Chapter 24

2.8K 85 9
                                    

"Wala nga akong planong masama. I just really want to invite you to my resort before I finally open it."

"Hoy, Zeco! Kahit pa alam kong gwapo ka hindi mo mauuto 'tong kaibigan ko na sumama sayo."

"You can also come. Kahit magsama ka pa ng iba." I raised an eyebrow to Ky when she smiled.

Gusto lang ata niya sumama eh!

Pabebe!

"Stop looking at me like that, sez. Hindi ako marupok. Safety mo pa rin ang iniisip ko." natawa na lamang ako sa kaniya.

What a thoughtful friend tsk.

"Bakit ba gusto mo kaming pumunta sa resort mo? You have so many friends. Why don't you just ask them instead of me?"

This guys keeps coming to my house. Tanghaling tapat pero eto siya at ang daming talak.

"I did. Nakapunta na nga sila eh. This time, gusto ko ikaw naman." Trip pa rin ba ako ng lalaking 'to?

"Walang kapalit, Jema. This is just a friendly invitation. Isa pa, madaming tao doon. All my staffs are all there. Hindi naman siguro ako gagawa ng kalokohan na ikasisira ng resort ko especially that we are just about to open." Ang daming sinasabi but he has a point naman.

Wala naman sigurong masama kung pagbibigyan ko siya.

Ayoko namang isipin niya na affected ako sa kaniya.

"Fine. I'll accept your offer. We'll be there tomorrow morning."

"Sez, seryoso ba?"

"You'll come with me. Isama mo na rin si Dylan and also call Bea and Mads to come with us tomorrow."

"Sure, sez!" She looks happy. Akala ko ba ayaw niya 'kong payagan?

"So okay na tayo? Hintayin ko na lang kayo bukas. I'll immediately send the address to you, Jema. Thank you!" I just nodded at him before I accompanied him to his car.

Boring na rin naman ako sa buhay ko so why not go there and have some fun.

Mukhang hindi na rin matutuloy ang pag-gala namin ni Ky mamaya dahil may lakad na kami bukas.

"Sez, wala ka bang planong sagutin ang phone mo?"

"Put that thing away from me."  I'm annoyed.

Sabi niya she'll be back within three days pero pang-apat na araw na ngayon pero hindi pa rin siya bumabalik.

Tapos ngayon tatawag tawag siya sakin samantalang noong nakaraang araw na tinatawagan ko siya, she didn't answered or even replied to all of my messages.

Bahala siya!

"Who's caller is this? Your favorite person? May iba ka pa bang favorite bukod sakin?" I rolled my eyes at her before getting my phone from her.

Tsismosa talaga ng babaeng 'to.

"Hoy, sez! Wag mo 'kong idinadaan sa topak mo. Sabi ni Mafe, Ilang araw ka na raw may topak ah." awtomatikong tumakbo si Mafe papuntang kitchen dahil sa sinabi ng kaibigan ko.

Hindi ko alam kung paano sila naging close na dalawa basta nagising na lang ako na close na sila.

Noong isang araw nga, inaayusan niya si Mafe. Ginawa pang model ang katulong ko.

That's not so Kyla. Hindi siya friendly sa mga katulong but when she met Mafe, naging malapit agad sila sa isa't isa.

That's right!

Isama na lang rin namin si Mafe.

"Sez, okay ka lang ba? Epekto ba yan ni Deanna?" Binato ko sa kaniya ang pillow na nasa couch.

Can't Unlove HerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt