Desidido talaga siyang tulungan ako. Gusto ko talagang makita ang aking pinsan. Iyong sinabi ni dad na patay na si Arella, hindi ako naniniwala. Alam kong buhay siya no’n, ramdam ko.

Tumango nalang ako sa kaniya. "Thanks, bro."

Amiraʼs POV

Nakahiga ako sa aking kama ngayon. Iniisip ang kaibigan ko kung nakauwi na ba siya sa bahay nila. Wala na kami sa Pilipinas, kakabalik lang namin dito sa States. Nandito nga ako sa States pero ang utak ko naman ay naiwan sa Pilipinas. Ang astig ko pala, joke.

Alam na ba ni Kuya Thrale na nawawala ang kapatid niya? Si Link naman ay kalmado pero ano bang magagawa ko? Kun’di ang maghintay at ipagdasal na sana nasa maayos na kalagayan si Thrizel. Minsan tanga-tanga ang babaeng iyon. Bakit kasi wala pang ginagawa si Link? Hindi ba siya nag-aalala? Nawawala na si Thrizel. Para mapanatag, kinuha ko ang aking selpon para tawagan si Link kaso bumukas ang pinto ng aking kwarto.

“Anong kailangan mo, kuya?” Bungad kong tanong.

“Eat first bago cellphone.” 

Hindi pa pala ako kumakain.

Bumuntong hininga ako bago sumagot. “Mamaya na.”

“Ngayon na.” Seryoso ang kaniyang boses.

Wala akong nagawa kun’di ang sumunod sa kaniyang sinabi. Mamaya ko na lang tatawagan si Link. Pumunta na akong dinning area saka kumakain pero wala sa pagkain ang aking isip. Lumilipad talaga. Awooo, joke.

“Ayos ka lang ba, Amira?”

Napatingin ako kay kuya dahil sa tanong niya. Hindi pala namin kasama si mommy dito. Hindi ko agad namalayan.

“Yes, nasaan si mommy?”

“May pinuntahan.”

Tumango ako sa kaniyang sinabi. Mabilis ko nang inubos ang pagkain ko para matawagan na si Link. Nang makarating ako sa kwarto, hindi ako nagdalawang isip na i-dial ang number ng lalaking iyon. Agad niyang sinagot.

“Link, anong balita sa kaibigan ko? Alam na ba ni kuya Thrale?” Pamungad kong tanong.

“Wala pa siya, hindi rin alam ni Thrale.”

Nasaan ka na ba, Thrizel? Bakit hindi ka pa umuuwi?

“Sabihin mo na kaya kuya Thrale. Saka ikaw, ano bang ginagawa mo para mahanap siya? P’wede na kaya itong i-report sa pulis. Nawawala na siya sa loob ng 24 hours!”

“Hayaan mo na si Thrale ang makaalam na nawawala ang kapatid niya. Kilala natin si Thrizel, mas mautak pa siya sa gustong utakan siya. Naalala mo iyong kay Blue? At kay Sittie? Kung may mangyari mang gano'n sa kaniya, alam naman na natin kung anong paraan ang gagawin niya. As her cousin, hindi talaga ako nag-aalala. Kilalang kilala ko ang babaeng iyon.” Mahaba niyang lintaya. Medyo napanatag naman ako pero hindi pa rin. Wala si Thrizel e!

Sa aking inis, pinatayan ko ng telepeno si Link at padabog na umupo sa kama ko. Bakit ganoʼn si Link? Alam kong kilala niya si Thrizel, parang wala siyang pakialam sa kaibigan ko. Alam kong kilala namin iyon pero hindi sa lahat ng oras, gano’n ang kaniyang mindset.

Kung p’wede lang akong umuwi para hanapin si Thrizel ay ginawa ko na pero hindi p’wede. Anong idadahilan ko kay mommy? Hindi ko puwedeng sabihin na nawawala si Thrizel kaya uuwi ako dahil sigurado akong sasabihin niya kay Tita Threa na nawawala ang anak niya. Napabuntong hininga nalang ako at napahilamos ng mukha dahil sa inis.

“Uuwi si Thrizel kung gugustuhin niya, kumalma ka nga riyan.”

Bigla akong nagulat nang magsalita si kuya. Malamang narinig niya ang usapan namin ni Link kaya nalaman niya 

“Paano naman? Namimiss ko na ang babaeng iyon, hindi man lang nagpaalam sa akin na aalis siya.”

“Secret.” May nakakalokong ngiting sumilay sa kaniyang labi. Halatang nang-aasar.

“Kuya, hʼwag mo raw sabihin kay kuya Thrale. Ewan ko kay Link kung anong plano niya sa buhay.”

“I know so calm down. Pagod ka sa byahe, magpahinga ka na at huwag gaanong mag-isip.” Lumabas na siya ng aking kwarto. “Wala akong idea kung nasaan ang babaeng ‘yon, pero sure akong may idea si Brooks. Hindi nahuhuli sa balita ‘yon.”

“But I asked him, hindi niya alam!"

“Naniwala ka naman? Ano bang sagot niya sa ‘yo?”

“Baka raw nauna na si Thrizel mag-States sa akin.”

“See? Alam niya kaya hindi nag-aalala. Nagawa pa ngang magbiro.”

Oh? Bakit hindi ko man lang naisip ‘yon?

Itutuloy...

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now