Checkpoint 14

12 2 0
                                    

Melancholic Pain

GAYA NG sinabi ni Felix na maaaring nasa paligid lang si Shun, nakita nga ni Aether ang kaibigan 'di kalayuan sa base. At naroroon si Shun nakaupo sa troso, nag-iisa at nakatingin sa kalangitang lulubog-lilitaw ang maliwanag at bilog na buwan.

Mukhang malalim ang iniisip ng kaibigan ni Aether at nag-aalala siya para dito. Saka niya lang naalala ang pang-aakusa ng kasamahan nilang sundalo kay Shun na ispiya raw siya at halimaw.

Umasta ngang matapang ang kaibigan kanina nang makarating sila sa base nang walang naabutan kundi mga katawan ng mga kapwa sundalong nasawi sa engkwentro, alam ni Aether na hindi pa rin maayos ang pakiramdam nito matapos iyon.

At mukhang dumagdag pa ang inis ni Shun sa naisagot ni Felix sa kan'ya kanina. Mainitin pa naman ang ulo ni Shun kaya palagi itong nasa malayo at nag-iisa para pakalmahin ang sarili.

"Anong iniisip mo ngayon?" Aether asked him, and sat on the log beside Shun. She looked at him but Shun was still looking up to the gloomy but slightly bright skies because of the moon hiding behind the clouds.

Dahan-dahang nilisan ng mga ulap ang pagkakatakip nito sa maliwanag at bilog na buwan, doon nakita ni Aether ang malungkot na kislap sa mga abong mata ng kaibigan niyang si Shun.

Nakatingin pa rin si Shun sa buwan nang sagutin siya nito, "Ikaw."

Aether pouted. This was also his answer before they were deployed to the forest, however, it made Aether's heart thumping with joy.

"No. May problema ka, eh. Would you mind telling it to me? I'm all ears." She smiled at him even if Shun weren't looking at her. She had to be consistent to figure out what Shun's problem was.

"Ikaw pa rin."

Hindi alam ni Aether kung nagbibiro ba ang kaibigan niya o seryoso, pero nagsisimula sa siyang mainis dahil kahit kailan ay hindi naging bukas ang kalooban ni Shun sa kan'ya. Ni hindi ito nagsasabi ng mga saloobin niya kay Aether, kung ano ang laman ng isipan niya, o kung anu-ano ang mga gusto nito.

Maliban sa pagiging magkaibigan, ay wala nang nalalaman pa si Aether tungkol kay Shun bukod sa pagiging masungit at parang galit sa mundo.

Hindi naman siya ganito noon...

Kung tutuusin, sila pa ni Felix ang magkaibigan kaysa sa kanilang dalawa ni Shun.

Pero pinigilan si Aether ang sarili na sumbatan si Shun, baka masabugan pa siya ng granadang tinatago ni Shun sa katahimikan niya.

Kumunot ang nuo ni Aether dahil sa kaguluhan. "Ako ang problema mo? Wala naman akong ginagawa sa 'yo, ah?"

"'Yon na nga, eh!"

Shun's voice thundered that caused Aether twitch in shock. Doon lumingon nang marahas ni Shun. Aether could see the pain from Shun's ash-grey eyes even in the night.

Dahil sa maliwanag na buwan, hindi maipagkakaila ni Aether na talaga namang kay gu-guwapong pagmasdan ang mukha ng kaibigang lalaki. Tumitingkad ang maputla nitong balat na para bang anghel itong ipinadala sa lupa upang bantayan siya.

Pero hindi rin nito maitatago ang pighating nararamdaman ng kaibigang lalaki.

"Ikaw ang problema ko, Aether. Wala ka ngang ginagawang masama o ano, pero nagkakaganito ako. Ikaw ang rason kung bakit ako nagkaganito. Ikaw ang tumulak sa akin para maging ganito ako. Alam mo bang sobra-sobra akong nasasaktan ngayon? Of course, you didn't have any single idea."

Aether couldn't understand what he meant, but based from Shun's expression and eyes, he didn't like to be like that.

"Ako ang problema?" Aether scoffed at him. "At ano bang sinasabi mong ganiyan ka? 'Yong nand'yan ka para sa akin, pero mayamaya ay aalis rin? 'Yon ba ang sinasabi mo?"

St. Agustin Hospital | ON-GOINGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora