Chapter 6

314 17 0
                                    

“Doc, how is she?”




“She's fine. Although, her body was healthy and completely fine from blood loss, her wounds are another talk. It's slowly healing not normal for a wolf, and her ability as a wolf isn't good. It's lacking.”





Naalimpungatan ako nang may narinig akong nagsasalita. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero hindi kaya. Para bang dinaganan ako ng dambuhalang truck sa bigat ng nararamdaman ko. Pati ang pagdilat ng mga mata 'di rin kaya.




“Is that even possible? I mean, no wolves has been lacking on their abilities, right. It's what wolves has since a wolf is born. And Alpha sense something strong in her, it must be her ability.”





Napakunot noo ako nang may nagsalita na naman. Tinigil ko ang pagtangka kong dumilat at pinakinggan ang mga boses. Para kasing nag-uusap sila. Hindi ko nga lang alam kung sino sila at kung sino ang pinag-uusapan nila. Hindi naman siguro nila malalaman na nakikinig ako? I'm still immobile kaya di nila mahahalata.





“Yes, Beta Klaus. Possible parin iyon sa isang wolf.”





Wait, wolf? As in aso? At anong beta? Nasaan ba ako at bakit ang weird ng pinag-uusapan nila? Sigurado namang nasa earth pa ako at wala sa ibang planeta diba. Naku! Wag naman sanang alien itong kasama ko dito! Ayokong makakita ng green na nilalang, nakakakilabot.





Pinakalma ko muna ang aking isipan at pinakinggang muli ang nagsalita.





“May case na ganito, but it's unheard of. There's three cases, actually, causing of a wolf's ability languid; first, if she or he is a late bloomer. Second, her wolf blood was weak, mostly this happens if her or his mother is half human-half werewolf then the father is pure human, vise versa. Mas nagiging prominent kasi ang human blood kesa sa wolf kaya nagiging weak ang abilities nila. Lastly, the sealed wolf.”





At may pa case case pa ang aso ha. And ano yun? Half human-half were? Juicecolored! Mga kulto ata sila!




“Sealed wolf? May ganong case?”





“Oo. But just what i've said, it's unheard. Wala pang naibalitang may sealed wolf. Pero meron ang una at ang pangalawang case ngunit kaunti pa lang. Those does not normally happen in our race.”





“And what is her case? Siguro naman na hindi iyon ang kaso niya.”





What? What about my case? Anong kaso ang pinag-uusapan nila? Ipapakulong ba nila ako? Aba, wala akong ginawa ah! I'm perfectly innocent.





“That is what we're doing right now. My team were taking a test on her, whether she's one of those cases. Let's just pray she's not a sealed one.”





At ngayon test na naman?! Ano ba talaga, may exam bang magaganap para kumuha ako ng test o ipapakulong nila ako? Juicecolored naman oh!





Manahimik ka nalang muna Selene. Wag kang magpapanic. Siguro naman hindi ako ang topic nila. Tama! Kalma muna Selene, hingang malalim.




Para naman akong tanga at huminga nga ng malalim dahilan para tumigil ang mga nagsasalita.





Good way to distract, Selene. Ayan tuloy nabuking at nalamang gising na ako.






Hindi ko parin dinilat ang mata ko. Narinig ko nalang ang pagpapaalam ng sa tingin ko ay doctor.





“Alis na po ako, Beta Klaus. Excuse me.”




SeleneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon