Chapter 7

302 12 0
                                    

Palipat lipat ang tingin ko sa kanila nang tumulala sila. As in tulala talaga. Nakatayo lang sila at halos hindi na gumagalaw.





I cleared my throat to get their attention. “Excuse me.” Good enough dahil tumingin sila sakin.




“Pwedeng.. pwede pagamit ng cr?” nahihiyang tanong ko.




Napangiti bigla si Jana sa'kin dahilan para mapayuko ako.




Nakakahiya talaga.




“I'll escort you. Mukhang mahina pa ang katawan mo.” ani niya.





Wala akong nagawa kundi ang tumango. Gusto ko mang tumanggi ngunit 'di pwede. My whole body is still sore, and I need help in that part.




Mabilis niya akong dinaluhan at marahan na humawak sa likod at kamay ko.





“We're going.” Dinig ko nang nasa hamba na kami ng c.r.




Lumingon ako, but their back are already facing me to where I'm standing. Ngunit mas tumagal ang titig ko sa likod niya hanggang sa wala na akong makita at tanging nakasaradong pinto nalang.




I don't know what has gotten into me, but I'm already craving for his attention. Gusto ko ang makasama siya at makausap siya kahit pa ngayon ko lang siya nakilala. He has this certain aura that is luring me in. Aura na nakakapanghina ngunit nakakatakot.




Bumuntong hininga ako. Nahihibang na yata ako.





Pagkatapos kong bumanyo ay nakahiga nanaman ako sa kama, ulit. While Jana comfortably snugging on the chair. Tumingin ako sa kanya only to know she's staring at me. Tinaasan ko siya ng kilay.





Anong tinititig niya? Is something wrong with my face?





She shifts at naglahad ng kamay. Tinitigan ko iyon. Hindi alam ang gagawin. “I didn't introduced myself properly. I'm Jana Augur, also known as the Oracle.”





Nangunot ang noo ko. “Oracle?”




“You don't know what Oracle is?”




“I know.” Pero hindi ko alam na may tao palang tinatawag na ganon. Does it even exist? “But what do you mean by...”




“That I'm an Oracle?”




Tumango ako. I can't comprehend what she said. Hello? Oracle? Never heard of.





“Alam mo naman siguro kung ano ang oracle diba?” Tumango ulit ako.




“Predicting future, even past and present. And earlier...” tumigil siya saglit at matiim akong tinitigan. “I saw a glimpse of yours.”




She saw, what? My future? Present or past? Beacause I'm interested.





"Anong nakita mo?" seryosong tanong ko.




Seeing someone's future or past is peculiar. Wala pa akong narinig na may taong ganon ang katangian. It's weirdly fascinating. Kadalasan kasi ay mga peke lang o di kaya ay nagpapanggap na nakakakita ng future. At mahahanap mo ang ganitong tao sa Flow Market kung saan palaging nabibiktima ang kaibigan kong si Rowena. Uto-uto rin kasi 'yon minsan.






Hinintay ko ang sagot niya subalit nabigla ako nang ngumiti lang siya, like she's amazed. Bakit, may nakakaaliw ba sa sinabi ko?





SeleneDove le storie prendono vita. Scoprilo ora