Kabanata 40

416 6 15
                                    

Kabanata 40

Wait

"Why don't you invite your boyfriend tonight? Dito na siya magdinner," sabi ni Papa.

Napatigil ako sa pag-inom ng kape sa sinabi ni Papa. Dahil nalaman na nilang boyfriend ko na nga si Triyce, I noticed some changes in them.

It seems that my father and Triyce got a bit closer. Pati na rin si Mama na akala mo ay matagal na silang magkaibigan at parang gusto siyang papuntahin sa bahay araw-araw.

Naalala ko noong pinakilala ko na rin siya sa kanila last week. They were so happy about us and Mama even hugged Triyce. Ang sabi pa ni Papa, hindi raw siya nagsisi na sapilitan akong pinauwi rito sa Pilipinas.

Si Papa talaga, oh. Kung maka react... akala mo namamanhikan. Isang buwan pa lang naman ang relasyon namin.

"We just had dinner with him last Tuesday. Baka nakukulitan na iyon sa inyo dahil palagi niyo siyang iniimbita rito. sa ibang araw na lang po."

"Why not? He's your boyfriend. Hindi naman siya nakukulitan sa amin dahil palagi siyang nakangiti at mabait pa!" ani Mama na nagbabalat ng apple.

Sus. Ganoon talaga iyon dahil sila ang dating boss niya. Alangan namang magseryoso siya o maging malalmig ang pakikitungo tulad noong high school pa kami.

To be honest, Triyce is kind. But not all the time. Kapag napansin niyang inaabuso na ang kanyang kabaitan, diyan na lumalabas ang pagiging malamig o masungit niya. At isa ako sa pinaranas niya ng ganoon noong high school pa lamang kami.

"Papuntahin mo na. Hindi iyon tatanggi," he confidently said as he leaned his back against the backrest of the chair.

And also, I noticed Papa's behavior towards him. It's like... he treats him like his son. Parang napamahal na sa kanya dahil sa sobrang tagal na ng koneksyon nilang dalawa. I don't a brother and an only child so... sa tingin ko sa kanya na lang ibinubuntong iyon.

"Don't worry. Triyce won't be bored because River will be here, too. Mag-inuman pa sila rito, oh."

"No liquors, please. May trabaho pa siya," I sighed. "Fine. Tatawagan ko siya para sabihin iyon."

Napapalakpak si Mama at napangiti nang wagas si Papa. I just found myself typing a message for him. It's four in the afternoon, and I'm sure he's still busy teaching his students. Hindi na ako nangulit dahil ayokong istorbohin siya.

I have no complaints when it comes to his work schedule. Instead, I am amazed. Being a teacher is a hard job. Kita mo ang sakripisyo na ginagawa at ang pasensya na maturuan ang maraming estudyante.

I went to our balcony to breathe some fresh air. Natural sa probinsya na mapresko ang hangin dahil sa mga matataas na puno. Mamaya pa lulubog ang araw pero heto ako at medyo nananabik na makita iyon.

Faith went back to Manila last week for her work that's why I'm a nit bored here in our house. Tapos na raw ang kanyang maikling bakasyon rito sa probinsya at ang prayoridad naman niya ang kailangang pagtuunan ng pansin.

As for her love life, she's still not open about it. Well, she gave me hints but I still give conclusion that he's talking about his ex boyfriend, Jovi. Sa pagkakaalala ko ay nililigawan daw siya ni Jovi pero hindi ko alam kung patuloy pa rin ba. Ang gulo ng dalawang iyon! Makipagbalikan na kasi para matapos na!

Sa ngayon, ang palagi kong nakakasama sa hangout kung hindi ang pamilya ko o si Triyce, si River ang nakakasama ko. When Triyce is busy, ang pinsan ko na ang sumasama sa'kin para hindi ako mag-isa. And he's so fine at it.

Hanggang sa sumapit ang gabi at nandito na si Triyce. Umuwi muna raw siya sa kanilang bahay para makapagpalit ng damit. Imbes na ako ang mauunang sumalubong sa kanya, naunahan ako ni Papa! Hindi naman halatang sabik makita!

While You're Falling (Haciendera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon