Trochaic21~ Sigawan 101

55 2 0
                                    

Andy's POV

Agad kaming umakyat sa kwarto at dun nagwala.

"Woooooooo!!!! Yeah baby!" Tsaka nag hi-five kaming anim. "Tapos na rin ang lahat sa wakas!!!! Woooooooo!!!!!!!!" Sigaw ni Nikko.

Nakahinga na rin kami ng maluwag sa wakas.

"Yesss! Ay salamat at natapos din. Yehet!!!!!!" Sigaw ko rin. Syempre kailangan din na magrejoice no. Effort namin yun lahat. Nararapat lang yun.

Naupo ako sa tabi ni Nate (kasama siya na umakyat sa classroom namin) at kinausap siya ulet.

Lahat kami nagwawala, pero siya tahimik lang.

"Uy." Tinusok ko yung tagiliran niya. "Ayos kalang?" Tanong ko sa kanya habang ginulo yung buhok niya.

By the way, ang ganda nung buhok niya. Bagay sa kanya.

Malungkot yung mga mata niya pagkatingin niya saken. Pero bigla yung nag-iba.

Bigla siyang ngumiti tsaka yinakap niya ako ng mahigpit.

Nabigla ako sa ginawa niya. Feeling ko siguro namumula na ako. "Congrats Pre! (Pre yung tawagan namin) Proud na pround ako sa 'yo!!!" Nanigas ako. Shet. Nag-iinit yung mukha ko. Tae lang.

Shet. "Salamat. Okay ka lang? Pwede mo na akong bitawan." Hay salamat. Kung hindi pa niya ako binitawan, sana nag-mukhang kamatis na ako.

Tinitigan pa namin yung isa't isa (Tae hindi ko yun kinaya) nang biglang nag-bang yung pintuan namin.

Nagulat kami lahat dun, pumasok si Faye. Nakasunod ai Van sa kanya.

Problema? Mukhang meron nga.

"Yang mga bitter kasi na tao, nakakabwisit lang." Nagsalita siya out of the blue tsaka siya umupo.

Tiningnan niya ako ng masakit. Ewan. Marahil ako yung dahilan. Eh. Anong kasalanan ko?

Wala naman akong sinabi ah.

"Alam mo yun?" Nagsalita ulet siya. "Yung feeling na nananahimik ka tapos bigla-bigla kang guluhin? No kas no?" Diniinan niya yung kas tsaka sya napatingin saken ulit.

Hamunan to ah.

"Anyare sa yo ha? Ba't badtrip ka?" Hindi ko na napigilan yung sarili kong magtanong sa kanya.

"Problema ko?!" Pasigaw niyang sinabi tsaka siya tumayo at lumapit saken.

Sakto rin na dumating yung apat pa naming kasama sa grupo. Siguro nakasunod sa kanya, ewan lang. Di ko alam.

"Anyare?" Tanong ni Ari.

"Labas muna kayo sandali please." Pakikiusap ni Autumn.

Lumabas naman silang lahat ng tahimik pati na rin si Nate, pero si Faye umaapoy sa galit.

Kita mo halos yung usok na nanggagaling sa tenga niya eh. ^_^

"Oh anong problema mo?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Yung problema ko ikaw. Bakit ba kase ang hirap mong mag-intindi ha?! Akala ko best friends tayo!" Sigaw niya sakin.

Nanlaki yung mata ng apat.

"Eh bakit?! Iniintindi mo ba yung nararamdaman ko?!?!?! Ni hindi mo nga alam kung ano yung pinagdadaanan ko ah!!"

Napa-atras yung ulo niya sa sinabi ko. Pinuntahan ako ni Tom para pigilan ako, too late, sinimulan na ni Faye ang lahat.

Faye sarcastically chuckled. "Eh pano ko malalaman kung hindi mo si---"

"Sinasabi sa yo?" I cut her off. "Pano ko sasabihin sa yo kung palaging kayong magkasamang dalawa?! Halos hindi ka na nga nakikipag-usap samin dahil lang sa magkasama kayo ah! Tapos ako pa yung mali?!"

"Pid tama na." Sabi ni Tom.

"So sinasabi mo na si Van yung dahilan kung bakit hindi ako nakikipag-usap sa inyo?!" -Faye

"Wala akong sinabing ganyan." Sabi ko with matching smile ng napaka-sweet.

"Ano gusto mong palabasin ha?! Na ako pa yung mali?!"

Napa-shrug ako. "Sinabi ko na nga. Wala akong sinabing ganyan."

"Please Andy. Wala ka na bang masabi? Ganyan na lang?" Huta hinahamon talaga ako.

"Ah? Gusto mong malaman kung ano yung nararamdaman ko?!" Sigaw ko.

Hindi ko na mapipigilan to.

Tiningnan ko siya. "Desisyon mo yan." I shrugged. "Kaya ihanda mo yung sarili mo."

TrochaicWhere stories live. Discover now