Chapter 3

3K 78 5
                                    

Magi-isang oras na simula ng marating ko ang village ni Tito Jesse, it wasn't hard to find their location dahil isa lang naman ang village na nakalagay sa address nila sa mga villages na tinitirhan ng mga mayayamang tao dito sa Pilipinas.

Hindi ako sigurado kung tama ba ang bahay na pinuntahan ko. Nandito lang ako sa gilid ng kalsada, hindi kalayuan sa iniisip kong bahay ni Tito Jesse.

It's already 8 in the evening, 1 and half hour din ang binyahe ko.

Walang kasiguraduhan na makikita ko siya ngayon o kung tama ba talaga tong bahay na pinuntahan ko. Ilang beses na din akong nakikipagtalo sa isip ko but I don't really have the courage na umalis at hayaang masayang ang effort at pagod ko sa pagpunta rito.

Para naman akong nabuhayan ng pagkatao ng makita kong unti-unting bumubukas ang gate. Halos hindi na ko pumikit para lang makita kung sino ang lalabas sa gate. A red car came out from the gate pero hindi ko maaninag masyado kung sino ang laman nito.

I saw the car coming from my direction but on the other side of course. Binaba ko ng kaunti ang bintana ng kotse ko para mas malinaw kong makita ang taong laman ng kotse kapag dumaan ito sakin.

I hardly breathing, mukha akong stalker sa ginagawa ko but I don't care. Malapit na ang kotse sa pwesto ko kaya mas lalo kong binaba ang bintana ko pero laking gulat ko ng huminto ang kotse sa mismong tapat ko.

"What the heck! Arayyy!" sa sobrang gulat ko ay napayuko ako and guess what nauntog lang naman ako sa mismong bintana ko.

Mabilis kong iniangat ang bintana at muling binalik ang tingin sa katapat kong kotse habang himas himas ang noo ko.

Thank God na tinted ang car so she won't see me looking for her kung siya nga ang nasa loob ng kotse. Halos himatayin naman ako sa kaba ng ibaba niya ang bintana

And there she is, sitting cooly inside her car while busily talking to someone over phone.

"Jessica" I softly whispered

Madilim na pero hindi yun rason para hindi ko siya hangaan. She's really beautiful.

Nanlaki ang mata ko ng lumingon siya sa pwesto ko, kung nakababa siguro ang bintana ko ngayon malamang ay nagkakatitigan na kaming dalawa.

Natutunaw ako sa kaniya, I don't know why pero kumakalma ako sa titig niya.

Matapos niyang ibaba ang phone niya, isinara na niya ang bintana at nagpatuloy na sa pag-alis.

Where is she going?

Anong oras na tapos madilim pa sa labas. Is it alright for her to leave her house at this hour?

I did a U-turn para sundan siya, maybe she has some emergency to deal with.

Don't get me wrong, gusto ko lang siguraduhing safe siyang makakarating sa kung saan man siya papunta.

Hindi ko alam kung gaano kalayo ang pupuntahan ng isang to but ayos lang naman sakin sundan siya if that will make me stop from worrying.

"Mytho's Resto Bar" paulit-ulit kong binibigkas ang pangalan ng lugar na pinuntahan niya.

Seryoso? Dito talaga siya papunta?

I'm not really fond of bar, bihira lang din akong uminom. The last time na pumasok ako ng bar eh noong college days ko pa at celebration pa yun. Hindi na yun naulit dahil hindi ako sanay sa mataong lugar at hindi ko talaga gusto ang vibes sa loob.

Wala akong choice kundi bumaba ng kotse. Kanina pa nakapasok sa loob si Jessica but I'm still contemplating kung papasok ba ko.

Pero what if may emergency nga sa loob? Maybe her friends or what at kailangan ni Jessica ng tulong.

Can't Unlove HerWhere stories live. Discover now