Chapter 20

245 5 0
                                    

“Mmm. This is good. Selene, try this.”



“Huh?” Wala sa sarili kong tanong at lumingon kay Jana na nakaabot ang kamay. Tumingin ako doon.




“Anong gagawin ko dito?”




“Titigan mo hanggang sa mabusog ka.” She rolled her eyes. “Edi ano pa, kainin mo!”




Napangiwi ako sa kanyang sinabi at kinain ang bigay niyang pancake. Masarap naman ngunit di ko magawang namnamin lalo na't 'di parin maalis sa isip ko ang sinabi niya. I know she had some clue kung ano ba talaga ang suspect pero hindi niya alam kung sino. Iba naman ang sa akin, alam ko kung sino ang suspect pero nagdadalawang isip ako kung siya ba talaga. Paano niya nagawa iyon? Bakit niya nagawa 'yon?




“Oo nga pala Selene 'di kita na introduce kay Nanay Yolly.”



Biglang sabi ni Jana kaya napatingin ako sa kanya saka kay Aling Yolly na nakaupo 'di kalayuan na kumakain. Ngumiti ang huli kaya ngumiti rin ako.




“Nay, this is Selene, Selene si Nanay Yolly. Isa siya sa mga nagluluto dito minsan, kapag siguro trip niya.”




Agad na kumaway sakin si Aling Yolly at natawa sa sinabi ni Jana.



“Kinagagalak kong makilala ka Selene.”




“Ako rin po.” Ani ko sa mababang tinig. Napatingin ulit ako kay Jana ng ngumisi ito.




“Napaghahalataang mga taong bahay kayo. Masyadong makaluma ang pananalita. Kung si Nanay ay matanda, ikaw naman Selene parang napag iwanan ng panahon. Hindi kaba nakikihalubilo sa mga tao?”




Isang iling lang sinagot ko sa kanya habang patuloy na kumakain. Para naman siyang 'di makapaniwalang tumitig sakin. What? Eh. Sa ayaw kong makipag-usap sa iba lalo pa't hindi ko kilala. Atsaka, minsan lang naman lumalabas ang makaluma kong pananalita. Itong si Jana kung makapag react ang O.A.




“Talaga?” 'Di parin makapaniwalang tanong niya. Tinanguan ko siya.




“Hindi naman kasi ako lumalabas talaga ng bahay. Siguro kapag importante doon lang ako nakakalabas. Kapag may inuutos si Mama kundi si Papa. Minsan naman kapag niyaya ako ng mga kaibigan ko at gustong gusto ko talagang sumama, do'n lang ako lumalabas ng bahay.” Pagpaliwanag ko at balewalang kibit balikat ko pa.




“Wow, you really had such a boring life.”




Napailing ako sa sinabi niya. Siguro para sakanya boring na iyon, pero para sa akin okay na iyon. I enjoyed my time being alone dahil sanay ako sa ganun. Mas na-enjoy ko kasi ang araw ko kapag ako lang mag-isa kahit pa nandyan ang dalawa kong kaibigan, sina Jason at Rowena. Kaya naman naiilang ako paminsan minsan kay Jana. Hindi kasi ako sanay na palaging may kasama.




At hindi ko alam ang gagawin kung sakali mang masanay ako.




Pagakatapos kumain ng almusal ay umakyat kaming muli sa kwarto para magbihis. She told me to change bago ako bingyan ng isang pares ng damit. At first nagtataka ako kung bakit niya ako pinagpalit ng damit ng pang work out until dinala niya ako sa feild na puro nag-aaway ang nandoon.



Now I know why she wants me to change dahil mapapasabak ako sa nakakapawis na labanan. She was going to train me. At ngayon, hindi paman kami nagsisimula pinagpawisan na ako dahil sa kaba. Mamatay na ba ako ngayon?




“Pwede bang mag excuse muna? Cr lang saglit.” Kinakabahan kasi talaga ako. Pakiramdam ko maiihi ako sa kaba.




“Nakapag banyo ka na few minutes ago, Selene. Hindi naman pwedeng oras oras ka na lang mag banyo. Andito tayo para mag training hindi para bumanyo.” She  strictly said.




Tumango ako. “O-okay.”




“Good. Before we start may mga bagay muna akong sasabihin. This will be my rules kapag nasa training tayo. First, you must abide any of my rules walang kai-kaibigan dapat lahat sinusunod. Pangalawa, ayaw ko ng nali-late pagdating sa oras ng training. Five or three minutes before call time dapat nandito kana. And lastly, ayaw ko ng nagrereklamo sa mga ipagagawa ko. Kung hindi mo nasusunod lahat ng iyon ay may ipapataw sa'yong parusa. Nakukuha mo ba, Selene?”




Mabilis akong tumango. Hindi ko rin maiwasang mapalunok ng laway habang nakatingin sa kanya. She looks too strict that I don't want to open my mouth.




“Good. Now, run 100 laps around this field.” Seryosong sabi niya na nagpalaglag ng panga ko. Is she serious?!




I wanted to protest ngunit nagdadalawang isip ako sa parusa. Ayokong maparusahan. Ni hindi ko nga alam kung anong klaseng parusa ang meron siya. So, I better shut my mouth and do what she says. Nag simula na akong tumakbo pero hindi paman ako nangalahati gusto ko ng sumuko. My body was burning from running and my breathing became ragged. Hindi ko rin mapigilan ang panginginig ng mga binti ko. Para na akong mahihimatay sa kalagayan ko.




“Magpahinga ka muna, i'll give you ten minutes."”




Dinig kong sabi niya. Agad akong umupo. Wala akong pakialam kahit pa madumihan ang suot ko. I'm too tired to walk over the bench at isa pa maliligo naman ako pagkatapos kaya ok lang na madumihan.




Salitan kong pinukpok ang dalawa kong binti dahil sa pagkamanhid. Magka-cramps pa ata.




“Jana, pagkatapos nito anong sunod?” Ngiwing tanong ko. Naku, panigurado 'di ako makakakilos nito bukas!




“Hand to hand combat. But, kailangan mo munang pag-aralan how to do offense and defense para kapag nasa labanan kana you will know how to fight.” She squat beside me.




“Before that, you have to strenghten your stamina first. And that is what we are doing now. Hindi tayo mag le-level up kung hindi tayo matatapos sa steps na 'to.”




Ngumiwi ako lalo. “Can we just skip this steps and jump into the combat?” Nagbabaka-sakaling tanong ko.




Feeling ko kasi mamamatay ako sa pinapagawa niya ngayon. I thought I was healthy dahil kumakain naman ako ng tama. I eat healthy foods and I exercise too pero.. what the pakingtape! Sa simpleng pagtakbo lang para na akong hihimatayin. Wala palang silbi ang mga exercise ko! Kung alam ko lang na ganito, edi sana 'di na ako nagpapakahirap mag-exercise mag-isa sa bahay. Puro, useless lang. Tss!




“No, you can't.” Lalo akong naghina sa sinabi niya.




“Mas mahirap ang combat, Selene. Mas madali kung dadaan ka muna sa ganito. This is to strengthen your muscles and bones, pati narin ang stamina mo mas mapapahaba. Gagaan kasi ang katawan mo kapag nagawa mo 'to so you can easily dodge and fight. Kaya it's a no.”




There is no way I can back out in this, right?  Naka oo kana, Selene! Wala ng bawian.




Hay! Wala na talagang bawian. Kailangan ko na talaga sigurong tanggapin na ito na ang kapalaran ko. I'm not an ordinary person so, better be an extra ordinary being now.

SeleneOnde histórias criam vida. Descubra agora