“Tara na.” Harap nito sa akin.

Tumango ako sa kaniyang sinabi at naglakad na. Gusto kong magtanong kung sino ang babaeng nasa kaniyang wallpaper pero hindi iyon ang importante ngayon. Ang importante ay mapuntahan ko ang sinasabi niyang tinitirhan ni Arella.

Kotse ko na ang ginamit namin papunta sa address na nakuha ni Gio. Habang nagmamaneho ay hindi ko mapigilan ang saya dahil makikita ko siya. Takot din dahil baka hindi niya ako kilala. Baka may galit siya, halo-halo ang nararamdaman kong emosyon habang nagmamaneho.

“Thrale, stop the car.” Seryoso ang boses ni Gio kaya napatingin ako sa kaniya na nagtataka. “Itabi mo na.” Hindi ko na pinatagal pa, tinabi ko na ang sasakyan.

Bumaba ito. Umikot papuntang driving seat kaya napatingin ako sa kaniya. Bumaba rin ako. Sa pagbaba ko, siya ang pumalit sa aking pwesto. Wala akong nagawa kundi umupo sa passenger seat. Pagkapasok, agad niyang pinaandar ang kotse.

“Bakit ka nakipagpalit ng pwesto?”

“Masyado ka kasing excited, ginagawa mong byaheng langit tayo. Ayoko pang mamatay, hindi pa kami nagdadate ng kapatid mo.” Bigla itong humalakhak sa kaniyang sinabi. Baliw.

Napasimangot naman ako sa kaniyang sagot at umiling. Alam ko naman na hindi siya seryoso sa aking kapatid kaya hinayaan ko na siya.

“Matagal pa ba tayo bago makarating?” Tanong ko dito habang nakatingin sa bintana ng kotse.

“Oo, matagal pa kaya kumalma ka.” Sagot niya habang nakatingin sa daan.

Tumingin na lamang ako sa labas ng binata. Abala ako sa pag-iisip hanggang mararamdaman kong tumigil ang kotse kaya napatingin ako sa aking kaibigan.

Niyaya niya akong bumaba. Nauna siyang maglakad, sinundan ko ito. Tumingin ako sa paligid ng aming nilalakaran. May mga taong nakatingin sa amin, may mga bata ring nag lalaro sa paligid. Isa itong village, hindi rin kagandahan ang mga bahay ng mga tao rito base sa aking nakikita. Hindi kalaunan, huminto si Gio sa isang bahay. Napakasimple pero malaki.

“Dito na?” Tanong ko sa kaniya. Tumango naman ito.

Huminga ako nang malalim bago kumatok at tumawag ngunit walang sumasagot pero hindi ako sumusuko. Nakitawag na rin si Gio, natigil kaming dalawa sa pagtawag nang may matandang babae ang lumalapit sa amin.

Nagsalita ang mga ito. “Wala ng nakatira riyan, matagal na.”

Bigla akong natigilan sa sinabi ng babae. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. O sadyang hindi ko lang matanggap dahil hindi ko makikita ang aking hinahanap?

Nagsalita ako. “Sigurado po kayo?”

“Sigurado ako, matagal na akong nakatira sa lugar na ‘to. Mahigit isang buwan nang walang nakatira diyan."

Nagtanong na si Gio. “May alam po ba kayo kung nasaan ang nakatira sa bahay na ‘to?”

“Hindi ko alam, hijo. Hindi ko rin kasi masyadong nakakausap ang nakatira riyan. Isa siyang babae, masyado siyang mahiyain. Hindi nga lumalabas at nagpapakita ng mukha." Bigla akong kinabahan sa sinabi nito. Si Arella kaya iyon? Saan siya nakatira ngayon? Tanging pagbuntong hininga nalang ang aking nagawa.

Arella...

“Tara na, Thrale.”

Naglakad na kaming dalawa. Siya na ang nagmaneho. Ang mga paa ko kanina ay parang ayaw umalis sa harap ng bahay na iyon. Para bang handa akong hintayin si Arella para lang makita sihy.

Hindi ako susuko, I’ll find you.

“Hahanapin natin siya ulit.” Napatingin naman ako sa sinabi ni Gio.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now