Kabanata 10

309 8 1
                                    

Kabanata 10

Iniiwasan

Parang mabibigat ang mga hakbang ko pababa ng hagdan kahit medyo mabilis iyon. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko.

Tama ngang nandoon si Triyce pero hindi ko inaakalang nandoon din si Jane. She's crying infront of him. What the hell is happening? What does that mean?

And the way Triyce caressed her... iyong parang sinasabi na hindi niya ito iiwan. That he really cares for her.

Bumalik na lamang ako sa kinaroroonan ni Faith. Nakitaan ko ng kaonting gulat ang mukha niya nang makita ako.

"Oh! Ang bilis mo yata. Nakausap at nakita mo roon si Triyce?"

"Wala siya roon. Baka umuwi na..." I lied.

"Huh? Pero ang sabi ni Jeremy baka nandoon daw siya. Are you sure you didn't see him?" nagtatakang sambit niya.

He's with Jane. Totoo nga ang sinabi ng mga estudyante rito. That Triyce has a crush on her. Kaya ganoon na lamang ang nakita ko kanina.

"Umuwi na lang tayo."

"Huh? Hindi mo na hihintayin si Triyce? But he said he wants you to wait for him-"

"Huwag na. Maybe he's busy. Pagod na rin ako," matamlay kong saby habang may pilit na ngiti.

"Oh. Sige..." sabi niya nang inoobserba ako. "Medyo gutom na ako. Kumain muna kaya tayo ng burger o siomai sa labas."

"Hindi ako gutom. Gusto ko nang umuwi, Faith."

Lumabas na kami ng school. Halos tulala ako at muntik na akong masagasaan ng motor. Buti na lamang ay hinila ako papunta sa gilid ni Faith.

"Naku naman, Jubel! Ayos ka lang ba? Muntik na 'yon!" halos galit niyang sambit.

"Pasensya na. Hindi ko napansin," sabi ko habang tinitingnan ang papalayong motor.

"Dyusko! Mag-ingat ka kasi! Buti na lang nandito ako. Hay naku! Nasaan na ba kasi si Triyce at siya sana ang hahatid sa'yo?"

Pumara siya ng paparating na padyak. Tumigil iyon sa harap namin at pinasakay ako.

"Manong, sa Sta. Cruz lang po. Heto po ang bayad niya. Keep the change po," she extended her arms to give fare.

Hindi na ako umangal na siya ang nagbayad ng pamasahe ko. My smile didn't reach my eyes. Kumaway na lamang ako.

Hanggang sa nakauwi ako ay tahimik ako. Walang buhay akong napaupo sa sofa at napatulala. Narinig kong tinawag ako ni Mama galing sa kusina pero hindi ako kumibo.

Sumagi sa isip ko ang nakita kanina. It was as if my mind went blank when I saw them together. Parang ipinakita sa akin na mayroon ngang namamagitan sa kanilang dalawa.

I've never experience this. This kind of feeling. Pain. It hurts to see them together in that kind of situation.

Ngayon lang ako nasaktan ng ganito. To my exes and flings, I've never felt this kind of pain. Noong nakipag break ako ay ayos lang. Pero ngayon ay parang dinudurog ang puso ko.

"You came home early today. Kumain ka na ba ng meryenda? Nga pala, pumunta raw rito si Triyce kaninang umaga. Sabay ulit kayong pumasok sa eskwela?" si Mama.

Tumango ako. Mukhang gusto pang magkwento ni Mama tungkol kay Triyce pero tumayo na ako.

"Mamaya na po ako kakain. Magpapahinga muna po ako."

Pumasok na ako sa kwarto at agad nagpalit ng damit. Dumiretso ako sa balcony para magpahangin pagkatapos. I sat on the chair and let myself feel the wind. Tanaw ko ang malawak na taniman ng mais at mga punong mangga, pati na rin ang papalubog na araw.

While You're Falling (Haciendera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon