Trochaic6~ The Flashback

84 3 0
                                    

Andy's POV

Aish. Nakakainis lang. Buset.

Headache. Baket ba kase ngayon ka pa nagparamdam ha? Ganda na sana nung araw ko.

Eh kasalanan naman kasi nung ikot na ikot na ikot na ikot na yun eh. Yan tuloy. Ang hirap gumalaw.

"Pid asan ka?" Tinawagan ko si Tom. Naiinis na kasi ako eh.

"Ah? Andito sa mall. Malapit sa elevator dito sa ground floor. Pupunta ka? Ge dito lang ako. K bye~" Nagmamadali nyang sabi.

Peste lang.

Inaayos ko yung sarili ko nang biglang may tumawag sakin.

"Hoy Andy may naghahanap sayo." Tinap ni Ryan yung balikat ko.

Makatap naman yung isang to. Ansaket ah.

"Aray. Pwedeng hinaan mo lang yung pagtap mo na yan? Kina-career mo yung pagtap mo na malakas eh." Reklamo ko.

"Oo na. Tama na. Maganda ka na. Puntahan mo nalang kasi yung bisita mo. Hinihintay ka eh. Daliiiiiiiiiiiii!" Ay tae lang. Mapagkakamalan tong bakla minsan dahil sa tono ng pananalita nya.

"Oo na oo na. Sino ba kasi?"

"Seeeeecreeeeeet. Bilisan mo!" Tsaka hinila nya ako papunta sa stairway.

"Aish. Baket ba kase hini---"

Ay buset. Tae lang. Pusang gala. Letseng tuta.

"---la mo pa ako." Pagtatapos ko.

Standing in front of me is no other than the polar bear himself, Nathaniel Young Chase.

"Uhh. Umm, hi." Sabi niya habang nakayuko.

"Hi." Tiningnan ko si Ryan ng saglit. Bigla syang ngumiti na para bang may gusto siyang mangyari. Tsaka to bumalik sa loob para magpractice.

Silence.

Awkward silence.

"Ah. Kelan natin gagawin yung project? Mukhang ah---busy ka kasi." Siya yung unang nagsalita.

Di ko alam kung anong gusto kong sabihin sa kanya. Di ko alam kung gusto ko talagang magmove on.

Pero kelangan na eh. Nasasaktan na ako.

Silence again.

Andameng tumatakbo sa isipan ko. I wanted to vanish into thin air para hindi ako mapahiya sa harapan niya.

He broke the silence.

That word.

"Sorry."

~Flashback~

'Eh anong gagawin ko dyan? Lahat kayo lalaki tapos ako lang dyan yung babae. Tae lang ayoko.'

*message sent*

Nasa ospital kase ako. Kasama ko si mama. Dinalaw namin si lola na kakagaling lang sa operasyon. Hindi ko kasi natiis si lola. Hinahanap daw ako eh. Ano ba naman ang legal na rason para humindi ako?

*1 new message*

'Hindi naman eh. Pumunta ka kase rito. Para mapag-usapan naman natin yung buhay natin.'

Ah? Ano daw?

Eh. Yiie. Medjo kinilig ako ah. Tee-hee.

Sino yung katext ko? Walang iba kundi si Nate.

Pinipilit akong pumunta sa isang badminton court malapit dito sa ospital na kinaroroonan ko.

Eh yung problema lahat sila lalaki dun. Eh kung pupunta ako, ako lang isa yung babae. Baka mapagkamalan akong ummm, you know na.

"Ma. Pwede ba akong pumunta dun? Babalik nalang ako. O di kaya sundan moko ron tapos sabay na tayo papunta sa bahay nina Tita." Suggestion ko kay mama.

Syempre with matching pasmile-smile effect para payagan.

"Oo. Oo. Basta 5 minutes kalang dun ah? Pagkatapos ng 5 minutes aalis na tayo. Itetext nalang kita pag papunta na ako." Yesssssssss!!! Ah yehet!

"Teeeeengkyu ma." Hinalikan ko si mama tsaka sinabihan si lola na magpagaling. Tsaka ako naglakad pababa.

To: Nate

'Oo na. Papunta na ako dyan. Tae kausapin moko pagdating ko.'

*message sent*

Hay tae lang. Baket ba kasi ang kulet neto?

*phone vibrates*

Ah? Talaga lang ah? Ang bilis nyang magreply. Ano kaya ginagawa dun?

From: Nate

'Ah? Yessssssss. Mapag-uusapan na natin yung future natin! =D'

TrochaicUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum