Chapter 23

245 7 0
                                    

"Want to grab some dinner?" Kalauna'y alok nito sa mahabang katahimikan. Pumayag ako. Medyo kumukulo na ang tiyan ko sa gutom.


Sabay kaming bumaba para pumunta sa dining ngunit dumretso siya palabas. Mabilis ko naman siyang pinigilan.



"Saan ka pupunta? Akala ko kakain tayo?" Kunot noong tanong ko.



"Oo nga, kakain nga tayo." Tango nito. "Sa labas. I'm treating you a dinner."



"Wala akong pera." Agad kong sabi matapos niyang sabihin iyon at ngumuso.




I don't have job. Isa sa mga dahilan ko kung bakit nasa kwarto lang ako palagi. Wala akong trabaho na mapag-abalahan. Mabuti nalang libre pagkain nila dito or else i'm starving to death.



"Sabi ko  i'm treating you hindi ko sinabing kanya kanya tayo ng bayad. Atsaka, I am craving beef stake." Kompirma nito kaya tumango ako.



"Ba't 'di mo e-request kay Nanay Yolly yan. Alam naman ni nanay lutuin ang steak."




Ang daming arte rin ni Jana minsan. Nanay Yolly has been their cook since she was 19 kaya alam na nito halos lahat ng putahe pati na ang steak. At pwede siyang mag request kay nanay. Bakit kailangan pa sa labas kakain?




"I don't like. Pero hindi ibig sabihin na ayaw ko sa luto ni nanay ha. Gusto ko lang ng bagong ambiance. Hindi nga ako naumay sa luto ni nanay Yolly, naumay naman ako sa pagmumukha ng mga kasama natin kumain dun pati sulok ng dining nauumay ako." Aniya at bumusangot.


Wala akong nagawa kundi pagbigyan siya at isa pa, libre ito. Bawal tumanggi sa libre.






"Palagi ka ba rito?"




Pansin ko kasi kanina pa lang pagdating namin, bawat nakakasalubong namin kakilala niya at waiter din na kumuha ng order namin. It seems she's always around these area.



"Yep, mga thrice a week I think. If i'm not that busy dito ako naglalagi noon since i love steak, kaya siguro kilala na ako ng iba dito." She shrug her shoulders. Tumango naman ako. I see.




Our order arrived. I am having a well-done while hers is medium rare and I don't get why many loved it when their meat is half cooked. Nasasarapan ba sila sa karneng medyo hilaw at may dugo pa? Ano namang nakakasarap do'n?



I just.. don't get it.



"How long have you been friends with him?"




Napatingin ako sa kanya bigla. Kahit hindi sabihin alam ko kung sino ang tinutukoy niya.



"Simula nung nagkamalay ako sa mundong 'to naging kaibigan ko na siya." Panimula ko. "He's the first person i've had as friend along with Wena. Sila ang naging takbuhan at sandalan ko sa lahat."



But i grow out of them since that day happen. My thoughts are eating my concious away refusing to ask their help. Nahuhulog ako ng sarili kong problema dahilan para makalimutan ko minsan na may mga kaibigan akong sasalo sa'kin. I beacame aloof as the day goes by.



"Then, that's long enough to say it's not you who he's after for."




Natigilan ako. What does it mean?
Bumulusok agad ang kaba ko ng walang dahilan. Bakit ako kinakabahan? Kaibigan ko si Jason, alam kong 'di niya ito gagawin nang dahil sa'kin. I've known him for so long and i know he can't do this to me.




"We run some investigation through this matter and may nalaman kami."



Kumunot ang noo ko. "Why? Ano ba 'yun?"



"Wala ako sa lugar para sabihin 'to. Hindi ko gustong sabihin 'to ngunit ayokong nangagapa ka sa dilim pagdating ng araw kaya ko sasabihin ito sayo." She heaved deeply and stare right into my eyes. "Your father killed your bestfriend's father then recently your bestfriend kills your father and now... he's after you. That's the reason why he's here."



Nabitawan ko ang hawak kung kubyertos sa pinagkainan ko dahilan para lumikha iyon ng ingay. I could feel the other customer's gazes on me but I couldn't care less. Anong pinagsasabi ni Jana? Jason killed my father?



Katulad ng pagka straight forward ng pagkasabi ni Jana ay gano'n rin ka straight forward pumasok iyon sa isip ko. I should feel angry. Dapat galit ako dahil pinatay niya ang taong nagpalaki sa'kin, ang nag-aruga sa'kin ngunit mas nangibabaw sa akin ang lungkot. Nalulungkot ako dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit nangyari lahat ng 'to.



Noong nagpapaalam ako sakanya ay alam kong iyon na talaga ang huli. I escape the darkness that is slowly creeping unto me but it's him who got caught. Kinain siya ng dilim na para sana sa akin.




"Kaya ba tayo lumayo sa pack house dahil dito?" I mutter.



Tumango siya at malungkot na nginitian ako.
"Hindi kita makakausap ng masinsinan do'n. Maraming tsismoso. Gusto kong kausapin ka ng masinsinan at magagawa ko lang 'yon kapag malayo tayo sa pack house. And I somehow knew how you'll react. Ayokong um-attract ng tsismoso." Aniya.



"Why is he after me, Jana?" I ask in a small voice.



"Hindi ko din alam Selene. Hindi natin alam."



My father is the one who killed his father and he already killed him so.. why is he after me? Sukdulan na ba ang galit niya sa papa ko kaya pati ako tinutugis niya? I'm his bestfriend but it seems like friendship means nothing to him now as he loath my family and me. It seems it's family over friends and the family always win.





Magkasabay kami na pumasok ni Jana. Kakatapos lang namin kumain at mag-usap ay umuwi na kami agad dahil lumalalim na ang gabi at may gagawin pa kami bukas.




We haven't talk much after I ask her a question we both don't know the answer. Ngunit hindi ako matatahimik hanggat 'di ko malalaman ang buong dahilan kung bakit nangyari ito kay Jason. At kung bakit gusto niya akong patayin.



"Saan kayo nanggaling?" Agad na bumungad samin ang tanong ni Klaus na nakaupo sa sofa habang nakaharap sa t.v.



"Dyan lang." Jana answered him.




Tila nakulangan naman si Klaus sa sagot kaya humarap ito samin. Una akong tiningnan nito tapos si Jana. His stares lingers longer at her. Kumunot ang noo ko. May nakita akong emosyon na dumaan sa mga mata nito na agad ding nawala. He seems to feel my stares so he look at me. Wala na doon ang emosyon.



Nagtataka niya akong tinitigan. "Are you ok, Selene?"



Sa tingin ko hindi niya napansin na nakita ko ang dumaang lungkot sa kanyang mga mata. Tumango ako. Binalingan ko ng tingin si Jana para magpaalam.



"Una na ako." Malamlam ang boses ko at pilit na ngumiti.



Tanging tango lang ang sinagot niya. "You can tell me anytime, Selene."



Hindi ako sumagot bagkus tumalikod ako at tinahak ang daan papunta sa kwarto. Hindi na ako nakapag goodnight sa dalawa dahil sa panghihinang naramdaman.





Agad akong humiga at tulalang pinagmasdan ang kisame pagkapasok ko sa kwarto. Malalim akong bumuga ng hangin at inalala ang lahat. Thoughts were scattered around my mind. Walang matinong pangungusap akong nabuo, lahat nagkakarerahan sa utak ko. Sumasakit na ang utak ko kaiisip. I heaved a deep sigh.


Am I losing you, Jason?

SeleneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon