil sa narinig ko.

"Ahsus. Yan naman tayo. Okaaaaay Naaaaate. Okaaaaay."

Eh. Nagtatanong lang naman eh. Tse. Tumahimik kayo.

Bumalik nalang ako sa ginagawa ko. Ayoko ko namang ipahalata na may nangyari nang aminan.

Ma'am cleared her throat. "Wala kayong klase dahil gusto kong manood kayo ng P.O nila."

Ano daw?

Manonood kami ng P.O nila?

"Hiphop yung concept. Gusto ko panoorin niyo yun lahat. 1:30 ng hapon magsisimula yung contest. Thank you Grade 8." And she left with a smile.

Pag-alis ni Ma'am, nagtumpukan yung halos lahat sa kanila.

Ewan, tsismis naman siguro.

"Awtsuuuu!! Contest daw yun! Sino kaya yung mananalo? Tsaka yun na rin daw yung exams nila!" What the?! Tae andaya naman nila.

Sumagot yung isa. "Ewan ko. Basta ako kina Ate Andy ako."

Ay tae. Marining ko lang yung pangalan niya parang hinagisan ako ng piccolo. Peste.

"Oo nga!!! Ang galing niya kase sumayaw eh! Kay Ate Andy ako!" Ahsus. Siya pa. Kaya nga ako nahulog sa kanya diba? Bwahaha.

Lahat sila nag-uusap tungkol sa P.O ng Grade 9 maliban sa isa.

Maliban kay Aus.

***

Inabutan ko silang nagpa-practice sa kwarto nila. Dadalaw lang naman eh. Gusto ko namang siguraduhing mananalo sila.

"Oi Andy!! May bisita ka rito!!! Asikasuhin mo muna!" Sigaw ni Ryan galing dito sa corridor. Kasalukuyan kaming nag-uusap tungkol kay Andy.

Narinig ko yung sigaw ni Andy. "Mamaya! Uunahin ko tong grades ko no! Paghintayin mo yan!" Tsaka siya bumalik sa pagsasayaw.

Aray naman. Tinamaan ako dun ah.

"Mas uunahin mo pa yang grades mo kesa sa mahal mo?!" Sigaw ulet ni Ryan.

Napatigil siya. Pero hindi siya lumingon. Sumigaw sya ulet.

"MAWAWALA DIN YAN! MAS UUNAHIN KO TO!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Nilingon ako ni Ryan.

"IBIG KONG SABIHIN---AHH---MAWAWALA DIN YUNG MUSIC NA PINAGPRACTISAN NAMIN!! PAGHINTAYIN MO NALANG SIYA!"

Ahhhh. Akala ko kase kung ano ang ibig sabihin nun. Buset ka Andy humanda ka saken.

Tssss. "Akala mo kung anong ibig sabihin nun no? Tssss." Tsaka napa-shrug si Ryan.

Tumango ako. "Oo nga eh. Muntik nang lumabas sa dibdib ko yung puso ko sa kaba."

"Awtsuuu!!! Mais pre. Mais."

"Tumahimik ka! Pasok na muna ako." Tsaka ko siya hinayaang manood sa labas.

Napalingon si Ate Kate (classmate niya) saken nung pumasok ako. Tsaka niya tinapik si Andy.

Nanlaki yung mga mata ni Andy. "Oh. Baket ka andito?"

Napa-shrug ako. Di halata? Susuportahan kita no. Arte neto.

"Tssss. Suporta? Baka ganon? Di ko siguro alam." Tsaka kinamot ko yung batok ko.

Inirapan niya ako. Buset lang! "Edi umalis ka."

I smirked. Ang bilis naman neto mapikon. "Biro nga lang eh." Tsaka ko siya nilapitan.

"Andito na ako. Wag mo nang pakawalan ha."

TrochaicWhere stories live. Discover now