"Oh, fuck that, Gio." Natatawa kong sagot sa kaniya. "I have a girlfriend so stop that shit. I will not fall for my sister. I will not reciprocate her love for me. Yes, her love, you're right, kulang ang skills mo. Ako ang mahal ni Thrizel, hindi ako ang nagmamahal dito." Huminto ako at seryosong nagsalita. "Like you, I wonder too. How did my sister fall for me? What have I done? For being protecive, I guess? All you have to do is keep your mouth shut. Bro, hindi dapat malaman iyon ni Anissa. Kung anong sikreto, itago."

"Pft, If I’m your girlfriend, I will break up with you."

"Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, anong gagawin mo? Kapatid ko si Thrizel, kapag nalaman ni Anissa ang kaniyang ginawa. Ano nalang ang mangyayari? Gulo iyo—"

"Kilala natin si Anissa." Proud itong sumagot sa akin. "Mabait at maintindihin, kung malalaman niya, hindi siya gagawa ng gulo. Ang gagawin niya, manahimik at umiyak nalang. How about your sister? Baka siya pa ang magpalaki ng gulo."

"How can you say?"

"Again, Thrale, I'm the SSG President. Isang sabi mo lang na patingin ng bad records ni Thrizel sa school, ilalatag ko agad sa harapan mo." Napatawa naman ako sa kaniyang sagot. I forgot, mahilig pala si Thrizel sa gulo. May punto siya roon.

"Make sure my secret is safe with you." Paalala ko rito at binalik ang atensyon sa laptop. Bakit ba kasi si Thrizel ang paksa namin? Pinasok pa kasi nito e.

"Wala ka bang napansin?"

Sinulyapan ko si Gio dahil sa kaniyang tanong. Binalik ko ulit ang tingin sa laptop at sumagot. "Hmm?"

"Freak, I’m jealous here."

"I know." Sagot ko at tumipa sa keyboard. "Hindi big deal sa akin iyan, bakit ko pa pupunahin?"

"So you’ve changed a lot gano'n? Ang funny mo naman."

Binitawan ko ang mouse at humalukipkip Humarap ako sa kaniya na nakasimangot. "Kung dati may mga pakialam ako sa mga nagkakagusto kay Thrizel, ngayon wala na. Baka kasi iyon ang dahilan kung bakit ako ang minamahal ng kapatid ko. Mas mabuting hayaan ko na siya kung sinong magustuhan niya. Siguraduhin niya lang na hindi siya sasaktan ng lalaking ‘yon."

"I like Thrizel, by the way."

"It’s  okay." Tinigan ko siya sa kaniyang mga mata. "Huwag lang maulit ang nangyari 2 years ago." Huminga ako nang malalim at bumalik sa ginagawa.

Pansin ko namang natigilan siya at hindi na nagsalita. Halatang ayaw niya ring balikan ang pangyayaring iyon.

Amira’s POV

"Natanong mo na ba si Manang Perry?"

Nandito kami ngayon ni Link sa labas ng aming bahay. Bigla kasi siyang tumawag at agad akong pinalabas. Siyempre agad akong nagtaka dahil minsan lang naman kami mag-usap ni Link. Nag-uusap lang kami ni Link kapag tungkol kay Thrizel at ito na nga, magkasama kami ngayon.

"Manang Perry is not here, umuwi siya nang probinsya because of Sittie. Nalunod daw si Sittie sa dagat, iyon ang paalam sa amin ni Manang. Kailangan niyang puntahan ang kaniyang pamangkin dahil wala na itong mga magulang. Siya nalang ang nag-aalaga rito."

"Eh, paano natin malalaman?" Malamig na ang aking kamay. Bakas na sa aking mukha ang pag-aalala. Bukas ang pag-alis ko pabalik ng States pero ito ako ngayon, namomroblema kung saan hahanapin si Thrizel.

Ang sabi ni Link, gigisingin niya sana ito para mag-almusal pero walang tao sa kwarto. Sinawalang bahala iyon ni Link dahil ugali na ni Thrizel ang umaalis ng walang paalam. Pero ngayon, gabi na, wala pa ring Thrizel na umuuwi. Tinawagan na siya ni Link ng ilang beses pero nakapatay ang phone. Sinubukan niya ring i-locate si Thrizel pero ang selpon nito ay iniwan sa kaniyang kwarto. Wala kaming alam kung paano siya hahanapin. Wala ng kaibigan si Thrizel, ako lang na nag-iisa kaya mahihirapan kaming hanapin siya.

"May balita na ba kayo about Thrizel?" Napatingin kami kay ate Anissa. Kakalabas ang nito. Pinuntahan kami, bakas din sa kaniya ang pag-aalala.

Sumagot si Link. "Wala pa rin." Huminga siya nang malalim at nilibot ang paningin sa paligid. Mukhang alam ni ate na wala sa bahay si Thrizel. "Hindi natin p’wedeng i-report sa pulis, alam niyo naman ang kanilang sagot." Kanina ko pa rin napapansin na todo siya buntong hininga. Hindi niya rin yata alam kung saan hahanapin ang kaniyang pinsan.

"Ipaalam na kaya natin kay Thrale." Suhestiyon ni ate. Agad niyang nakuha ang atensyon ni Link.

"Huwag." Nangunot ang noo ko dahil kinontra niya iyon. "Hayaan nating siya ang makaalam." Napatango-tango ako sa kaniyang sinabi. Akala ko ay hindi niya talaga sasabihin. Humarap siya kay ate. "You have go inside, Anissa. Baka magtaka si Thrale kung bakit nasa labas ka pa."

Ngumiti siya sa amin. "Sige, sabihin niyo nalang ako." Ngumiti kami sa kaniya ni Link. Umalis naman na ito.

Agad akong humarap sa lalaking ito. "Bakit ayaw mong ipaalam kay Thrale? Kung ako si ate, hindi valid reason ang sinabi mo. Hindi pa umuuwi si Thrizel, dapat na iyong malaman ni Thrale."

"Pft, huwag ka ngang kontra sa desisyon ko." Dahil sa kaniyang sagot, inirapan ko siya. "Hindi ko alam ang main reason ni Thrizel, huli kong kita sa kaniya ang pag-uusap nilang dalawa ni Thrale sa garden. I saw Thrizel cried. Base sa kaniyang reaksyon, parang ayos lang sa kaniya. Sunod no'n, pumasok na siya sa loob."

"Sa tingin mo, anong pinag-usapan nila?"

"So slow, lady. Tsk."

Napasimangot ako sa kaniyang tanong. Siya ang nakakita kaya tatanongin ko siya.

"Just answer my question, KUYA Link."

"Of course, about Thrizel's feelings. Pft."

Nag-usap pa kami ni Link. Maya-maya ay pumasok na rin ako sa loob. Hindi ko matutulungan si Link sa paghahanap niya kay Thrizel dahil sa ganitong sitwasyon, magulang ko talaga ang nasusunod.

"Anong pinag-usapan niyo ni Link sa labas?" Napatingin ako kay Kuya Elkhurt na nakaupo sa sofa, nanunuod.

"About Thrizel."

"Iwasan mo nga iyon."

"Bakit naman?"

"Baka mahawa ka sa kapraningan."

"Backstabber." Asar ko sa kaniya at dire-diretso nang pumasok sa kwarto. Kinuha ko ang aking selpon at agad na tinawagan si Brooks. Bukod sa akin, si Brooks ang close ni Thrizel.

Hindi katagalan, sinagot na rin ito.

"Oh, Thrizel's friend, how did you get my number?"

"You gave me your number. Tsk. May itatanong lang ako, kasama mo ba si Thrizel?"

"Ang babaeng iyon? Of course not, takot na takot ‘yon sumama sa akin. Walang dahilan para sumama sa akin. Bakit? Ano bang nangyari?"

"Hindi pa kasi siya umuuwi."

"Baka nauna na mag-States sa ‘yo."

"Damn you, Brooks!"

Agad kong pinatay ang tawag. Nagtatanong ng maayos, nag-aalala na nga ako rito. Saan ba kasi nagpunta ang babaeng ‘yon? Dapat ay kumilos na si Linkkkk!

Itutuloy...

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu