Chapter 1

8.5K 106 6
                                    

Jema's

It's already one o'clock in the morning. Ilang oras na kong hindi mapakali at talagang nangangati na kong makaalis sa bahay na ito.

I have also prepared the rope that I have been hiding under the bed for a long time because I am so sure that this time will come at nangyayari na nga.

Habang naghihintay ng tamang timing, nag-ayos na muna ako. Hindi kakapalang make-up dahil sabi nga nila kahit walang make-up ay maganda pa din ako. Ginulo ko ng marahan ang buhok ko, wala din namang saysay na mag-ayos ako ng bongga, dahil paniguradong sa gagawin ko mamaya ay masisira din ang ayos ko.

"Napakatagal naman ng babaeng yun!" I heaved a sigh

Anong oras na! Dapat nandito na siya, masasayang lang ang oras kung hanggang ngayon ay walang Kyla na dadating. Subukan lang niyang hindi tumuloy, magkakapatayan talaga kaming dalawa chaaar.

Matapos ang ilang buntong hininga, sa wakas naramdaman ko na ang vibration ng phone ko. Yes, vibrate lang dahil hindi pwedeng mag- ingay ang phone ko dahil mayayari talaga ako ng hindi oras.

"Finally Ky! Ang tagal mo!" Pabulong kong sigaw sa kaibigan kong hindi ko alam kung anong daan pa ang tinungo.

"Sorna agad Sez! Ikaw naman kasi, wala ka sa hulog magpasundo."

"Saan ka banda?"

"Nandito, medyo may kalayuan sa inyo. Do we really have to do this Sez? Patay talaga tayo pag sumablay to!"

"Nawawalan ka na naman ng tiwala sakin duhh! You're talking to a Jessica Galanza! Kelan pa ba sumablay mga plano ko?" Ewan ko ba dito sa bestfriend kong to, hindi naman to first time pero akala mo laging mahuhuli.

"Fine! Ang daming say, gawin mo na ang dapat mong gawin. Nandito na ko sa labas ng gate niyo HAHAHA hindi ko papalampasin makita ang bestfriend kong naga-ala spiderman." Akalain mo nga naman, hindi ko naramdamang nakalabas na pala siya ng kotse niya, may pagka-maligno din talaga ang babaeng to.

"Lokaaa! Sige na, baba ko na to. Wish me luck."

"Kaya mo na yan, matanda ka na! Anyways, nakikita na kita sa balcony ng kwarto mo. Bwiset galingan mo!"

Pinatay ko na ang tawag and do my things. Itinali ko na ang lubid sa railings ng balcony dito sa kwarto ko at hinanda na ang sarili ko sa adventure na gagawin ko.

"Lord, kayo na pong bahala sakin." I cheered sa sarili ko siyempre pray na din mahirap na baka makidlatan ako sa ginagawa ko.

After 5 minutes of doing a recreational activity chaar. It's a mission accomplished.

What did I do? Kagaya ni Spiderman, ginamit ko ang lubid para makababa mula sa ikalawang palapag ng bahay namin. Buti na lang talaga at hindi sa third floor naka-pwesto ang kwarto ko kung hindi ewan ko na lang kung buhay pa ko ngayon.

Tahimik akong lumabas ng gate namin at agad na sinalubong ang yakap ng kaibigan ko na tuwang- tuwa.

"Bwiset! Ang galing mo dun. Look, may video pa ko."

"Adik ka burahin mo nga yan!"

"Wag ka nga, souvenir ko to. Ibang klase ka talaga sez, so proud of you!"

"I know right!" nagmamalaki kong tugon

"Who wouldn't think na magagawa mo yun?"

"In the name of bar, I do."

Yes, you heard it right. Ginawa ko lahat ng yun, I even sacrificed my safety para lang makapunta sa bar. Panira kasi ang Dad ko eh nagpipiling strict na naman siya.

Can't Unlove HerWhere stories live. Discover now