Kabanata 14

290 8 1
                                    

Kabanata 14

Fine

Sa gulat, tinulak ko si Triyce pero ni halos hindi ito gumalaw sa kanyang pwesto. He didn't expect what I did so he looked at me. Pakiramdam ko ay nahuli ako sa isang bagay na hindi ko dapat ginawa.

"Nandyan ka pala... at kasama si... Jubel."

I felt uncomfortable and a bit nervous now that she's here. Halos hindi ako makatingin sa kanya na para bang isang kriminal na nakagawa ng isang malaking kasalanan sa kanya.

Sa gilid ng mga mata ko ay pumasok na siya sa kwarto. Na para bang ilang beses na siyang nakapasok rito at sanay na sanay na. Kung sabagay, magkaibigan sila kaya ayos lang siguro na papasukin siya rito ni Triyce.

"You should've knocked the door before you opened. May pinag-uusapan kami rito," he said.

"Kumatok ako. Hindi niyo yata narinig dahil sa videoke sa labas..."

I took a glance at them as they talk. As I stare at them, I feel out of place. Na para bang may barrier na pumapagitna at wala akong karapatang sumali sa kanila.

"Naku! Ilang buwan na pala ang lumipas at ngayon lang ako ulit nakapasok sa kwarto mo. Naalala ko tuloy 'yong prank na ginawa natin kay Kuya Rael dito," she chuckled.

"Naaalala ko nga..."

"Uto-uto talaga ang Kuya mo. Masyadong naniwala. Pati sina Tito at Tita sumali na rin..." natatawa niyang sabi.

I may be a friendly and approachable person but I still experience this kind of uncomfortable feeling. Some people could make you feel like you don't belong, that you should know your place and leave as if nothing happened.

I played my fingers as I silently listen to them. It seems that she's very close to his family. he has strong connection to them, unlike me.

"Pwede na ba kitang makausap? Nandito na rin naman tayo."

"I'm a bit busy, Jane. Pwedeng sa susunod na araw na lang-"

"Ilang minuto lang, Triyce. Ayaw mo na ba akong kausap?" she joked then chuckled in the end.

Dumako ang tingin sa akin ni Jane. Her stares are telling me that I should leave so they could talk. Na huwag akong istorbo sa kanila.

I cleared my throat then stood. Napatingin sa akin si Triyce at pinilit kong ngumiti sa kanya.

"Sa labas muna ako para makapag-usap kayo."

"You can stay here-"

"'Yong tayong dalawa sana, Triyce. This is personal. I'm not comfortable when someone is with us," she said like she's referring to me.

"Oh. Personal pala ang pag-uusapan mo. Dapat lang na wala ako rito," I forced a smile to show it's fine to me. "Doon na muna ako kay Faith."

It looks like he's not satisfied to what I responded. Lumabas na ako at sinara ang pinto para walang makaistorbo sa kanila. My smiled faded and I sighed.

Nahanap ko si Faith sa labas, kasama ang mga kaibigan ni Kuya Rael. Nakikipag-inuman na at ang isa sa kanila ay kumakanta sa videoke. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi niya.

"Oh? Nasaan si Triyce?"

"Nasa kwarto. Kausap si Jane."

Tinaasan niya ako ng kilay at nilagay ang baso na may lamang beer sa mesa.

"Huh? Hinayaan mo silang dalawa roon? Tanga ka ba?"

"Ba't ko hindi papayagan? Hindi ko pinagdadamot si Tres sa mga kaibigan niya, 'no. Gusto lang naman makausap ni Jane."

While You're Falling (Haciendera Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora