Chapter 1

611 25 0
                                    

“... Mate.”




Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na lumipad ang aking kanang kamay sa aking leeg. Wala akong makapa dito. Akala ko ay totoo na ang nangyaring pagkagat sakin ng lalaking ‘yon. Pero, bakit gano‘n. Bakit parang totoo?



Gabi-gabi nalang akong nanaginip. Minsan nagtatagpuan ko ang sarili kong tumatakbo sa kakahuyan na para bang may humahabol sakin ngunit di ko malaman kung ano o sino. Madalas naman ay ang lalaking ‘yon ang napapanaginipan ko.



Naguguluhang iginala ko ang aking paningin. Puro puno lang ang nakikita ko at para bang sumasayaw ang mga ito sa hangin. Tila ba naglalaro ang mga ito sa dilim na tanging buwan lang ang naging ilaw para kahit na ganon ay nakikita parin.



Iba ang pakiramdam ko. Pakamiramdam ko ay nakapunta na ako dito. Hindi ko lang matandaan kung kailan.



Napukaw ang atenstyon ko nang may narinig akong kaluskos. Hindi ako nag iisa sa gubat na'to. Ramdam na ramdam ko ang presensya nito sa aking likuran.



Kinakabahan man ay nilingon ko ang presensyang iyon. At hindi nga ako nagkakamali dahil kitang kita ko ang matikas nitong pangangatawan mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko maaninag ang mukha dahil sa anino ng mga punong tumatabon dito.



Mariin kong tinitigan ang lalaking nasa harap ko. Hindi ko parin makita ang mukha. Sana pala nagdala ako ng flashlight. Makikita ko sana ang itsura nito.



“Sino ka?” Maingat kong tanong sa lalaki at parang wala itong narinig. Nakatayo lang kasi siya at halos di na gumagalaw.



Na stroke kaya ito? Pero imposible naman dahil kung na-stroke na yan dapat ay nakahandusay na siya. At syempre makikita ko na ang mukha niya.



Natawa ako sa mga naiisip ko pero napalitan rin agad iyon ng kaba at takot.



Hala! Gumalaw siya! Hesosmaryosep! Buti sana kung kita na ang mukha pero hindi parin, eh.



Gusto ko mang madismaya dahil ‘di natupad ang panalangin kong makita ang mukha niya ay sana ang hiniling ko nalang na sana ay hindi nalang siya gumalaw. Dahilan para makita ng dalawang mata ko ang matitingkad nitong mata. Kulay pilak ang mga 'yon. Kakaiba. Kakaiba rin ang mga mata ko pero kakaiba ang sa lalaking ito. Kung nagagandahan ako sa mga mata ko, iba naman ang taong nasa harap ko. Hindi lang paghanga ang naramramdaman ko kundi pati takot na halos manginig ako.



Dumoble ang kaba ko ng humakbang ito ulit. Ganon parin, nakatago parin ang kanyang mukha sa dilim at tanging mga bibig nalang nito ang kita. Buti naman! Nakakakot ang paraan ng pagtitig nito. Parang nangangain ng buhay.



Nangunot ang noo ko ng gumalaw ang bibig nito. Nagsasalita ba siya? Ba't di ko marinig?



“H-ha?” Nagawa ko pa talang magtanong gayong natatakot ako. Hindi ko kasi makuha ang sinasabi niya.



Pero ganon nalang ang gulat ko ng mapunta ito harap ko at mahigpit na hinawakan ang aking beywang. Mas nagulat ako ng marinig ko ang sinasabi nito at ang biglaang pagkagat nito sa leeg ko. Bakit parang naulit na ito? Ang huling tanong ko sa isip ko hanggang sa mawalan ako nang ulirat.


“... Mate.”




Muli kong hinawakan ang partikular na bahagi ng leeg ko. Anong ibig sabihin ng panaginip ko? Ibig kong matakot pero bakit di ko makapa sa sarili ko. Lahat ng ‘yon ay parang totoo. Mula sa paghapit niya sa aking beywang at pagkagat niya sa aking leeg, damang dama ko ang init at sakit nito na para bang maiihi ako na ewan.


Iniling ko ang aking ulo at tinungo nalang ang banyo. Wala akong mapapala sa pag-iisip kong 'to. Ay hindi, meron pala. Sermon ng mahal kong Ama.



Minadali ko ang pagligo at pabibihis, mahalaga ang oras. Ika nga nila ‘time is gold’. Atsaka ayaw ko naman sigurong makatanggap ng malabanal na sermon ni papa at pati ata ‘di kilalang demonyo ay titingalain siya.



Pagkatapos maligo at magbihis ay agad akong bumaba para magluto. Trenta minutos, natapos ko ang pagluto, sakto naman ang pagbaba ni papa. Magulo ang buhok nito at ganon parin ang suot nito mula kahapon halatang ‘di pa nakaligo. Hawak rin nito ang ulo niya mula sa taas hanggang maupo ito sa hapag. Alak nga naman.


Wala itong imik at para bang hindi niya ako nakikita. Ano pa nga bang aasahan mo, Selene? Ganyan na yan simula mawala ang mama mo. Dapat masanay ka na.



“Ang kape ko?”



Napawawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat at napatingin sa kay Papa nang magsalita ito. Kaagad akong kumilos at tahimik na ginawa ang kape niya. Sa lahat ng nakakalimutan ko kape pa talaga. Ang pinaka importante pa.



Paglapag ay sinumalan na niyang kumain ng di ako sinusulyapan. Hanggang sa matapos ay nakatayo lang ako sa gilid niya. Normal na ito sakin ang maghintay sa kanya sa isang sulok habang siya ay kumakain. Ayaw niyang sumabay ako dahil nawawalan daw siya ng gana kaya hinihintay ko pa siyang matapos bago ako makakain. Kahit na gusto kong kasabay siya ay wala akong magawa, batas niya ang masusunod.



“Kumain kana.” Malamig nitong saad nang natapos na siya at tuloy tuloy na pumanik sa taas. Malalim akong napabuntong-hininga.


Masakit para sakin na ganito ang trato niya sa akin. Sino ba naman ako? Isa lang akong batang ibinanduna ng kanyang magulang. Isa lang akong ampon sa pamilyang ito. Pero ganon paman, nagpapasalamat parin ako dahil kinupkop nila ako ng walang pag alinlangan. Hindi ako pinabayaan. Inaruga kahit na kakaiba ako.



Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago umupo at napatitig sa ulam at kanin na nasa harapan. Pritong isda at sinangag na kanin lang ang niluto ko kanina kaya madali akong natapos. Madali lang magluto, natutunan ko ito kay mama. At kung gaano kadali magluto ay siya namang kay hirap ng buhay ko.



Kailan ba kami magiging ganito ni papa? Hanggang saan ba kami maging ganito? Kahit na di siya nagsasalita, ramdam ko ang pang aakusa niya. Ako ang sinisisi niya sa nangyari kay mama. Alam ko. Alam ko na nang dahil sakin kaya namatay si mama at sobra ko iyon pinagsisihan.

SeleneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon