Chapter 15

3K 86 9
                                    

Deanna's

I'm driving right now papunta sa Wong's Residence.

I badly need to see my Father right now.

Flashback

"Sez! Ano ka ba? Why are you acting like that?"
Hindi pa ko makabawi sa pagkabigla and even Bea and Maddie gulat na gulat na din.

How come she knows my name?

"Akala ko ba dadalhin mo siya dito? Nasaan na? Ilabas mo!" hindi maganda ang timpla ng boss ko.

I think, I triggered her.

Mali ata ang nasabi ko.

Paano ko naman dadalhin ang sarili ko sa kaniya kung ang alam niya ay ako si Deanna Alvizo, her bodyguard.

"Jessica Margarett! Tumigil ka na, hindi ka na nakakatuwa!" This is the first time na makita kong seryoso si Kyla.

Tumahimik naman si Jema at muling naupo.

"Deanna, sa akin na lang muna uuwi si Jema. I have to talk to her, mukhang may kumalas na namang turnilyo sa utak niya." May alam kaya si Kyla sa tinutukoy ni Jema?

"Kyla, about sa sina--"

"I'm sorry, Deanna. I can't say anything unless it's my story to tell. Yung mga nabanggit niya, kalimutan niyo na lang since wala naman kayo noong nangyari yun. Don't bother, kapangalan mo lang siya." Gusto kong magreklamo pero para saan pa kung ang tanging alam din naman ni Kyla ay isa akong Alvizo.

Hindi na ako umimik pa at tinulungan na lamang siyang dalhin si Jema sa kotse niya. I think, it will be good kung doon muna siya matutulog. Mukhang mas magkakaintindihan sila ni Kyla sa ganung paraan.

Medyo naging mahirap dahil napakakulit ni Jema. She's talking constantly. Hindi naman siya tinatamaan ng alak pero ngayon pakiramdam ko lasing na Jema ang kaharap ko.

Nakasunod lang sa amin ang dalawa kong kaibigan na hindi pa din nakakamove-on sa naririnig.

"Mag-ingat kayo, please." mahinahon kong saad.

"Don't worry, ibabalik kong matino itong boss mo." ngumite na lamang ako hanggang sa tuluyan na silang umalis.

Para akong nanghihinang sumandal sa kotse ni Jema.

"Boss D. ayos ka lang ba?"

"Pakisampal nga ako "

"Araaaay! Bakit mo ko sinampal?" Tinignan ko si Bea na tumatawa lang.

"Sabi mo sampalin kita."

"Bea, umayos ka nga! Nakikita mo namang seryoso ang nangyayari diba?" singhal ni Mads kay Bea na nagpatahimik dito.

"Wag na kayong mag-away dalawa. Ayokong sumakit lalo ang ulo ko."

"Boss D. Bakit parehong surname mo ang binabanggit niya?" Hindi ko din alam kung bakit alam niya.

"Mahabang kwento, Bea. Basta ang importante dito alam niyo ng dalawa na nagpapanggap ako bilang bodyguard niya. Yung ibang rason tsaka na lang muna. Sa atin na lang muna ito kung pwede."

"Walang problema, Ms. President. Kaya kong magpanggap kagaya ng ginagawa mo pero sana wag mo masyadong patagalin. Mas matagal, mas madaming rason para magsingungaling ka. Pakiramdam ko din kasi iniisip ni Jema na magkaiba si Deanna Alvizo at Deanna Wong." Yan din ang ang palaisipan sa akin.

Can't Unlove HerWhere stories live. Discover now