Kabanata 28

304 17 1
                                    

Kabanata 28

Babysitter

I don't know what to say. I am lost of words because of what he said. Pero kahit anong iwas ko, my heart pounded a bit.

Tumingin na lamang ako sa kabilang direksyon dahil hindi ko siya kayang tiningnan. Ramdam ko pa rin ang bawat masahe niya sa legs ko na parang iniingatan ito.

"Hindi ako marunong magmasahe. Pero sinusubukan ko para mabawasan ang pangangalay ng mga binti mo," sabi niya kahit hindi ko tinatanong.

I remained silent. Tanging tunog ng mga dahon ng puno, hangin at mga ibon lang ang naririnig namin. Sa gilid ng mga mata ko, napansin kong sumulyap siya sa akin.

Nanlamig ako nang biglang naalala ang girlfriend niyang si Jane. I removed his hands, massaging my legs. Medyo nagulat siya sa medyo marahas kong pag-alis kaya napatingin sa akin.

"Ayos na. Salamat," I coldly muttered without making an eye contact with him.

He watched me wearing my boots. Tumayo na ako at iniwan siya. Bumalik ako sa cow's shed as if wala akong narinig mula sa kanya at kahit medyo nangangalay pa rin.

I can't believe I let him massaged my legs. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin na kaluluwa para hayaan siya. Sarap iumpog ang ulo sa pader dahil sa sariling kagagahang ginawa.

I just realized I've finished the task nang nakapasok na sa loob. Napasapo ako sa mukha dahil sa pagiging lutang ko! Ano bang nangyayari sa'yo, Jubel?

"May hindi ka pa ba tapos na gawain? Kaya ka dumiretso rito?"

Napahawak sa ako sa dibdib dahil sa gulat nang magsalita siya sa likuran. I didn't notice his presence because I was preoccupied! Sumunod pala sa akin.

"Uh... N-Nagdo-double check lang. Baka kapag umalis ako ay tatawagin mo ulit ako para bumalik dito," I don't know why I stammered.

"Natingnan ko na at maayos mong nalinis ang kulungan. Bumalik ka muna roon sa bahay at makapagpahinga ng kaonti at... maligo kung gusto mo," he looked away as he grabbed the rope.

Naging concious ako sa sarili. Pasimple kong inamoy ang damit at napabulong sa mura. Nawala sa isip kong nangangamoy na ako at nagkatabi pa kami kanina!

My face heated in embarassment. Dahan-dahan akong umatras at napansin niya ako. He smirked at me as if there's something funny in my expression.

"Sige na. Maghihintay ako rito habang naliligo ka," he's still smirking.

"Bakit hindi mo sinabi? You should've stayed away from me kung alam mong nangangamoy na ako!"

"I don't want to offend you. Medyo nangangamoy na rin ako pero tumabi pa rin ako sa'yo para imasahe ka. Kaya pareho lang tayo."

"Hmm. Hindi ka naman nangangamoy. I still smelled your perfume..."

His eyebrow raised a bit, shocked to what I said. A warm smile appeared on his lips as he looked away. Napakamot pa siya sa kanyang batok.

Palusot ka pa riyan. Ako lang ang nangangamoy sa atin dahil ako ang pumasok sa mga kulungan! Hindi na ako papayag na maulit ang paglinis ko rito!

Halos nakasimangot ako nang bumalik sa bahay. Before I could get inside, I saw a familiar SUV that went inside our hacienda. Lumabas sina Mama at Papa galing kotse at naglakad palapit sa bahay.

Great! Is this the perfect time na isumbong sa kanila ang pag-abuso ni Triyce sa pabor ng mga magulang ko?

"Good morning, iha! Wait. Bakit mukhang haggard ka at parang galing gyera?" natatawang sambit ni Mama nang nakalapit sa'kin.

While You're Falling (Haciendera Series #2)Where stories live. Discover now